Mula Setyembre 23 hanggang Setyembre 26, idinaos ang ikatlong kongreso ng AlterMidya – People’s Alternative Media Network (AlterMidya) na may temang “Fight back against disinformation ang state repression and assert people’s right to know.” Dinaluhan ito ng kinatawan ng nasa 30 grupo ng alternatibong midya mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

 

Pinangunahan ni Dean Rolando Tolentino ang pagbubukas ng programa, kung saan binahagi niya ang kahalagahan ng community media.

 

Pahayag ni Tolentino, “Hindi lamang peligroso kundi buwis-buhay ang pagiging alternative media. Ano ang gagawin ng alternative media sa panahon ng disinformation? Higit na pag-ibayuhin ang karapatan ng mamamayan na malaman ang katotohanan o people’s right to know.”

 

Ibinahagi naman ni Inday Espina-Varona ang kalagayan ng freedom of expression sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

Nagbigay ng ulat ang iba’t ibang alternatibong media para ibahagi ang kanilang mga naabot sa loob ng dalawang taon.

 

Ibinahagi naman ni Dean Luis Teodoro, Chairperson ng AlterMidya, ang agarang tungkulin ng alternative media para labanan ang disimpormasyon at ipaglaban ang karapatan ng mamayan na malaman ang katotohanan.

 

“Factual and contextual accuracy in journalism is important for the public to see the need for change. This is the role of real journalism, especially that of the alternative tradition,” sabi ni Teodoro.

 

[Factual and contextual accuracy sa peryodismo ay mahalaga para makita ng publiko ang pangangailangan para sa pagbabago. Ito ang tungkulin ng tunay na peryodismo, laluna ng alternatibong tradisyon.]

 

Muling nahalal si Teodoro bilang Chairperson ng Altermiyda. Nahalal naman si Rhea Padilla bilang National Coordinator at si Kenneth Guda bilang tagapagsalita ng grupo.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here