Top 15 Pinoy Social Media Behaviors of 2015

0
2057


Top 15 Pinoy Social Media Behaviors of 2015

ni: Miyok

 

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na ang Pilipinas ang “Social Media Capital” sa Asya. Ayon nga sa isang survey ng Digital Marketing Philippines para sa Nobyembre 2015, gumugulol tayo ng 21.5 oras sa isang linggo na babad sa interwebs at malaking bahagi ng oras na ito ay nakalaan para sa Facebook, Twitter, Instagram at kung ano pa man ang bagong plataporma na lumabas lang kamakailangan. Snapchat ata ‘yun.

 

At sa bituka ng mga statistics na ito ay ang mas interesanteng paksa ng ugali—mas partikular, ang ugali nating mga Pilipino pagdating sa paggamit ng social media.

 

Ang listahang ito ay may dalawang pakay. Ang una ay maglahad ng mga obserbasyon at ang pangalawa ay makapaglatag ng mga suhestiyon. Ang keyword ay “suhestiyon” dahil wala naman talagang basagan ng trip pagdating sa mga pinaggagagawa sa profiles natin. Maging bukas lang ang isipan at tanggapin ang mga mababasa bilang obhektibong pagtingin sa kulturang Pinoy; at oo, medyo babasagin narin pansamantala ang trip ng iba.

 

Game!

 

#1 “May Pinagdadaanan Akong Mabigat”

emokid

Observation:

Ito ay yung pag-post ng picture na umiiyak ka, may hawak na blade na pinanlaslas ng mabababaw na sugat o kaya e isang passive-aggressive na one-liner tulad ng “Ang sakit, sakit na kasi.” May ilang mga Facebook Pages na nilaan ang oras sa pag-kalap ng mga ganitong klase ng posts.

emokid

 

Suggestion: Oo, mahirap naman talaga ang may pinagdadaanan at walang pwedeng makapagsabi sa atin na walang bigat ang problemang inaalala ngunit kung talagang gusto nating may kumausap at sumeryoso sa atin ay may paraan lagi para makapagpadala ng pribadong mensahe sa mga kaibigan at pamilya na kailangan mo ng totoong kausap dahil basag ang puso mo.

 

#2 Ang Yaman Ko, Shet!

bling-bling-bertha

Observation: Kadalasan ay pictures ito ng mga tseke, limpak limpak na pera o di kaya ay mga mamahaling alahas. Minsan may #blessed na kasama.

 

Suggestion: Kaibigan, una sa lahat, napakadelikado ng ginagawa mo. Hold-up at identity theft ang ilan lang sa mga posibleng mangyari sa iyo. Sa kabilang banda ay masaya kami na naibibigay mo sa sarili at pamilya ang komportableng pamumuhay, ngunit mas magiging masaya kami kung ito’y nagagawa nang may kasamang pagpapakumbaba. Magpasalamat na lang nang tahimik sa magandang kapalaran dahil napakarami din naman ang hindi kasing-palad mo.

 

Addendum: Madalas gamitin ng mga nasa “Multi-Level Marketing” ang mga ganitong larawan. Sana’y open-minded din sila sa pagbabago ng stragegy sa pagbenta ng kumpanya nila.

 

#3 The Obligatory Whatever

footie

Observation: Ito’y mga kuha sa sarili, sa barkada, sa pagkain, sa paa, sa sunset, at kung anu-ano pa na may caption na “The Obligatory _________”

 

Suggestion: Pwede kayang sa tuwing may magsasabi na “obligatory” ang isang post ay isama nila ang pangalan ng nag-obliga sa kanila kasama na rin ang kompirmasyon ng nasabing tao para hindi na tayo umalma? Dahil kung ito’y pansariling kagustuhan lang naman ay wala ding kaso.

 

Lampas na tayo sa lebel ng nahihiya dahil mas madami pang kahiya-hiyang makikita sa social media. Kung napakaganda ng kuha mo sa sarili ay malaya kang i-share ito ngunit ‘wag nang itago pa sa kategoryang may nag-obliga.

 

#4 Pa-deep Pero Mukha Ko Ang Bida Talaga

selfie quote

Observation: Tinitignan ko ito bilang subset ng #3. Ito ay yung ugaling pag-post ng litrato ng sarili na may kasamang hiram na quotation mula kay T.S. Elliot o Deepak Chopra na kung titignan ay walang kahit na anumang koneksyon sa larawan mo.

 

Example:

 

“Sometimes you gotta take a break from all the noise to appreciate the beauty of silence.” – Robert Tew

 

Suggestion: May option din na wala na lang caption ang pictures lalo na kung simpleng kuha lang sa sarili. Kadalasan ay self-explanatory naman ang mga ito. Pwede ding deretsahan na lang at sabihing “This is my face.”

 

#5 Naïve Po Ako

Observation: Hindi po magbibigay ng $4.5 billion si Mark Zuckerberg at pwede pa ring ma-grab ang Public photos natin kahit mag-post tayo ng copy-pasted na status message sa Timeline.

 

Suggestion: Maaaring tignang hakbang pabalik para sa atin bilang mga modernong nilalang ang ugaling ito dahil sa kung gaano kadaling makahanap ng impormasyon para ma-educate ang sarili sa mga nangyayari sa mundo ay ganon din tayo kabilis maniwala sa kahit na anong nababasa kahit hindi na nag-iisip. Napakaswerte natin kung tutuusin dahil maaaring mabago mo ang takbo ng mundo kahit nakaharap ka lang sa isang computer screen. Ngunit nakakatakot din na madami ang nalulunod sa maling impormasyon at gumagawa ng mga desisyon dahil dito. Pairalin ang lohika at maging mapanuri.

 

#6 “Super Kups”

 

Observation: Kung wala kayo noon sa Paris at nag-marka kayo ng “Safe” sa profiles niyo, kayo ito. Kung nagwiwish kayo na lumakas pa sana ang bagyo para walang pasok habang may mga namamatay sa ibang parte ng bansa, kayo ito.

paris-safety-check

Suggestion: Tigilan niyo ‘yan, please.

 

#7. Spoilers

https://www.facebook.com/therpf/photos/br.AbokedDG6IheL-IHWL2o2qnmTWoigEQHuVUSjpd8eyq42aDE3kJHJy4vLR6T-2BUv9AFjkCk7DTPiVekxJQ7U00CCBU3bzbWC28mJYZoD5RnE34fAs–gCALxUh668VESVjkbE7cBGlR7mcuDIJcMrGD/10153668445597243/?type=1&opaqueCursor=Abo_X0aQnHIV9nda892mjpf1BYw1j1e86glME4pZ4-6NpPUJ4qMJqFPxScsCeATes2vy69JBuCiVgdTtfM3EOwNctH4syvWya4oTpSOoHZqUSQAMzqC3eIkQARHoUg2DiepvXefH8vvW40pFYzPlInMERF1UZU7uYHC1-UMnpntywiQ4y-sYQYT_cKd8bIV0PkUrocakKQS_T-s3Xy538u1nPGmHVuWZ5s1tqow5F5pdkoN3_J3S7hh-07wtJYH2jAIQIO7ELMNGETl3Fg6NQ0dwhuEYIPBg0-wIPJjB_XSBgT8knldFolO8k4uxrQOVs0BOz2BroVFJFd85kdmx4hbL6_AzqqC2ta-bUFRjYXCrQF7xmZSIE_lqkN8Zo9o5N_cXukihn80wAHJ-yTdotrT0wpBV5dbNWTIjJsuj5Apt6wie1CPJOL5FDfw3EXBO0rwpwXq6REERCeOGmHVgDdF8KbWGZvrKF-MU6npmLe72YgUNDeuVRIDelLJr81zpUr6b4vg01qv5ZPnQObraBkQISB3N5CNEf4SBf24C1RBIlJ1SX7Y6b4TiKOvjIguM-uU&theater

Observation: Mga pabidang tao sa feeds natin na ang tanging hangad ay manira ng araw para lang masabing sila ang nakauna.

 

Suggestion: Para sa mga biktima: Unfollow. Unsubscribe. Pwede din unfriend pero extreme na iyon. Maganda din sigurong pagsabihan minsan.

 

Para sa mga ganito ang ugali: Ipagpatuloy niyo lang yan kung gustung maubusan ng kaibigan. Yey!

 

#8 Sports/Political Analysts Bigla

SPORTS ANALYST

Observation: Mga madaming alam bigla kapag may malaking laro sa sports o di kaya isang mainit na usapin sa politika.

 

Suggestion: Walang masama dito dahil malaya tayong magpahayag ng opinyon lalo na kung makabuluhan at lapat sa katotohanan. Ito ang kinaganda at kinapangit ng kalayaang bigay ng social media. Lahat ng boses ay nagiging magkakasinlakas kahit na minsan ay walang naidadagdag sa pag-usad ng usapan ang iba. Huwag gawing source ang social media ng balita. Madaming maling impormasyon na pwedeng mabasa at paniniwalaan. Lumabas ka minsan at obserbahan ang tunay na mga nangyayari.

 

#9 Screen grab Queen/King

fb

Observation: Pribadong usapan sa text o chat at na-share sa publiko. Pwedeng nakakatawang usapan o mainit na sagutan.

 

Suggestion: Walang kailangan gawin. Wala kasing masama basta may consent lahat ng nag-uusap na ipapakita sa madla ang pribadong palitan. Uso lang ito kaya nasama sa listahan.

 

#10 Nakikiusong Profile Picture

 

 

Observation: Nagkaka-rainbow filter bigla o ‘di kaya ay may kung anong badge yung profile photo. Basta kung ano ang uso, dun tayo.

 

Suggestion: Gawin lamang kung tunay na naiintidihan ang mga issue o kaya ay genuine na malapit sa puso ang isang bagay. Sa katotohanan ay wala ring masama dito. Maganda lang na samantalahin ang pagkakataong mga ito para matuto at pag-aralan ang mga nangyayari sa mundo. Un-cool kung hindi dala ang pakikiuso.

 

#11 Family Affairs

tatay

Observation: Ito yung mga kamag-anak natin na nangangamusta sa mga pictures na na-tag lang tayo o kaya dun sa mga photos natin ilang buwan na ang nakaraan. Ikamusta daw natin sila sa nanay at tatay natin. Sa comment nila kadalasan natatapos ang masayang thread.

 

Suggestion: I-private message agad sila tito/tita/ate/kuya para mailabas sa thread na hindi atin. Kamustahin niyo rin sila at iparating sa magulang kung anuman ang bilin nila.

 

#12 Pagkain, Pagkain!

selfie food

 

Observation: Mapa-ramen man, coffee art o lutong bahay—Instagram that shit! Minsan ginagawa ito para mapakitang madaming oras at pera para kumain sa labas. Minsan ay ginagawa din itong parody para patamaan ang mga unang nasabi.

 

Suggestion: Kung araw-araw mo itong ginagawa, dapat ay manlibre ka ng taong nagugutom kahit minsan lang sa isang linggo.

 

#13 The Selfie Grid

SELFIE GRID

Observation: Hindi makapili ng isang kuha sa sarili kaya ginawang collage na puro mukha nila at kadalasan ay iisang anggulo din lang naman. Mas napapansin kung inaaraw-araw din ito. As in, araw araw.

 

NOTE: Ang “selfie” ay yung aktwal na ikaw ang kumuha. Hindi “selfie” ang kuha ng iba o pictures na may ibang tao.

 

Suggestion: Para sa mga nagsasawa na: Unfollow. Unsubscribe. Wag naman sana i-mark as spam or “Report as Abusive” pero nakasisiguro ako na may gumawa na rin nito sa umay o inis. At kung ikaw ang natamaan, pili na lang ng isa siguro at labanan ang kagustuhang mag-post araw araw para na rin sa kapakanan ng nakararami. Kundi malabanan ay mag-explore ng ibang anggulo.

 

#14 Indirect Vanity

selfie

 

Observation: Halimbawa nito ay mga taong nagshe-share ng artikulo na “Study Says People Who Sleep Late Are Geniuses,” “Date A Person Who Reads,” o kaya “Your X-men Character is Nightcrawler.” Minsan ay photo ito na may nakalagay na “The Prettiest Girls are Chubby.” Ang gist ay patungkol ito sa sarili pero hindi sa pormang deretsahan.

 

Suggestion: Tulad ng ibang items, walang masama rito. Siguro’y sadyang paraan lang ito ng iba para masabi kung ano ang mga karakter na dapat hangaan sa kanila. Porma ito ng banidad natin bilang mga tao na gusting-gustung pinag-uusapan ang mga sarili. Ang iba naman ay paraan ito upang kilalanin din ang sarili sa ibang paraan.

 

#15 Aso’t Pusa

Hoy Julie pusa mo naligaw sa bahay HAHAHA!

Geplaatst door Ariel Bernardo Jebulan op Zondag 1 juni 2014

 

Observation: Mga alagang aso at pusa ang laging bida sa feeds nila. Pwede ring mga na-share na videos ng LOL cats at mga asong nagsasabi ng “I love you.” At 90% ng Timeline ay hayop ang laman.

 

Suggestion: Gawin in moderation para hindi masuka ang mga kaibigan. Ang isa o dalawang post sa sa isang araw ay pwede na. Iwasang araw-arawin.

 

Overall Suggestion: Samantalahin ang kapangyarihan ng social media para makagawa ng mabuti. Hindi naman kailangang global scale agad. Huwag din kalimutan na mas masaya pa rin ang aktwal na interakyson sa mga tao kaysa mga telepono at kompyuter.

 

Happy New Year sa ating lahat!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here