Ayon sa Manila Department of Social Welfare sa Baseco, nasa 1,033 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Barangay 649, Zone 58 o mas kilalang Baseco compound sa Maynila. Nasa 3,856 indibidwal ang apektado ng nasabing sunog.

Nagsimula at kumalat ang sunog bago maghatinggabi noong Martes, Pebrero 4. Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.

Binalikan na ng mga residente ang nasunog nilang mga tahanan. Hindi pa malinaw kung makakabalik pa ang mga residente at makakapagtirik ng bahay sa pwesto ng nasunog nilang tahanan.

 

 

Bago pa ang sunog, nangangamba ang mga residente sa planong reklamasyon sa Manila Bay na sasaklaw sa 20 metro sa baybayin at tinatayang mapapalayas ang higit sa 15,000 residente sa Baseco pa lamang.

Ang Baseco Reclamation Project, isa sa 19 proyekto sa reklamasyon sa Manila Bay, na nasa 40 ektarya ang laki ay ipapatupad ng ahensya ng gobyerno na Philippine Reclamation Agency at kumpanyang UAA Kinming Group Development Corporation. Nakuha rin ng kumpanya ang City of Pearl Reclamation Project na 407.4 ektarya ang laki ng proyekto.

Kasalukuyang nasa evacuation center sa barangay ang mga nasunugan. Kagyat na kailangan ng mga nasunugan ang pagkain, damit, kumot at mga gamot para sa mga bata.

Nasa 59,847 residente ang populasyon ng Baseco ayon sa huling census.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here