Nilunsad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Bagsakan Online Shop noong Abril 2 kung saan maaaring makabili ng gulay online na ihahatid sa kanilang erya o makukuha sa mga ‘bagsakan’ o drop-off point na natukoy ng grupo.

“Ito ay mga produkto ng bungkalan ng mga magsasaka na nagtatanggol sa kanilang karapatan sa lupa at nagtitiyak na may pagkain ang mamamayan. Ang inyong pagtangkilik sa mga produkto ay malaking tulong lalo ngayong panahon ng COVID-19 kung saan hirap silang magluwas ng kanilang ani sa mga karatig na palengke,” saad ng anunsyo ng grupo sa pagbabalik ng Bagsakan.

Abril 8 ang susunod na bagsakan sa Quezon City at Abril 5 ang cut-off ng pag-order.

Ilan sa mga produktong mabibili ang mga sumusunod:

  • Talong – P 35 kada kilo
  • Saging na saba – P 40 kada kilo
  • Kamoteng kahoy – P40 kada kilo
  • Langka – P40 kada kilo
  • Papaya – P40 kada kilo
  • Puso ng saging – P40 kada kilo
  • Organic rice – P70 kada kilo
  • Talong – P70 kada kilo
  • Kaimito – P80 kada kilo
  • Ampalaya – P90 kada kilo

Maaaring um-order sa pamamagitan ng form na ito: https://forms.app/bagsakanonline/order-form

Ang mga drop-off point para makuha ang mga order ay ang mga sumusunod:

  • IBON FOUNDATION, Timog Avenue
  • UniOil Kalayaan Avenue cor Malingap
  • Don Antonio Village/BF Homes

May PhP500 minimum order ito para sulit ang transportasyon ng gulay na sinasagot ng ating mga magsasaka.

Nahirapan ang Bagsakan bumiyahe noong nakaraang linggo dahil sa mga checkpoint sa gitna ng ipinapatupad na total lockdown sa buong Luzon.

Noon lamang Marso 27 ay inanunsyo na hindi makapagbagsak ng produkto ng mga magsasala sa Kamaynilaan dahil sa hirap sa byahe.

“Sa ngayon po ay inaayos muna ng KMP ang proseso kung paano mas magiging mabilis ang aming serbisyo sa inyo. Sa ginawang unang Bagsakan ay kinaharap namin ang ilang hadlang kagaya ng tagal ng busisi sa kalakal, sa permit at sa tao na dadaan sa checkpoint. Babalikan po namin kayo kapag naayos na ito at pwede na ulit tumanggap ng mga orders,” anang grupo noong Marso 27.

 

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here