#ProtestFromHome | Grupo ng maralita, kinundena ang ‘red-tagging’ ng PNP

“Ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) Metro Manila ay kinukwestyun at kinukundina ang atakeng pahayag ng mga kapulisan na ipinaskil sa kani-kanilang mga social media account laban sa matagumpay na KALAMPAGAN #ProtestFromHome ng mga maralita,” pahayag ng grupo noong Marso 24.

Ipinanawagan ng grupo ang #ProtestfromHome noong Linggo, Marso 22, na isa sa naging trending topic sa Twitter at lumaganap din sa Facebook.

WATCH: Kadamay Metro Manila leads the simultaneous online “Kalampagan” noise barrage protest in various households and communities across the country to call for free mass testing, adequate aid and rights protection in the height of the poor government response over the COVID-19 pandemic. The group also slams the move of the national government to grant special power to President Duterte which they said is prone to abuse and lacks concrete measures on testing and protecting our people from the coronavirus, especially the poor.#ProtestFromHome#FreeMassTestingNow#ServisyongMedikalHindiMilitar

Geplaatst door Kadamay Metro Manila op Zondag 22 maart 2020

 

Tumugon ang Philippine National Police (PNP) Community Relations Group (CRG) – PULISerbis sa kanyang Facebook page sa nasabing “online protest” Marso 23 ng hapon.

“May mga grupo nanaman na nananawagan ng ingay at kaguluhan. Huwag po natin sana silang suportahan. Ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matugunan ang krisis na ito…Hinihiling lang namin ang inyong kooperasyon at ang pinakamadali dito ang #StayHome to #SaveLives. Pwede rin tayong manalangin para sa ikabubuti ng lahat hindi ang #ProtestFromHome dahil dapat ang Bahay ay sentro ng pag-ibig at katahimikan hindi kaguluhan,” reaksyon ng PNP CRG.

 

May mga grupo nanaman na nananawagan ng ingay at kaguluhan. Huwag po natin sana silang suportahan. Ginagawa ng gobyerno…

Geplaatst door PNP Police Community Relations Group – PULISerbis op Zondag 22 maart 2020

 

Isinama nila sa kanilang post na tumutuligsa sa #ProtestFromHome ang mga larawan ng mga bata at kabataang sumali sa “online protest.” Ginamit din nila ang hashtag na #ReportKadamay pero hindi malinaw kung ano ang konteksto nito, kung saan o bakit ire-report ang Kadamay.

Gumawa rin ng sariling bersyon ng post laban sa #ProtestfromHome ang Albay Provincial Police Office.

 

Hindi na ito mahanap sa kanilang Facebook page sa kasalukuyan.

Tugon ng Kadamay Metro Manila sa pagpapalabas ng mga elemento ng PNP na masama o mali ang #ProtestFromHome ay hindi sila titigil manawagan ng mass testing at mga kailangang ayuda ng mamamayan sa gitna ng pinatutupad na ‘total lockdown’ sa Luzon.

“Hindi katanggap-tanggap na magtiis at maghirap ang mamamayan dahil lamang sa dahil sa pagiging inutil ni Duterte sa pagsusulong at pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng malawak na mamamayang naghihirap,” pahayag ng Kadamay Metro Manila.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here