Sa gitna ng pandemyang nararanasan natin, bukod sa mga medical workers ay may mga tao rin na sinusubukan suungin ang pandemyang ito kahit na mas kalat na ang COVID-19 sa bansa ngayon kaysa noong mga nakaraang buwan.

 

 

Halos limang buwan na rin na patuloy na hinahamon ng sakit na ito ang bawat pamilya sa buong mundo, kaya mas dapat natin pahalagahan ang bawat manggagawa’t trabahador na nagbubuwis ng buhay para sa kanilang mahal sa buhay at para sa patuloy na pag-ikot ng ekonomya. Hindi na lang kanilang mga pamilya ang umaasa sa kanila, kundi maging ang gobyerno’t negosyo dahil sa kanilang pagod nagmumula ang kita.

 

 

Pawis, pagod at takot ang dala ng bawat galaw ng mga taong nagbubuwis buhay para sa kanilang mga mahal, kahit na hindi tiyak ang kaligtasan at kahit na may posibilidad tamaan sila ng pandemyang kalat sa bansa at mundo. Patuloy pa rin sila sa pagkayod upang maiuwing kaunting kita sa kanilang mga mahal sa buhay.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here