Nangyari ang phreatic eruption (pagbuga ng usok dahil sa nainitang tubig mula sa bulkan mula sa bunganga ng bulkang Taal) noong Linggo, Enero 12.

Nagdulot ito ng ashfall (pagbagsak ng abo) sa mga kalapit-bayan at maging sa maraming bahagi ng rehiyon ng Timog Katagalugan, Kamaynilaan at Gitnang Luzon. Nakansela ang lahat ng paglipad papasok at palabas ng Ninoy Aquino International Airport. Kinansela ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa pamahalaan, liban sa mga ‘frontline services’ (ospital, emergency response, atbp.) noong Lunes at Martes sa Timog Katagalugan, Kamaynilaan at ilang bahagi ng Central Luzon. Nanatili namang kanselado ang klase sa Batangas, Cavite at Laguna sa ikaapat ng araw ng pagsabog ng bulkan.

Kinabukasan, Lunes, bandang ika-3 ng umaga, nagbigay alerto ang PHIVOLCS hinggil sa magmatic eruption (paglabas ng magma sa bunganga) ng bulkang Taal.

Higit 30,000 naman ang tinatayang apektado at lumikas mula sa Batangas at Cavite dahil sa pagsabog ng bulkan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council . Ngunit ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, higit 33,000 na ang naitala nilang lumikas sa mga binuksang evacuation center. Maaaring hindi rin kasama sa bilang na ito ang mga nagsilikas sa sarili nilang mapagpapalipasan na mga tahanan.

Dinaing ng mga residente ang kawalan ng babala at kawalang kahandaan sa gitna ng sakuna, kung saan marami ang nagsilikas sa sarili nilang sikap matapos ang mga pagyanig sa lupa at pagbuga ng usok ng bulkan, na naglantad na sa kanila mismo ng nagbabadyang panganib. Hindi rin nabalikan agad ang mga hayop na naiwan sa bulkan, maging ang ilang daang kabayo na ginagamit sa pag-akyat ng mga turista sa bunganga ng bulkan, at iba pang hayop na tinatayang namatay na dahil sa matinding ashfall.

 

Nagsimulang magsilikas ang mga taga-Barangay San Nicolas sa pagsisimula ng pagbuga ng usok mula sa bulkang Taal bandang ika-3 ng hapon, Enero 12.

 

Kumapal na ang usok na binubuga ng bulkang Taal noong Linggo, Enero 12.

Tanaw mula sa likod ng malaking rebulto ng Christ the Redeemer sa Marian Orchard sa Balete, Batangas ang makapal na usok na nagsimulang ibuga ng bulkang Taal.

 

Pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga residente sa mga komunidad sa paligid ng bulkang Taal. Tinatayang 15,033 toneladang tawilis, isang nanganganib na uri ng isda na sa lawa ng Taal lang matatagpuan, ang apektado sa pagsabog ng bulkan.

 

Sa ikalawang araw ng pagsabog, tanging mga bakas ng hayop na lamang ang makikita sa isang barangay ng Agoncillo, Batangas matapos nagsilisan na mula kagabi ang mga tao.

 

Ilang residente ang bumalik para hanapin at kunin ang mga natirang hayop at kagamitang panghanapbuhay.

 

Pinapaliguan ang kabayong si Princess Love Bunga ni Melvin Ocampo upang matanggal ang dumi mula sa magdamag na pagbuga ng abo na nagmula sa pag-alburoto ng bulkang Taal.

 

Tuloy ang buhay at paghahanapbuhay ng isang taga Brgy. Kinalaglagan, Mataas na Kahoy kahit na nagpapatuloy sa ikalawang araw ang pag-aalburuto ng bulkang Taal.

 

Makapal pa rin ang usok mula sa bulkang Taal mula sa ikalawang araw ng pagsabog nito.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here