Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo, tagasuporta, kasama ang mga naghain ng petisyon upang mariing kundenahin at ibasura ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act. Ikinasa ang nasabing protesta sa Korte Suprema alinsunod sa pagrehistro ng malawakang pagtindig at pagtutol sa ATL ilang oras din bago ang naging oral arguments ukol dito.

Ayon sa Korte Suprema, umabot na sa 37 ang bilang ng nakahaing petisyon para ibasura ang nasabing kontrobersyal na batas. 

Sa kabilang banda, saad ni BAYAN Muna Rep. Carlos Zarate na makasaysayan ang pagkakaroon ng oral argument.

“Napakahalaga ng gagawin ngayon, makasaysayang oral arguments sa Korte Suprema kung saan ilalatag natin ang ating mga basehan ang ating mga batayan na kung bakit tinagurian natin itong terrorismo ng estado bakit ang Terror Law na ito ay dapat ibasura,” ani Zarate.

Sa kabilang banda, nakatindig naman ang mga progresibong indibidwal at grupo na hindi lamang dito sa protesta matatapos ang kanilang paglaban kundi magpapatuloy pa sa mga susunod na araw.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here