Ang Lakbay-Hustisya Foundation ay naglalayon na magbigay ng libreng online legal aid at assistance para sa ating mga kababayan  na walang kakayahang magbayad na sumangguni sa mga legal expert patungkol sa batas. Naniniwala si  Rizal Representative Juan Fidel Nograles, na siyang nagtatag nito, ang kanilang adbokasiya ay makatutulong sa mga ordinaryong Pilipino na malaman at ipagtanggol  ang kanilang mga karapatan bilang mamamayan ng bansa. Dagdag pa niya, mas malawak ang maaabot ng kanilang libreng serbisyo dahil ito ay sa pamamagitan ng social media.

Ang Simulain at Maliliit na Hakbangin

Bilang kauna-unahang legal aid trust fund sa bansa, ang Lakbay-Hustisya ay marami nang natulungan buhat nang maitatag ito noong taong 2017.  Sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial, logistical, at legal support sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, Non-Government Organizations  o NGO, at maging sa mga maliliit na organisasyon  sa mga paaralan, mas napalawig ng Lakbay-Hustisya ang kanilang layunin na makapagbigay ng free legal aid at assistance  para sa mga mas Pilipinong mas higit na nangangailangan.

Mga Programa  para sa mga Ordinaryong Mamamayan

Dahil sa kahirapang tinatamasa ng marami sa atin dahil sa nararanasang pandemya, ang  free scholarship program ng Lakbay-Hustisya Foundationpara sa taong 2020-2021 ay nakatutulong para mga mag-aaral na nagnanais makatapo ng pag-aral sa kabila ng kinakaharap na krisis ng bansa. Ang nasabing programa ay para sa 3rd year hanggang 4th year na mga mag-aaral ng abogasya.

Bilang kapalit ng scholarship grant, kinakailangang magbigay ang mga scholar ng libreng legal aid para sa mga mahihirap na Pilipinong  nangangailangan ng kanilang serbisyo. Ayon sa kay Atty. Nograles , magiging malaking responsibilidad ito para sa mga mag-aaral ngunit tiwala siya na ang mapipili nilang mga scholar ay iyong mga mag-aaral na nakikita ang kabuluhan ng kanilang pag-aaral sa pamamagitang ng pagtulong sa kanilang kapwa.

Isa rin sa pinakamahalagang gawain ng grupo ay ang pagsuporta sa E-Consulta ng Legal Aid Society of the Philippines. Ang  Legal Aid Society of the Philippines ay nagbibigay ng libreng legal representation para sa ating mga kababayan na nasa piitan. Mahirap man ang sitwasyon ngayon dulot ng Covid-19, ipinaalala ni Atty. Nograles na hindi dapat maging hadlang ito upang tuluyang hindi na makamit ng mga nasa piitan ang karapat-dapat na hustisya para sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit  sinusuportahan ng kanyang foundation ang E-Consulta.

Dahil sa programang ito, nagkakaroon pa rin ng paglilitis sa kabila ng pandemya upang umusad ang kaso at hindi magtagal ang sinuman sa piitan kung wala naman talagang kasalanan o paglabag sa batas. Bukod sa pagbibigay ng legal representation, nagkakaroon ng pagkakataon na makausap ng mga volunteer lawyer ang mga kababayan nating nasa piitan upang malaman ang tinatakbo ng kanilang kaso at gayundin ang makahingi ng payo mula sa mga eksperto.

Ang pagkakaroon ng mahigpit na kuwarentina sa mga unang buwan pa lamang ng pagpasok ng Covid-19 sa bansa, ay maagap na ginawan ng paraan ng Lakbay-Hustisya Foundation ang pagkakaroon ng tuloy-tuloy na komunikasyon sa pagitan mga nasa piitan at kanilang mga pamilya. Nagbigay ang grupo ng mga computer set bilang donasyon sa Bureau Jail Management and Penelogy o BJMP upang makita’t makausap ng mga preso ang kanilang mahal sa buhay sa pamamagitang ng  video call o video conference.

Ang Pilipinas ang isa na marahil sa mga bansang mayroong pinakamabagal at hindi patas na paglilitis ng kaso sa buong mundo. Ngunit hanggang mayroong mga organisasyon tulad ng Lakbay-Hustisya Foundation na nagbibigay-liwanag para sa mga inosenteng kababayan natin na nasa piitan, marami pa rin sa kanila ang magtitiwala sa hustisya at aasang balang-araw ay masisilayan pa rin ang bukang-liwayway.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here