[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

Ang hindi pag-renew sa prangkisa na mapapaso na sa Marso 30 ngayong taon ay maaaring magdulot sa pagsasara ng nasabing pinakamalaking network sa telebisyon sa bansa. Pinakamalaki sa mga kumpanya sa broadcast, media and entertainment ang revenue, operating income, net income, assets, equity, market capitalization at bilang ng empleyado ng ABS-CBN.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″]

1. Usapin ni Duterte laban sa ABS-CBN

[ultimate_spacer height=”10″]

Mula 2017, hayagang binabatikos at minumura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing network. Ilan sa mga pahayag ni Duterte laban sa ABS-CBN ang umano’y nagpapalabas ito ng mga campaign ads laban sa kanya.

Paulit-ulit din nitong inakusahan ang kumpanya ng panloloko o pandaraya (‘swindling’) sa hindi pag-ere sa mga ads niya noong kampanya kahit bayad ang mga ito ng P 2.6 milyon at hindi rin binalik ang pera niya at sinabing kakasuhan niya ito ng multiple syndicated estafa.

 Kawalang hiya ninyo, kapal ng mukha ninyo, putang-ina ninyo, leche kayo,” mura ni Duterte sa ABS-CBN at chairman emeritus nitong si Eugenio “Gabby” Lopez III.

Nagalit din si Duterte sa ABS-CBN dahil daw sa pag-ulat nito hinggil sa mga alegasyon sa mga bank account ni Duterte.

“If you expect that (the franchise) will be renewed, I’m sorry. I will see to it that you’re out,” ani Duterte noong Disyembre 3.

Noong Disyembre 30, 2019, sinabi ni Duterte na ibenta na lang ng ABS-CBN ang kumpanya dahil titiyakin niyang masasara ang kumpanya at hindi ma-rerenew ang prangkisa nito.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″]

2. Walang aksyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN

[ultimate_spacer height=”10″]

Ilang taon nang nakasampa ang mga panukala para sa 25 taong renewal ng franchise ng ABS-CBN dahil malapit na ang pag-expire nito.

Dalawang panukalang batas sa 25 taong franchise renewal ang ihinain noong ika-17 Kongreso, isa mula kay Micaela Violago (Nueva Ecija, 2nd district) noong 2016 at kina Karlo Alexei (dating kinatawan ng Davao, 1st District) at Jericho Jonas Nograles (kinatawan ng PBA Partylist sa ika-17 at kasalukuyang ika-18 Kongreso) noong 2018.

May 12 nakabinbing panukalang batas para irenew ang prangkisa ng ABS-CBN ng panibagong 25 taon sa House Committee on Legistative Franchises, pero halos isang buwan na lang bago mapaso ang prangkisa ay hindi pa ito hinaharap ng kongreso.

[ultimate_spacer height=”10″]

Ang mga ito ay mula sa mga kinatawang sina Micaela ViolagoJericho Jonas NogralesRose Marie Arenas (Pangasinan, 3rd district), Joy Myra Tambunting (Parañaque, 2nd district), Sol Aragones (Laguna, 3rd district), Vilma Santos Recto (Batangas, 6th district), pinagsamang panukala nina Aurelio Gonzales, Johnny Pimental at Paulino Salvador Leachon,  Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro, 2nd district), Josephine Ramirez-Sato (Occidental Mindoro), Makabayan bloc (Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at Kabataan Partylist), Mark Go (Baguio City) at Loren Legarda (Antique).

Halos isang buwan na lang bago mapaso ang prangkisa ay hindi pa rin tinatalakay ng kinaukulang komite sa kongreso ang mga panukala para iextend ang prangkisa nito.

Hindi hinarap ng House of Representatives ang mga panukalang pag-renew ng franchise ng ABS-CBN mula pag-upo ni Duterte.

Ani House speaker at dating running mate ni Duterte na si Alan Peter Cayetano sa ABS-CBN, this is a time for soul-searching.

Ang inaksyon ng Kongreso, kung saan sinasabing may supermajority na alyado si Duterte, ay nakaayon sa banta ni Duterte.

Naglunsad naman ng hearing ang Senado, Pebrero 26, para imbestigahan ang mga sinasabing paglabag ng ABS-CBN sa termino ng prangkisa nito. Binatikos naman ito ni Cayetano at sinabing paglabag sa Konstitusyon dahil sa Mababang Kapulungan muna kailangan dumaan ang pagtalakay ng prangkisa.

Bagaman gusto magpakita ng aksyon ng Senado kasunod ng paglaganap ng panawagan sa publiko para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, patuloy na nabahura ang pagtalakay ekstensyon ng prangkisa ng ABS-CBN sa Mababang Kapulungan.

Ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi makikialam sa Kongreso ang pangulo sa pagtalakay sa prangkisa ng ABS-CBN at kung ma-renew ito.

Nakaiskedyul na mag-adjourn ang Kongreso sa Marso 14 hanggang Mayo 3.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″]

3. Mga hakbang ng gobyerno para maipasara ang ABS-CBN

[ultimate_spacer height=”10″]

Nagsampa ng quo warranto ng Office of Solicitor General (OSG), ang abogado ng gobyerno para kanselahin ang prangkisa ng ABS-CBN at ipasara ito dahil umano sa “highly abusive practices” ng kumpanya. Kung magtagumpay si Solicitor General Jose Calida, lalabas na walang prangkisa kaya walang ire-renew.

Ginawa niya ito noong Pebrero 10, bago pa man matalakay ng kaukulang komite sa House of Representatives ang 11 na nakasalang na panukala para sa franchise renewal. Binatikos ito ng ilang mga tao na nagsabing dapat Kongreso ang nagtatalakay ng prangkisa.

Gaya ito ng ginawa ng OSG sa pag-alis kay dating Supreme Court Chief Justice (CJ) Maria Lourdes Sereno, na nakikitang alyado ng dating pangulo dahil appointee ni Noynoy Aquino, kahit na impeachment sa kongreso ang pamamaraan ng pag-alis sa nakaupong CJ.

Kasunod nito, humingi rin si Calida ng gag order para pigilan ang ABS-CBN na magsalita hinggil sa kaso matapos umano gumawa ng propaganda ang kumpanya pagkasampa ni Calida ng kaso para kumuha ng simpatiya ng publiko.

Sabi naman ni Panelo hinggil dito, walang kinalaman si Duterte sa ginawa ni Calida

Nasa agenda ng Korte Suprema ang quo warranto ni Calida noong Pebrero 26, pero inurong ang pagtalakay dito sa Marso 10.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″]

4. Disimpormasyon at kasinungalingan sa mga paratang ni Duterte sa ABS-CBN?

[ultimate_spacer height=”10″]

Lumalabas ngayon batay sa mga balita at pagdinig ng Senado, malala ang pagpapalaganap ng kasinungalingan at disimpormasyon mismo ni Duterte laban sa ABS-CBN para bigyang-katwiran ang pagmumura at pagmamaktol niya laban sa kumpanya.

Una, hinggil sa ads niya na hindi naipalabas: Hindi naipalabas ang ads ni Duterte dahil hindi agad nakakuha ng permit ang kampo ni Duterte at napuno ang slots ng ABS-CBN sa regional networks nito, habang naipalabas naman ang ads ni Duterte sa national TV. Nasa P7 milyon ang hindi nagamit na pondo ng ads n Duterte kung saan naisoli ng ABS-CBN ang iba, liban sa natirang P2.6 milyon. Nang isosoli na ito, inakusahan na ni Duterte ng estafa ang ABS-CBN.

Pangalawa, sinabi ni Duterte na maraming utang ang ABS-CBN sa gobyernong bangko na Development Bank of the Philippines kaya raw nabangkarote ito, pero sinabi ng ABS-CBN na wala na itong utang sa bangko.

Pangatlo, sinabi ni Duterte na maraming utang na buwis ang kumpanya, pero sinabi mismo ng Bureau of Internal Revenue o BIR na wala itong hindi nabayarang buwis at isa sa kumpanyang pinakamalaki ang naibayad na buwis sa gobyerno.

Sinabi ni Panelo sa isang interview sa media noong Pebrero 20 sa Kongreso ‘ignore president’s rants’ at ang mga kongresistang magdedesisyon batay sa personal na pananaw ni Duterte “have no business being members of Congress.”

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″]

5. Usapin ng pagkawala ng mga trabaho ang pag-atake ni Duterte sa ABS-CBN

[ultimate_spacer height=”10″]

Sinabi ng kaibigan ni Duterte at unang hepe ng Philippine National Police sa kanyang pagkapangulo na si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa noong Pebrero 19:

“What is 11,000 jobs compared to the welfare of the whole Filipino nation na matagal nang sinasamantalahan ng isang kompanya kung talagang ma-prove yan sa hearing?”

Ayon sa ipinasang papeles ng kumpanya sa Securities and Exchange Commission, aabot sa halos 11,000 ang nagtatrabaho sa ABS-CBN. Sa mga ito, 6,730 regular na empleyado, 900 non-regular workers at 3,325 talents.

Umugong din ang usapin naman ng kontraktwalisasyon sa ABS-CBN, gaya ng pagkakatanggal ng mga empleyado nito noong 2010 nang magbuo ang mga talent nito ng unyon, ang ABS-CBN Internal Job Market Union.

Maraming hindi regular at mapagsamantala ang sistemang “talent” (lalo sa ordinaryong talent at hindi malaking artista) sa ABS-CBN at sa buong industriya ng broadcasting, media at entertainment.

Ang sistemang ito ay pinabayaan, pinanatili at naging talamak sa loob ng mas malawak na sistema ng kontraktwalisasyon sa paggawa sa buong bansa na pinanatili ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon. May butas ang Labor Code mismo kaya nakalulusot ang sistemang endo, kontraktwalisasyon na ginagawang lehitimo ang ganitong sistema. Ang sistemang “talent” naman ay nagiging “private contractor” ang mga empleyado sa halip na regular na manggagawa ng kumpanya. Kung kaya’t nagawang sabihin ni ABS-CBN CEO Carlo Katigbak na sumusunod sila sa labor standards, bagaman hindi ideyal at mapagsamantala ang sistemang “talent.”

Napako na rin ang pangako ni Duterte na wakasan ang endo. Huli niyang galaw hinggil dito ang pag-veto sa Security of Tenure bill noong Hulyo 2019 dahil hindi pabor dito ang mga kapitalista (kahit pa mas malaki ang pakinabang nila rito at kaunti lang sa manggagawa).

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″]

6. Usapin ng press freedom ang pag-atake ni Duterte sa ABS-CBN

[ultimate_spacer height=”10″]

Sa gitna ng mga banta, pagmumura at akusasyong estafa ni Duterte sa ABS-CBN, sinabihan naman ng pangulo ang kumpanya na:

“Promote federalism, at makipag-areglo ako.”

Ginagarantiya ng Konstitusyon ang press freedom at ang kalayaan sa pamamahayag. Ang prangkisa, permit at iba pang legal na papeles ay usapin lamang dapat ng regulasyon batay sa iba pang mga umiiral na batas (kaugnay sa pagpapatakbo ng negosyo, pagkompyut at pagbayad ng buwis, labor practice, at iba pa).

Hindi si Duterte o ang Kongreso o si Calida ang nagdedesisyon kung sino ang pwedeng magpayahag o ano ang dapat ipahayag at kung dapat ba na ito ay pabor kay Duterte at sa mga polisiya niya.

Ang dating diktador na si Ferdinand Marcos, Sr. ay ipinasara ang lahat ng media outfit (bukod sa isang kroni at mga parrot nito) noong Batas Militar at epektibong ipinagbawal ang malayang pag-alam, pagkalap ng impormasyon, paglalahad ng opinyon gamit ang masmidya na mas mabilis nakakaabot sa malawak na publiko.

Hindi ito ang unang pag-atake ni Duterte sa mga media na tingin niya ay kritikal sa administrasyon niya.

Isa na rito ang pagtarget ng administrasyon ang Rappler at pinuno nito na si Maria Ressa ng maraming kaso, pagpapawalambisa sa SEC registration, hindi pagpahintulot sa Rappler na mag-cover ng mga aktibidad ng pangulo na bukas sa media at iba pa dahil sa pagiging kritikal ng pahayagan sa gera kontra droga.

Hinuli at kinulong sa mga gawa-gawang kaso ang mga mamamahayag mula sa alternative media na sina ng Anne Kruger ng Paghimutad at Frenchie Mae Cumpio ng Eastern Vista. Padron ng rehimen ang pag-raid sa opisina gamit ang search warrant, pagtatanim ng armas para makasuhan ng mga kasong walang piyansa na ginagawa sa mga aktibista at kritiko ng rehimen para maparalisa ang kanilang mga gawain.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″]

7. Ang usapin ng ABS-CBN franchise renewal ay hindi lamang usapin ng kawalan ng trabaho, kundi usapin ng tiraniya

[ultimate_spacer height=”10″]

Hindi lang din ito usapin ng ABS-CBN, kundi usapin ng serye ng mga panunupil sa karapatang pantao at kalayaang sibil.

Kung magtagumpay ang gusto ni Duterte, magkakaroon ng chilling effect ito sa iba pang media o korporasyon. Magiging demonstrasyon ito ng kakayahan niyang patahimikin ang mga kritiko niya gamit ang iba’t ibang ahensya at rekurso ng gobyerno. At ang magiging mas malawak pang epekto ang manahimik nga at mabalot ng takot ang mga nais tumutol sa kanyang mga polisiya.

Kung pwedeng gawin sa pinakamalaking broadcast network sa bansa, pwedeng gawin kahit kanino, lalo na sa mga independent o alternative media at mga indibidwal na mamamahayag

Kung pwedeng gawin sa isang malaking korporasyon na pag-aari ng isa sa pinakamayaman sa bansa dahil ayaw sa kanila ng pangulo, pwedeng gawin kahit sa anong kumpanyang magiging kritikal o kakalaban sa mga polisiya ni Duterte. Pwede na ring pag-interesan na lang kahit anong kumpanya—malaki o maliit—kasi lalabas na pwede na basta sinabi o ginusto niya.

Hindi dapat maulit ang panahon ni Marcos na nagsasagawa ng mga pag-abuso sa kapangyarihan, gaya ng pagpapasara ng media, pagpapatahimik sa mga kritiko nito at pang-aagaw ng mga kumpanya para ibigay sa mga kroni nito.

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here