Isinasagawa tuwing ika-14 ng Pebrero ang One Billion Rising sa buong mundo, isang kampanya laban sa karahasan sa kababaihan. Sa Pilipinas ngayong taon, inilunsad ang One Billion Rising sa Mendiola sa Maynila kasama ang sektor ng magsasaka at iba’t ibang mga progresibong grupo.

Isinama ang panagawan hinggil sa pagbasura sa Republic Act 11203 (RA 11203) o mas kilala sa tawag na Rice Liberalization Law. Nilagdaan ang batas na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 14, 2019.

“Ngayong 2020, One Billion Rising Solidarity against Rice Liberalization ang pangunahing dala namin ngayon dahil sa usapin ng manggagawang bukid na hindi na sila nakikinabang sa malawak na produksyon ng bigas,” ani Inah Fadriquela, tagapagsalita ng Gabriela Metro Manila.

Ayon naman sa Kilusang Magbukid ng Pilipinas, kailangan ng maingay na pakikiisa ng mamamayan para sa pagpapabasura sa RA 11203.

Sabi ni Rafael Mariano, Tagapangulo ng KMP, “Ang ating kinabukasan at ang ating kasiguruhan sa pagkain ang nakasalalay kung patuloy na papayagan ang unlimited rice importation.”

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here