Batay sa kinulumpon na ulat ng mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR), umabot na sa 4,206 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, ang probable ay nasa 1,486 na, ang suspect ay 4,288 at ang gumaling ay 596.  Umabot na sa 461 ang naitalang namatay sa NCR ngayong araw.

Nanatiling mas maraming namatay na suspect at probable cases kaysa sa kumpirmadong kaso sa lungsod ng Navotas at Mandaluyong: 37 na probable at 6 confirmed sa Navotas at 38 suspects at 30 confirmed sa Mandaluyong.

 

Talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR (Abril 23)

 

Ayon naman sa Department of Health (DOH), umabot na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa sa 6,981, kung saan 271 ang bagong kaso ngayong araw. Ang mga gumaling sa sakit ay umabot na sa 722 at 462 ang namatay.

 

Maynila

Kasalukuyang 547 na ang mga residente ng Lungsod ng Maynila na nagpositibo sa COVID-19 matapos magtala ng Manila Health Department (MHD) ng 28 na karagdagang kaso. Nasa 764 naman ang suspect, walang inulat na probable, 63 ang naka-rekober at 58 naman ang binawian ng buhay.

Lima ang kaso ng mga bagong namatay sa loob ng dalawang araw.

COVID-19 MONITORING: Kasalukuyang 547 na ang mga residente ng Lungsod ng Maynila na nagpositibo sa coronavirus disease o…

Geplaatst door Manila Public Information Office op Donderdag 23 april 2020

 

Quezon City

Ayon sa DOH, 1085 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City; 945 dito ang may kumpletong address sa lungsod. Umabot naman sa 772 ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Geplaatst door Quezon City Government op Donderdag 23 april 2020

 

Caloocan

Naitala ang 151 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad ng Caloocan, 141 na probable at 161 na suspect. Nasa 26 na ang gumaling sa sakit habang 25 ang nasawi. Nadagdagan ng 3 ang nasawi sa loob ng dalawang araw.

Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Donderdag 23 april 2020

 

Valenzuela

Naitala ng Valenzuela City ang 81 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, 1 probable, 230 suspect, 7 naka-rekober at 6 na namatay.

 

Malabon

Naitala na sa Malabon ang 31 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa pagsapit ng Abril 23, 173 ang probable, 4 suspect, 5 ang gumaling at 7 ang namatay. Nagtatala pa rin ng PUM ang lungsod, kung saan 76 na ang PUM ngayong araw.

COVID-19 UPDATES: Ayon sa City Health Department, nananatiling tatlumpu't isa (31) ang confirmed cases ng COVID-19 sa…

Geplaatst door 100% Pusong Malabon op Donderdag 23 april 2020

 

Navotas

Umabot na sa 27 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas, 75 ang probable, 91 ang suspect at 7 ang gumaling. Nagtatala pa rin ng PUM ang Navotas na umabot ngayon sa 31.

Anim ang positibong COVID-19 kaso ang namatay sa Navotas pero mayroon na ring 37 na probable na namatay.

#????????? ??????As of 23 April 2020, 4PM??? = 31??????? = 91 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe,…

Geplaatst door Navoteño AKO! op Donderdag 23 april 2020

 

San Juan  

Nakapagtala na ng 203 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan, 0 ang probable, 279 ang suspect, 44 ang gumaling at 34 ang namatay.

Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Donderdag 23 april 2020

 

Marikina 

Umabot na sa 99 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina, 1 ang suspect, 19 ang probable, 17 ang gumaling at 18 ang nasawi.

Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…

Geplaatst door Marikina PIO op Donderdag 23 april 2020

 

Mandaluyong

Nakapagtala na ng 323 kumpirmadong kaso sa Mandaluyong, 0 probable, 718 suspect at 48 ang gumaling.

Naitala rin ang 30 na kumpirmadong COVID-19 na namatay at 38 suspects na namatay.

UPDATE: Ang ating pong mga Probable Case at Suspect Case ay patuloy na nakatatanggap ng food assistance mula sa…

Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Donderdag 23 april 2020

 

Pasig

Nakapagtala na ang Pasig ng 274 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, 122 probable, 79 suspect, 63 ang gumaling at 49 ang namatay.

Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Donderdag 23 april 2020

 

Makati

Ngayong araw, April 23, 2020, nakapagtala ang Makati Health Department ng 292 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, habang 363 ang naitala ng DOH. Nakapagtala rin ang MHD ng 60 probable, 240 suspect, 275 PUMs, 31 taong nasawi at 71 ang gumaling sa sakit.

Ngayong araw, April 23, 2020, nakapagtala ang Makati Health Department ng 292 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod….

Geplaatst door My Makati op Donderdag 23 april 2020

 

Taguig

Nakapagtala na ng 203 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang syudad, 0 probable, nasa 1,129 ang suspect, 24 ang gumaling at 15 ang namatay.

?????? ???? ?????-?? ???? ???????????? ??, ????Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 4 na bagong CONFIRMED cases….

Geplaatst door I Love Taguig op Donderdag 23 april 2020

 

Pateros

Nakapagtala na ng 20 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 90 PUIs, 100 PUMs, 5 na gumaling at 4 na pumanaw.

Isang Pateros Official Covid-19 Updates as 9:30am, April 23, 2020

Geplaatst door IsangPateros op Vrijdag 24 april 2020

 

Pasay

Naitala ang 150 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 22 probable, 60 suspect, 24 ang gumaling at 18 na namatay.

Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Donderdag 23 april 2020

 

Parañaque

Umabot na sa 393 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 493 ang probable, 228 ang suspect, 51 na gumaling at 29 ang namatay.

PARAÑAQUE CITY COVID-19 UPDATE!AS OF APRIL 23, 2020, 6:00PM, THE NUMBER OF CONFIRMED CASES IN PARAÑAQUE CITY IS THREE…

Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Donderdag 23 april 2020

 

Las Piñas

Sa Las Piñas, mayroon nang 122 confirmed cases, 6 probable, 48 suspect, 14 recovered at 9 namatay.

Sa Barangay Ilaya na lang walang naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod, habang pinakamarami sa Talon Dos na may 18.

LAS PIÑAS COVID-19 UPDATE

Geplaatst door City of Las Piñas op Woensdag 22 april 2020

 

Muntinlupa

Umabot na sa 129 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, 392 ang probable, 16 ang suspect, 19 ang gumaling at 18 ang namatay.

Breakdown of COVID-19 cases per Barangay as of April 23, 2020, 7:00 PM. Active Suspect: 16(16 home quarantine, 0…

Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Donderdag 23 april 2020

 

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here