Batay sa kinulumpon na ulat ng mga local government unit sa National Capital Region (NCR) pagdating ng Abril 27, umabot na sa 4,588 ang positibo sa COVID-19 sa rehiyon. Mayroon namang 2,114 na probable at 4,498 na suspect na kaso ng sakit. Ang naitalang gumaling ay 722 at 497 ang namatay.

Ang positibo sa COVID-19 na namatay ay 497 habang 92 suspect/probable na naitalang namatay sa Mandaluyong at Navotas.

 

Talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR noong Abril 27

 

Ayon naman sa Department of Health (DOH), umabot na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa sa 7,777, kung saan 198 ang bagong kaso ngayong araw. Ang mga gumaling sa sakit ay umabot na sa 932 at 511 ang namatay.

 

Maynila

Kasalukuyang 644 na ang mga residente ng Lungsod ng Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 matapos magtala ng Manila Health Department (MHD) ng 31 na karagdagang kaso.

Sa kasalukuyan, 1009 ang itinuturing na ‘suspect’ at wala namang residente ng lungsod ang itinuturing na ‘Probable’.

Samantala, 89 na ang nag-rekober habang 60 naman ang namatay. Dalawa ang kaso ng mga bagong namatay sa loob ng dalawang araw.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso pa rin ang naitala sa Sampaloc na may 129, Tondo 1 na may 94, Sta. Cruz na may 66 at Tondo 2 na may 61.

COVID-19 MONITORING: Kasalukuyang 644 na ang mga residente ng Lungsod ng Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease…

Geplaatst door Manila Public Information Office op Maandag 27 april 2020

 

Quezon City

Umabot na sa 1,261 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 288 ang suspect at 155 ang gumaling at 125 ang namatay.

Geplaatst door Quezon City Government op Maandag 27 april 2020

 

Caloocan

Umabot na sa 165 kumpirmadong kaso sa Caloocan, habang 418 ang probable at 288 ang suspected. Pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Brgy. 176 na may 16 na kaso at Brgy. 156 na may 13 na kaso.

Nasa 33 ang naitalang gumaling sa sakit at 25 ang namatay. Wala pang naiulat na bagong kaso ng nasawi simula Abril 25.

Pinakamaraming naitalang kumpirmadong kaso sa Barangay 176 na may 16 at Brgy. 156 na may 13.

Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Zondag 26 april 2020

 

Valenzuela

Naitala ng Valenzuela City ang 85 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, 9 probable, 277 suspect, 11 naka-rekober at 6 na namatay. Isa ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ngayong araw.

 

Malabon

 

Navotas

 Umabot na sa 34 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas, 98 ang probable, 107 ang suspect at 11 ang gumaling. Nagtatala pa rin ng PUM ang Navotas na umabot ngayon sa 86.

Siyam ang positibong COVID-19 kaso ang namatay sa Navotas pero mayroon na ring 50 na probable na namatay.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Sipac-Almacen na may 6 at San Jose (Poblacion) na mayroon ding anim.

#????????? ??????As of 27 April 2020, 4PM??? = 86??????? = 107 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe,…

Geplaatst door Navoteño AKO! op Maandag 27 april 2020

 

San Juan

Naitala ang 214 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 pagsapit ng Abril 26, habang 0 ang probable, 266 ang suspect, 48 ang gumaling at 35 ang namatay.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso sa Barangay Greenhills na may 44, West Crame na may 22 at Corazon de Jesus na may 20.

Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Zondag 26 april 2020

 

Marikina

Umabot na sa 103 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina, 7 ang suspect, 13 ang probable, 18 ang gumaling at 18 ang nasawi.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso sa Barangay Concepcion Uno na may 15, Marikina Heights na may 12 at Concepcion Dos na may 11.

Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…

Geplaatst door Marikina PIO op Maandag 27 april 2020

 

Mandaluyong

Nakapagtala na ng 349 kumpirmadong kaso sa Mandaluyong, 0 probable, 760 suspect at 59 ang gumaling. Pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Highway Hills na may 46, Mauway na may 44 at Addition Hills na may 43.

Naitala rin ang 33 na kumpirmadong COVID-19 na namatay at 42 suspects na namatay. Pinakamaraming namatay sa Barangay Addition Hills na may 6 positibo at 11 suspect na namatay, kasunod ang Highway Hills na may 5 positibo at 2 suspect na namatay, at Mauway na may 5 positibo at 5 suspect na namatay.

Itinala rin ng LGU ang 17 kumpirmadong kaso sa National Center for Mental Health at 3 positibong kasong namatay sa ospital.

UPDATE: Ang ating pong mga Probable Case at Suspect Case ay patuloy na nakatatanggap ng food assistance mula sa…

Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Maandag 27 april 2020

 

Pasig

Nakapagtala na ang Pasig ng 305 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, 113 probable, 67 suspect, 79 ang gumaling at 55 ang namatay.

Pinamakamaraming kasong naitala sa Barangay Pinagbuhatan na may 34, Ugong na may 28 at Rosario na may 26.

Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Maandag 27 april 2020

 

Makati

Ngayong araw, umabot na sa 336 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ang kabuuang bilang na naitala ng Makati Health Department, pero aabot naman sa 387 ang naitala ng DOH. Nasa 74 ang probable, 146 ang suspect at 288 ang PUM. Base sa rekord, nakapagtala rin ang MHD ng 35 taong nasawi at 81 taong gumaling na mula sa naturang sakit.

Pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Pembo na may 31, sunod sa Poblacion na may 24 at San Lorenzo na may 21.

Ngayong araw, April 27, 2020, umabot na sa 336 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ang kabuuang bilang na naitala ng…

Geplaatst door My Makati op Maandag 27 april 2020

 

Taguig

Nakapagtala na ng 221 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang syudad, 0 probable, nasa 1,129 ang suspect, 26 ang gumaling at 15 ang namatay.

Pinakamaraming kaso sa Barangay Fort Bonifacio na may 44, Ususan na may 26 at Western Bicutan na may 16.

?????? ???? ?????-?? ???? ???????????? ??, ????Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 2 bagong CONFIRMED cases. Ito…

Geplaatst door I Love Taguig op Maandag 27 april 2020

 

Pateros

Nakapagtala na ng 22 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 90 PUIs, 100 PUMs, 6 na gumaling at 4 na pumanaw.

Geplaatst door IsangPateros op Maandag 27 april 2020

 

Pasay

Naitala ang 169 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 380 probable, 67 suspect, 33 ang gumaling at 19 na namatay.

Pinakamaraming naitalang kaso sa Barangay 183 na may 20 at Brgy. 34 na may 10.

Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Maandag 27 april 2020

 

Parañaque

Umabot na sa 423 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 525 ang probable, 254 ang suspect, 59 na gumaling at 31 ang namatay.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Barangay BF Homes na may 51, San Antonio na 50 at Don Bosco na may 46.

PARAÑAQUE CITY COVID-19 UPDATE!AS OF APRIL 27, 2020, 6:00PM, THE NUMBER OF CONFIRMED CASES IN PARAÑAQUE CITY IS FOUR…

Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Maandag 27 april 2020

 

Las Piñas

Naitala ang 133 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad, 15 probable, 56 suspect, 15 gumaling at 10 namatay.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Talon Dos na may 20 at Pamplona Dos na may 15.

LAS PIÑAS COVID-19 UPDATE

Geplaatst door City of Las Piñas op Maandag 27 april 2020

 

Muntinlupa

Umabot na sa 134 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, 475 ang probable, 16 ang suspect, 25 ang gumaling at 19 ang namatay.

Breakdown of COVID-19 cases per Barangay as of April 27, 2020, 5:00 PM. Active Suspect: 16(16 home quarantine, 0…

Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Maandag 27 april 2020

 

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here