Epal. Filipino slang ito ng ‘mapapel’ o mahilig pumapel para makakuha ng atensyon. Mas killing sa negatibo ang konotasyon nito, dahil ang gumagawa (epal) ay kumukuha ng atensyon (umeepal) sa hindi kaibig-ibig na paraan.

Ganito rin ang tawag sa mga tao—lalo na pulitiko—na tinatatakan ng kanilang pangalan ang mga proyekto ng gobyerno na akala mo ay galing sa kanilang sariling bulsa ang pondong tinustos sa proyekto. Kasama na rin sa kaepalan ng mga pulitiko ang mga pinalalabas na “public information activities,” mula sa paalala sa kalusugan, trapik o magandang asal hanggang sa pagbati sa mga piyesta o ‘di kaya’y sa kaarawan ng mga kilalang lider ng simbahan. Ginagamit din ang terminong ‘epal’ para isalarawan ang maagang pangangampanya ng mga pulitiko tuwing palapit na ang eleksyon. Pero dahil sa samu’t saring kaepalan, parang buong panahon (poreber!) na ring nangangampanya ang mga pulitiko.

Taong 2015 ay taon bago ang pambansang halalan. Taon ito kung kailan naghahabol ng atensyon, pagkilala, sabihin na rin nating pondo, ang mga pulitiko. Ilang buwan na lang ay magpapalit na naman ng mga namumuno sa gobyerno mula sa lokal hanggang sa pambansang pusisyon. Panahon na naman ng eleksyon. Sa Pebrero pa ng susunod na taon ang opisyal na simula ng kampanya para sa mga pambansang pusisyon (Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senador at Party-List) at Marso naman para sa lokal na pusisyon (Kinatawan sa Kongreso, Mayor, Vice-Mayor at mga Konsehal). Pero, maaga pa lang ngayong taon ay dama na ng mga ordinaryong mamamayan ang epal moves ng mga pulitikong naghahangad ng pusisyon sa gobyerno.

Sa Election Code ng bansa, ipinagbabawal ang electioneering o pangangampanya labas sa campaign period. Nilulusutan lang ng mga pulitiko ang batas sa pamamagitan ng hindi paglalagay ng “iboto” sa kanilang mga diumano’y campaign ads. May mga inihain na ring panukalang batas na tinaguriang ‘Anti- Epal Bill’ sa mababang kapulungan at Senado pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalabas sa committee level. Kaya, may ilang netizens na nagbuo ng grupo para hikayatin ang mga tao na iulat ang mga epal moves ng mga pulitiko.

Narito ang Top 15 epal moves ng mga pulitiko tuwing malapit na ang eleksyon.

15. Mukha sa lahat ng kanto, proyekto, pagtitipon, okasyon

Tarpaulin ang pinakamalaganap na gamit ng mga pulitiko para maipaskil ang mga mukha at pangalan nila. Kahit saan lumingon ay makikita ang mga tarpaulin ng pagbati sa lahat ng proyekto, adbokasiya at okasyon. Makikita ang mga tarpaulin na ito kahit hindi pa panahon ng kampanya, gamit na gamit ang pamamaraan na ito mula sa Sangguniang Kabataan (SK) hanggang sa pangulo ng bansa.

#MARkadong #MARkado ang campaign poster ng #MARangal na kandidatong ito sa kahabaam ng pabaluktot na daang Kaingin.

Geplaatst door Obet De Castro op Maandag 21 september 2015

14. Branding sa mga waiting shed, arko

Dahil permanenteng istruktura ang mga waiting shed at arko ng mga paaralan at barangay, paboritong ipatayo o iparepaint ito ng mga pulitiko at ilagay ang mga pangalan nila na para bang sa bulsa nila

nanggaling ang pagpapagawa nito. Paboritong proyekto rin ito ng mga SK at mga konsehal ng bayan/lungsod.

ynares

13. Babala sa kalsada

Ano ba ang mararamdaman ng mga motorista at commuter kung makikita ang mga mukha at pangalan ng mga pulitiko sa mga babala sa kalsada na dapat ay magbibigay ng giya sa kanilang paglalakbay? Walang pakialam ang mga pulitiko kung makaka-distract ba ang mga mukha at pangalan nila sa mga babala sa kalsada.

Pati ba naman traffic sign eepalan mo?

Geplaatst door Anti-Epal op Zondag 15 juni 2014

12. Pamimigay ng school supplies

Matagal pa bago makaboto ang mga batang pinagbibigyan ng school supplies ng mga pulitiko pero maaga pa lang ay inuukit na sa mga isip nila kung sino ba ang dapat na nasa pusisyon. Nais yata ng mga pulitiko na palakihin ang mga bata na mapagpasalamat at pinalalaganap ang kaugalian ng mga Pilipino sa “pagtanaw ng utang na loob.” Kung tutuusin, walang utang na loo bang mamamayan sa pamahalaan dahil pera ng mamamayan ang pinangtutustos sa mga ginagastos ng mga nakaupong pulitiko. At siyempre, pag-uwi ng mga batang nabigyan ng school supplies ay nandiyan ang mga magulang na botante.

Notebook ng mga studyante sa Rizal

Geplaatst door Anti-Epal op Woensdag 4 december 2013

11. Pasikat sa undas

Maraming apela sa social media na sana ay igalang ng mga pulitiko ang sagradong okasyon ng pag-alala sa mga pumanaw. Libu-libo ang dumadagsa sa mga sementeryo tuwing undas kaya hindi ito pwedeng mapalagpas ng mga pulitiko sa kabila ng apela ng mga tao at simbahan.

10. Maligayang pagtatapos!

 

Tuwing graduation, kapansin-pansin ang paglaganap ng mga tarpaulin ng pagbati ng mga pulitiko malapit sa pagdadausan ng pagtatapos. Sa araw naman ng graduation ay may mga card ng pagbati na kumakalat na may mukha’t pangalan ng mga pulitiko. Ginagamit din nilang pagkakataon ang maging guest speaker sa mga graduation para ipangalandakan ang sarili. Ang pinakamasaklap sa araw na ito ay ang mukha at/o pangalan ng mga pulitiko sa mga medalya ng mga nagsipagtapos. Parang naagaw ng mga pulitiko ang limelight at moment ng mga may honor at award.

 

9. Mukha sa mga sasakyan

Dahil malayo ang nararating ng mga sasakyan na gamit para sa serbisyo ng barangay, bayan/lungsod at lalawigan, magandang pagkakataon ito para sa mga pulitiko para mas lalong lumaganap ang pangalan nila. Karamihan sa mga sasakyan ng mga lokal na pamahalaan, lalo na sa mga barangay—mula sa opisyal na service vehicle, multicab na pangronda sa barangay, ambulansya, fire truck at iba pa.

philhealth

8. Mamigay ng relief goods at gamot

Higit-kumulang 20 bagyo ang dumaraan sa Pilipinas bawat taon. Bulnerable rin sa iba pang hazard ang iba’t ibang lugar sa bansa katulad ng lindol, pagputok ng bulkan, baha at storm surge kaya’t palaging lumilikas ang maraming komunidad. Sa mga panahong ito ay tipon ang mga tao sa mga evacuation center. Ang panahon ng sakuna, kalamidad—lubhang kalungkutan o desperasyon ng masa—ay hindi pinalalampas ng kaepalan ng mga pulitiko.

At imbis na tustusan ang pagtatayo ng mga pampublikong ospital at health center na may pangmatagalang benepisyo sa mas marami, ginagamit ng mga pulitiko ang mga medical mission para punan ang kakulangan sa serbisyong pangkalusugan. Sa ganitong paraan nga naman ay mararamdaman ng tao ang ‘direktang serbisyo’ ng mga nasa kapangyarihan. Kung tutuusin, para na rin itong sortie sa panahon ng kampanya sa eleksyon.

Walang hangganang kaepalan.Naghintay kami na ma-verify na tunay ito. Totoo nga.

Geplaatst door Anti-Epal op Donderdag 14 november 2013

7. Mas malaking mukha ng pulitiko kaysa sa ID card holder

Naging viral sa social media ang Senior Citizen ID na binibigay sa isang bayan sa Rizal dahil mas malaki pa ang mukha ng mayor kung ikukumpara sa litrato ng may-ari ng ID. Gusto kayang sabihin ni Mayor na sa kapag nakita ang mukha niya saka lang maibibigay ang 20% discount ng mga senior citizen?

EPAL ID

 

6. Baon ang pangalan hanggang kamatayan

Umabot sa rurok ang galit ng netizens nang kumalat sa social media ang kuha ng isang kabaong sa lamay na may nakasulat na pangalan ng isang Mayor mula na naman sa Rizal. Literal kayang gustong sumama ni Mayor hanggang sa hukay?

Dinonate ang kabaong, nakatatak ang pangalan niya sa mismong kabaong. Mayor TJ RODRIGUEZ Ng capas, tarlac, mahiya ka…

Geplaatst door Marlon Ludy op Vrijdag 22 mei 2015

5. Gabi-gabi, araw-araw sa telebisyon

Ang pinaka-obvious na senyales na tatakbo sa isang pambansang posisyon ang isang pulitiko ay ang maglabas ng patalastas sa telebisyon kung saan milyun-milyon ang nanonood, lalo na tuwing primetime. Makikita rin kung sino ang pinakamapera dahil napakamahal ng bayad ng patalastas sa telebisyon. Bawat 30 segundo ng patalastas ay aabot sa P200,000 hanggang P300,000 ang bayad sa bawat paglabas nito.

Si Alan Peter Cayetano na tatakbo bilang Bise Presidente ang isa sa mga pinakaunang naglabas ng patalastas maaga pa lang ngayong taon.

Ngayong nakapag-file na ng certificate of candidacy (COC) ang mga tatakbo sa pambansang pusisyon, oras-oras na rin napapanood ang mga patalastas ng mga pulitiko sa telebisyon.

 

4. Probinsya hopping

Sa pagpopostura na gustong magbahagi ng kaalaman, halimbawa sa disaster o mga proyektong Lakbay Aral, nabibigyang daan ang probinsya hopping ng mga pulitikong nagbabalak kumandidato sa pambansang pusisyon. Bitbit pa nito ang rekurso at mga tao ng ahensyang hinahawakan ng ganitong pulitiko.

 

Ganito ang ginawa ng dating Metro Manila Development Authority (MMDA) chair na si Francis Tolentino noong mga nakaraang buwan bago pa man maghain ng COC. Sa kabila ng matinding trapik na kinakaharap ng Kamaynilaan ay nasa ibang probinsya ito para umano magbahagi ng karanasan ng MMDA hinggil sa paghahanda para sa disaster.

3. Pabibo sa Senate Hearing

Naging sunud-sunod ang mga tampok na imbestigasyon sa Senado katulad ng insidente sa Mamasapano, Maguindanao at ang ilang buwang arawang hearing sa mga alegasyon ng kurapsyon kay Bise Presidente Jejomar Binay. May ilang senador dito na bibong bibo sa hearing at pagkatapos ng hearing. Kapansin-pansin na kinansela ang hearing ng Senado sa mga kaso ni Binay noong araw ng arrival honors ng napaslang na 44 Special Action Forces commandos, dahil umano walang istasyon ng radyo at telebisyon na magsasagwa ng live coverage.

7 MONTHS PA ANG SENATE HEARING ON BINAY?Areglado lang ito basta:1) isabay na rin ang hearing kung bakit hindi…

Geplaatst door Mon Ramirez op Donderdag 13 november 2014

2. Paggamit ng serbisyo ng gobyerno para magpabida

Bago pa man ang filing ng COC, bali-balita nang marami sa mga na-appoint bilang mga namumuno sa ilang ahensya ng sangay ng ehekutibo ng gobyerno (sangay na pinamumunuan ng pangulo ng bansa) ay may planong tumakbo sa Senado. Ngayong taon ay lumaganap ang mga patalastas sa telebisyon, billboard at ad sa bus ng mga opisyal ng gobyerno tungkol sa ahensyang kanilang hinahawakan. Ilan sa mga ito ay sila Joel Villanueva na dating Kalihim ng TESDA; Risa Hontiveros na bago pa mapabalita ang appointment bilang isa sa mga Direktor ng PhilHealth ay may netizen nang nakapansin sa ad nito sa bus at kauupo pa lang ay mayroon nang ad sa telebisyon; Dating Kalihim ng Department of Energy na si Jericho Petilla na naglabas ng patalastas sa telebisyon sa ngalan ng ahensyang pinamumunuan.

Umani rin ng batikos ang pagtitipon ng mga Conditional Cash Transfer benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development sa Koronadal City nang dumalo ang mga kandidato ng Liberal Party na

Sila Mar Roxas at Leni Robredo na noo’y nakapaghain na ng COC. Si Roxas ay nag-resign na bilang kalihim ng DILG at si Robredo naman ay kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

 

TESDAMAN InvitationHappened last December 18, 2015Cinema 6, Promenade, Green Hills, San Juan.

Geplaatst door Dobolyu Design op Dinsdag 22 december 2015

1. Pakikisalamuha sa masa

https://www.facebook.com/IgnoreOurRants/photos/a.1552468928352579.1073741828.1549639718635500/1635177633415041/?type=3&theater

 

Nangunguna sa listahang ito ang iskemang kunwari ay aalamin ng mga pulitiko kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan o ‘di kaya’y susubukan ang hirap ng trabaho o kalagayan na dinaranas nila. Maaaring ito na ang pinakakinasusuklaman ng mga netizen na pakulo ng mga pulitiko. Hitik sa insenseridad at akala mo ginagawang isang simpleng palabas ang hirap na dinaranas ng mamamayan sa araw-araw na buhay.

 

Pinakatampok sa ganitong pakulo ang kandidato ng Liberal Party sa pagkapangulo na si Mar Roxas. Nariyan nang sumakay siya sa MRT (pero binatikos ng mga netizens ang abnormal na luwag ng tren sa rush hour kung kailan daw sumakay si Roxas), nagtrapik sa gitna ng Commonwealth, nagbuhat ng sako ng bigas at sibuyas, nagdrive ng pedicab, naglagari ng yelo, sumakay ng motorsiklo na walang helmet para makapasok sa erya na nasalanta ng bagyo, nagsandok ng kanin sa mug (para ipakitang doon siya kakain?), nagpanday ng mga upuan, nagbumbero at kung anu-ano pang gimik.

 

Naging viral din ang video mula sa Kodao Productions nang bumisita siya sa evacuation center ng mga Lumad sa Tandag City. Sa video, inaalam umano niya ang kalagayan ng mga Lumad, pero nang binanggit na ng isang Lumad na dahil sa mga sundalo kung bakit sila lumikas, pinatigil kaagad ni Roxas ang pagkuha ng video.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here