Nagsisimula pa lang ang caravan para ihatid si Baby River sa huling hantungan ay itinakbo ng mga pulis ang kanyang bangkay. Bilang humarurot ang sasakyan kung saan isinakay ang kabaong ng sanggol.

Kinontrol ng pulis ang huling mga oras ni Baby River kasama ang pamilya at nakikisimpatiya, nang pinagbawalan pumasok ang mga nais makilamay mula ngayong umaga. Kinontrol ng pulis ang oras ng paglabas ng kabaong ni River, maging ang sasakyan na pinaglagakan ni River.

Ilang minuto lang, nakarating sa Manila North Cemetery na ang kabaong ni River matapos itakbo ng mga pulis mula sa isinasagawang martsa ng pagluluksa.

Wala pa man ang pamilya, dinala na sa loob ng Manila North Cemetery ang kabaong ni River. Nandoon na rin si Reina Mae Nasino na biglaan na lang dinala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Inaasahan na ang pagdalaw ni Nasino sa libing mula 1-3 ng hapon, pero lampas 12 ng tanghali ay nandoon na si Nasino.

Nakaposas si Nasino at hindi pinayagan ang rekwes ng pamilya na tanggalin ang posas nito.

Nakatakdang ilibing ang bata sa ilang sandali kahit wala pa sa kaniyang tabi ang karamihan sa pamilya at nakilamay.

Pinalibutan ng mga pulis si Nasino at ilang kaanak na humabol sa libing.

Anang tagapagsalita ng BJMP na si Xavier Solda, maaaring bahagi ng security protocol sa libing ang pagkontrol ng BJMP at kapulisan sa martsa ng pagluluksa kay Baby River. Ayon din sa kanya, ang ginawa ng BJMP sa pagbisita ni Nasino sa lamay ay basic security protocol lang ang sinunod ng BJMP sa mga high profile inmate at walang ‘overkill’ sa ginawa kundi tamang procedure lang. High profile umano si Nasino dahil nakuhanan ito ng baril at mga bomba nang hinuli. Bahagi rin ng security protocol ang pagkakaposas sa kanya.

Kaya raw maraming tauhan ang napalabas ng BJMP sa kabila nang pagtutol nito sa furlough ni Nasino na wala silang tauhan ay humingi sila ng dagdag pwersa sa kapulisan.

Paulit-ulit namang sinabi ng grupo ni Nasino at ng mga abugado niya na tinanim ang mga baril, gaya ng ginawa sa maraming iba pang mga aktibista at detinidong pulitikal.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here