“Anong channel kayo?” tanong sa amin ng isang ale sa isang makitid na daan sa Barangay Sauyo, Quezon City.

Pinaliwanag naming kumukuha kami ng mga litrato sa isa sa mga komunidad na magiging apektado sa konstruksyon ng NLEX Segment 8.2.

“‘Ah, ‘yung road widening?” sagot ng ale.

Tulad ng sinasabi ng ilang opisyal sa barangay, simpleng road widening lang ang isasagawa sa Sauyo.

Hindi pa lubos na alam ng mga nakatira rito ang epekto ng NLEX Segment 8.2, tulad ng malawakang demolisyon sa kanilang mga tahanan at maliliit na negosyo.

Tila sadyang hindi pinapaalam ng mga kinauukulan ang masasamang implikasyon nito sa buhay at hanapbuhay ng mga nakatira sa Sauyo.

 

Kuha ni JC Gilana
Kuha ni Erika Cruz
Kuha ni Erika Cruz
Kuha ni JC Gilana
Kuha ni JC Gilana
Kuha ni Jasmaine Reyes
Kuha ni JC Gilana

Kuha ni Erika Cruz

 

Ang Brgy. Sauyo ay matatagpuan sa District 6 sa Novaliches, Quezon City. Ayon sa datos ng gobyerno, 76,000 ang populasyon ng barangay noong 2015 na may mahigit 15,000 households.

Iba iba ang hanapbuhay ng mga residente ng Sauyo, karamihan ay nasa uring anakpawis hanggang mababang-panggitnang uri. Maraming nagmamay-ari ng sari-sari store, puwesto sa talipapa, kumpunihan, patahian, computer shop, at iba pang pinagkukunan ng kabuhayan.

 

Kuha ni JC Gilana

Kuha ni Jasmaine Reyes

Kuha ni Jasmaine Reyes

Kuha ni JC Gilana
Kuha ni Jasmaine Reyes
Kuha ni Jasmaine Reyes
Kuha ni Akira Liwanag
Kuha ni Akira Liwanag
Kuha ni Akira Liwanag
 Kuha ni Akira Liwanag
Kuha ni Akira Liwanag

 

Kapalit ng planong expressway ang pagkagiba ng mga kabahayan at establisiyimento sa pitong barangay sa Quezon City at isa sa Valenzuela. Nasa 50,000 pamilya ang apektado; 16,000 sa mga ito ay galing Sauyo.

 

Kuha ni JC Gilana

Kuha ni Akira Liwanag
Kuha ni Akira Liwanag
Kuha ni Akira Liwanag
Kuha ni Akira Liwanag
Kuha ni Erika Cruz
Kuha ni Erika Cruz
Kuha ni Erika Cruz

 

Isa sa pinakabulnerable sa mga maaapektuhan ng demolisyon ay ang mga bata.

 

Kuha ni Erika Cruz

Kuha ni Erika Cruz

Kuha ni Erika Cruz

Kuha ni JC Gilana
Kuha ni Jasmaine Reyes
Kuha ni Jasmaine Reyes

 

Ratsada ang paggawa ng mga kalsada at highway at iba bang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build. Saan naman kaya lulugar ang mamamayan o tuluyan na ba silang masasagasaan?

 

3 COMMENTS

  1. simula isilang ako ay sa bragy sauyo na ko nagkaisip at namulat kaya malungkot na mawala ang lugar na kinagisnan pero tanggap nmin ang mahirap ay kung saan kmi ilalagay ?? habang nagkakaedad at isip ako nagulat ako na gnun na pla kadami ang bagong alta sa lugar namin sa area 5a andaming dayo na ang iba sa probinsya galing na nagsitayo ng mga bahay nila ngayon di ko na alam ang mga pasikot sikot sa lugar nmin marahil na rin sguro hindi ako plalabas ng bahay ??? mamimiss ko ang lugar na ito kung saan nagturo sakin na lumaban at di sumuko sa buhay… na ang pahtira sa lugar na ito ay marming naituro sakin bilang isang mabuting tao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here