Hunyo 5, isang buwan matapos ang pag shutdown sa ABS-CBN, nagsagawa muli ng isang Black Friday Protest sa harapan ng ABS-CBN sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines.

Ipinakita ang protesta sa pamamagitan ng pagkabit ng mga ribbon na may kulay na pula, berde at asul sa freedom wall na kung saan maaari ring magsulat ng mga mensahe ng pakikiisa sa pagpapabalik sa ABS-CBN sa ere.

“Minarapat ng NUJP na pangunahan na muling irehistro ang panawagan ng maraming sambayang Pilipino na buksan ang ABS-CBN,” pahayag ni Raymund Villanueva, Deputy Secretary General ng NUJP

Dinaluhan ng mga empleyado ng network at mga tagasuporta ang aktibidad na nagtapos sa pagtirik ng mga kandila.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa sa kongreso desisyon kung papayagan ba ang aplikasyon para sa prangkisa ng ABS-CBN sa darating na Agosto.

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here