[ultimate_spacer height=”10″]

Namahagi ng humigit kumulang 120 hot meals ang Vincent Helps ng Congregation of the Mission ng Vincent Community sa mga mamamayang walang tirahan sa gitna ng ipinapatupad na lockdown ng pambansang pamahalaan dahil sa paglaganap ng COVID-19.

Katuwang ang People’s CARE at mga volunteer riders ng Sandigan ng Manggagawa ng Quezon City at Anakbayan National Capital Region (NCR), ipinamahagi ang mga makakain sa mga maralitang naninirahan sa kahabaan ng Quirino Highway at Commonwealth Avenue noong Marso 30.

Ito ay parte ng programang pinangungunahan ni Fr. Geowen Porcinca na naglalayong makalikom ng mga donasyon upang ibigay bilang ayuda sa mga biktima ng kalamidad at sakuna kagaya nga ng naging epekto nitong enhanced community quarantine ng gobyerno.

Walang tiyak na ayuda na makukuha ang mga mamamayang walang tirahan sapagkat ‘di sila tiyak na lalaanan ng relief goods mula sa barangay, kung sila man ay kinukunsiderang bahagi ng barangay. Wala rin silang makukuhang ayuda mula sa Department of Labor and Employment dahil hindi rin sila manggagawa sa pormal o impormal na sektor. Hindi pa malinaw kung bahagi ng sila ng ‘social amelioration program’ ng gobyerno para makakuha ng sinasabing P5,000 hanggang P8,000 emergency subsidy ng gobyerno 19 milyong pinakamahirap na pamilyang apektado ng lockdown sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act o BAHO.

Mabagal pa nga ang dating ng relief goods sa maraming bahagi ng Kamaynilaan at matagal o hindi nagpapang-abot ang unang bigay sa susunod na gutom ng mamamayang nawalan ng trabaho o anumang maaaring pagkakitaan dahil sa pagsasara sa buong NCR.

Nauna nang nagkasama ang Vincent Helps at People’s CARE nang magbahagi ang dalawang organisasyon ng 250 relief packs sa mga komunidad at mga sektoral na grupong kinukunsiderang pinakasalat at nangangailangan ng kagyat na tulong para sa pang-araw-araw dahil sa nararanasang lockdown.

Plano ng grupo gawin ang pamamahagi ng pagkain sa mga walang tirahan tatlong beses kada linggo.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”50″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”70″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here