Anim na araw bago matapos ang ekstensyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong isla ng Luzon ay nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa isa pang ekstensyon ng ECQ hanggang ika-15 ng Mayo sa mga rehiyon ng National Capital Region (NCR), Calabarzon, Central Luzon at iba pang probinsya na kabilang sa high risks mula sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Umere ang nakabidyong mensahe at pulong ni Duterte noong Abril 24, kinaumagahan matapos ang gabing sinabing iskedyul ang pagdedesisyon ng pangulo hinggil sa kahihinatnan ng ECQ.
Matatapos dapat ang isang buwang ECQ o total lockdown sa buong Luzon noong Abril 13. Isang linggo bago ito matapos, inanunsyo ang pagpapahaba nito hanggang katapusan ng Abril para mailatag pa ng mga gobyerno ang mga plano nito para labanan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa gaya ng pagsisimula pa lang ng mass testing.
Bagong banta ng Martial Law
Muling nagbanta si Duterte na magpapataw ng batas militar ‘pag nagpatuloy umano ang ‘lawlessness’ at mga pag-atake ng New People’s Army (NPA).
“I am now warning everybody and putting notice to the Armed Forces of the Philippines (AFP) and police. I might declare martial law and there will be no turning back,” ani Duterte.
[Binabalaan ko ang lahat at binibigyan ko ng abiso ang AFP at pulis. Maaari akong magdeklara ng Batas Militar at wala nang balikan ito.]
Itinanggi naman ng Communist Party of the Philippines ang akusasyon na mga pag-atake ng NPA at sinabing ang mga sundalo ng AFP ang nagsasagawa ng mga operasyong militar kasabay ng ipinapataw ng gobyerno na restriksyon sa paggalaw sa mamamayan kaugnay ng ECQ.
Nagdeklara ng ekstensyon ng tigil-putukan ang CPP hanggang Abril 30 kasunod ng unang ekstensyon ng ECQ para umano magpokus ang mga pwersa nito sa pagtulong sa mga komunidad na labanan ang COVID-19.
Hindi naman na pinahaba ng AFP ang deklarasyon nito ng tigil-putukan.
ECQ at GCQ
Ang ibang lugar na dating nasa ilalim sa ECQ ay isinaillaim naman sa General Community Quarantine (GCQ), kasama na ang ibang lugar sa Visayas at Mindanao, kung kaya’t dumami pa ang nasa ilalim ng “quarantine” na ipinatutupad ng pambansang gobyerno.
Narito ang listahan ng mga probinsyang high risk at kabilang sa dalawang linggong ekstensyon ng ECQ:
- Metro Manila
- Benguet
- Pangasinan
- Bataan
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Zambales
- Batangas
- Laguna
- Cavite
- Rizal
- Quezon Province
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro
- Albay
- Catanduanes
- Davao Del Norte
- Davao City
- Antique
- Iloilo
- Aklan
- Capiz
- Cebu City
- Cebu
- Davao De Oro
May mga napabilang sa listahang uulitin pa ang pagchecheck tulad ng mga probinsyang Benguet, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Antique, Iloilo, Cebu City, Cebu, at Davao De Oro.
Ang mga nasa moderate risks naman ay ang mga sumusunod:
- Negros Occidental
- Negros Oriental
- Siquijor
- Davao del Sur
- Davao Oriental
- Sultan Kudarat
- Lanao del Sur
Low risks naman o nasa ilalim na ng GCQ o ang “new normal” ang mga sumusunod:
- Abra
- Aurora
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Apayao
- Batanes
- Mountain Province
- Ifugao
- Kalinga
- Quirino
- La Union
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Marinduque
- Palawan
- Romblon
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Sorsogon
- Capiz
- Samar
- Western Samar
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Masbate
- Guimaras
- Bohol
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Zamboanga del Sur
- Lanao del Norte
- Misamis Occidental
- Misamis Oriental
- North Cotabato
- South Cotabato
- Maguindanao
- Zamboanga del Norte
- Zamboanga Sibugay
- Bukidnon
- Camiguin
- Davao Occidental
- Sarangani
- Agusan del Sur
- Dinagat Island
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Basilan
- Sulu
Ang mga lugar na itinuturing na high risks ay mananatili sa ilalim ng ECQ hanggang sa Mayo 15 samantalang ang mga nasa moderate at low risks na mga lugar ay kabilang naman sa kategoryang GCQ.
Sa ilalim naman ng GCQ, papayagang magtrabaho ang mga sector na kabilang sa kategorya I, II at III na sumusunod:
Kategorya I:
- Agriculture, fishery, forestry
- Food manufacturing and its entire supply chain (including ink, packaging, raw materials atbp)
- Food Retail (supermarket, public and private market, restaurant-take out and deliver only)
- Healthcare
- Logistics
- Water
- Energy
- Internet, Telecoms
- Media
Kategorya II
- Other Manufacturing (Electronics, exports)
- E-Commerce and delivery for essential and non-essential items
- Repair and maintenance services
- Housing and other office services
Kategorya III
- Finance services
- BPO
- Other non-leisure wholesale and retail trade
- Other non-leisure services
Papayagan na ring lumabas ang mga mamamayan kung ang sadya nito ay bumili ng mga batayang pangangailangan.
Ngunit sa anumang sitwasyon ay mananatili pa rin sa loob ng bahay ang mga may edad 21 taong gulang pababa at mga may edad na 60 taong gulang pataas.
Sa ilalim din ng GCQ papayagan na ang mga kolehiyo na magpatuloy sa kanilang mga klase para tapusin ang nalalabi sa kanilang kasalukuyang academic year at mag issue ng credentials sa mga estudyante batay sa pamantayan ng Commision on Higher Education (CHEd).
Pinahihintulutan na rin ang pagpasada ng mga pampublikong transportasyon subalit kailangang bawasan ang kapasidad nito batay sa tinakda ng Department of Transportation (DOTr).
Gagawin pa ng Department of Health, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Department of Public Works and Highways at DOTr ang panibagong guidelines kaugnay ng bagong desisyon sa Abril 25.




























