Nagtipon ang mga grupong Laban ng mga Biktima ng Kalamidad (LAMBAK), BAYAN Marikina at Gabriela Marikina at mga grupo ng kabataan sa Freedom Park sa harap ng Marikina City Hall upang manawagan sa pambansang pamahalaan ng agarang ayuda para sa mga biktima ng kalamidad. Nananawagan din ang mga grupo ng pagpapanagot sa kapabayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kalamidad.

Maraming dumaing noong kasagsagan ng bagyo na hindi sapat ang naging abiso ng pamahalaan, gayundin ay nagpulong na lang at nagbigay ng pampublikong pagtatagubilin ang gabinete at konseho para sa disaster ng bansa noon lamang nakaalis na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo. Lubhang natagalan din ang pagsagip sa mga na-stranded ng baha sa bubungan ng mga bahay na inabot ng magdamaga at kinabukasan bago nakuha. Matapos naman humupa ang baha sa Marikina ay napabalita sa sumunod na araw ang baha sa Cagayan at Isabela kasunod ng pagpapakawala

Inabot na ng halos dalawang linggo simula ang bagyo pero naglilinis at nagsasalba pa rin ng mga kagamitan ang mga naapektuhan.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Nobyembre 25, umabot na sa 73 ang nasawi, 82 ang nasaktan at 19 ang nawawala bunsod ng bagyong Ulysses. Higit 1 milyong pamilya o higit 4.1 milyong indibidwal ang nasalanta ng bagyo sa lahat ng rehiyon sa buong isla ng Luzon.

Ayon naman kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro kahapon, nakabalik sa sa tahanan ang 90% sa mga indibidwal at pamilyang nagsilikas noong kasagsagan ng bagyong Ulysses at bahang dinala nito noong Nobyembre 11. Nasa higit 1,000 na lang ang pamilyang natitira sa mga evacuation center.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here