Setyembre 05, 2019 nagprotesta sa harap ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa ng Harbor Centre Port Terminal, Inc. upang ikondena ang dalawang taong pananatili nilang kontrakwal sa kabila ng disisyong nilabas ng DOLE na maging regular na sila noong August 30, 2017. Mga kontraktwal na manggagawa ng Harbour Centre, idineklarang regular ng DOLE

Nitong August 30 nagkasa rin ng protesta sa harap ng mismong gate ng pagawaan
ang mga manggagawa. Matapos nito, may isang manggagawa ang hindi na pinapasok
sa loob ng Harbor Centre dahil sa pagsali raw nito sa protesta.

“Bakit hindi ako sasama? Eh kasamahan ko sila ng halos 11 na taon, kontrakwal
kami ng ganiyang kahabang panahon, kaya dapat hindi na sila magtaka kung bakit ako
sumama sa protesta,” ani ni Adigue Sopriano, manggagawang hindi pinapasok ng management. 

Deka-dekada na ang mga manggagawa sa Harbor Centre pero nanatiling kontrakwal at sa mahabang panahon wala sa minimum ang pasahod, hindi nabibigyan ng benepisyo at walang mga kagamitang pang kaligtasan.

“Bakit hanggang ngayon hindi pa rin nalulunasan ang ipinaglalaban ng mga
manggagawa ng Harbour Centre? Nasaan ang inyong binigay na [kinikilala kami] bilang regular na mga mangagawa, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naimplementa sa aming kumpanya? Hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa
mga dinisisyon ninyo na iregular ang mga manggagawa. Bakit hanggang ngayon, matatapos na naman ‘tong taon”, giit ni Eldefenso Bello, pangulo ng Unyon ng manggagawa sa Harbor Centre

Ilang dekada ng nagpapatuloy ang iskema ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa ng Harbor Centre. Ayon pa sa pangulo ng unyon tama na ang dalawang
taong patuloy na paghihintay sa gagawing aksyon ng DOLE dahil wala itong pangil laban sa mga kapitalista.

“Kami po ay naniningil kay Secretary Bello na ipatulad ang kanyang napagdesisyunan
sa papel na aming pinanghahawakan na kami ay regular na subalit patuloy na nananatili ang aming pagiging kontraktuwal sa ilalim ng agency”, diin naman ni Luis Ormillada, isa sa miyembro ng samahan. 

Sinabi rin ni Eldefonso Bello na magpapatuloy silang titindig para sa kanilang karapatan dahil patuloy rin silang naaabuso ng kontraktuwal na paggawa.

Kasabay rin sa kilos protesta ang dialogo sana sa pagitan ng unyon at ng management pero hindi dumalo ang management sa nasabing dialogo.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here