para sa mga gurong nagmumulat upang hindi maging mangmang sa katotohanan sa kabila ng maliit na pasweldo

para sa mga kundoktor na pilit tumatayo nang tuwid sa kabila ng kurbada, maiabot lamang ang tapat na sukli

para sa mga jeepney driver na patuloy ang pagbagtas sa kalyeng lubak, trapik at mausok maihatid lamang nang ligtas ang mananakay

para sa mga mangangalakal na dinadampot ang maruming gamit kapalit ang baryang panawid sa kakulangan

para sa mga karpinterong bumuo ng tahanang kahit alam niyang siya mismo’y walang kanlungang mauuwian

para sa mga mang-aawit at mananayaw na pilit inaabot at tinutugma ang bawat tiklado at ritmo, mabigyan lamang ng kasiyahan ang manonood

para sa mga service crew mula fastfood hanggang restaurant na nakapagbibigay pa ng ngiti sa kabila ng kaliwa’t kanang utos

para sa mga sales lady at sales man na inugat sa katatayo, masiguro lamang ang tapat na pag-alalay at serbisyo

para sa mga magsasaka na walang sawa sa pagyuko, magkaroon lamang tayo ng maihahain sa mesa

para sa mga OFW na piniling lumabas sa teritoryo, mabigyan lamang ng masagang buhay ang pamilyang iniwan

para sa mga mangingisdang nilalamon ng alon, alipusta ng sariling bayan at mananakop, mabigyan lamang ng sariwang makakain ang bayan

 

ito ay para sa lahat

para sa mga Pilipinong pagal sa paggawa

 

patunay na

hindi tamad ang Pilipino

hindi tamad ang uring manggagawa

hindi lamang nabibigyan ng oportunidad

hindi lamang nabibigyan ng tinig

hindi lamang nabibibigyang prioridad

 

hindi ba’t sa kanila nagmumula ang lahat?

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here