Sa darating na Mayo 16 hanggang 31, mula sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ay magtatransisyon na sa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) ang buong National Capital Region (NCR), kasama ang Laguna at Cebu City. Ang mga lugar na ito ay tinuring na “high risk.” Inanunsyo ito noong Mayo 12 ng IATF ang laman ng Resolution No. 35.

Ang ibang lugar naman na kinategoryang “moderate risk” ay isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) o dating tinawag din ng gobyerno na “new normal”.

Ang iba naman na tinuring na “low-risk areas” na unang inanunsyong hindi na nakapaloob sa community quarantine, pero pinalitan din tungong Modified GCQ (MGQC) noong Mayo 13 na ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ay dahil sa mungkahi ng mga lokal na pamahalaan.  May 37 probinsya at 11 syudad saw along rehiyon na nasa ilalim ng MGCQ.

 

Anu-ano ang mga bagong panuntunan ng gobyerno sa ilalim ng MECQ at GCQ?

 

Para naman sa mga pasilidad na maaari nang magbukas, hinati ang mga ito sa apat na kategorya.

 

 

Dagdag pa ni IATF at Presidential pokesperson Harry Roque, maaari na ring bumalik ang mga nagtratrabaho sa construction na nasa edad na 21 hanggang 59 yrs old na walang ibang kondisyon sa kalusugan.

Sa huling anunsyo ng pamahalaan, maaari pang mabago ang ilan sa mga guidelines na ito depende sa local na gobyerno sa ilalim ng MECQ at GCQ.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here