Batay sa kinulumpon na datos mula sa mga ulat ng mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila ngayong Abril 19, umabot nas a 3,748 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 2,180 ang probable, 2,660 ang suspect, 447 ang gumaling ay 393 ang namatay.

Naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw ang 6,259 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 572 ang gumaling habang 409 ang pumanaw sa buong bansa.

 

Talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR mula sa mga ulat ng mga LGU (Abril 19)

 

Sa mga LGU ng Metro Manila, Makati at Malabon ang nananatiling nagbibilang ng Persons Under Monitoring (PUMs) o malapit sa klasipikasyon na “contact” ng World Health Organization (WHO) na hindi na isinama ng DOH sa nirebisang klasipikasyon nito na binatay sa abiso ng WHO noon pang Marso 20.

Patuloy namang itinatala at inuulat ng mga LGU ng Navotas at Mandaluyong ang mga namatay na Persons Under Investigation (PUIs) o ang tinuturing na ngayong probable (PUI na-test na wala pang resulta) at suspect (PUI na hindi pa na-test), bukod sa mga namatay na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

Maynila

Mayroong 445 confirmed na kaso ng COVID-19 sa Maynila, 1 ang probable, 680 ang suspect, 57 ang naka-rekober at 48 ang binawian ng buhay.

Pinakaraming kaso sa Sampaloc, kung saan 98 ang confirmed at 158 ang suspect. Napabalitang isasailalim ang Sampaloc sa lockdown. Kinumpirma naman ito ni Mayor Isko Moreno, pero ayon sa Manila Public Information Office ay pinagpaplanuhan pa ng alkalde at ng iba pang opisyal ng lungsod paano ipapatupad ang lockdown sa isang malaking lugar. Masasaklaw ng lockdown ang ilang barangay, commercial area at malaking bahagi ng university belt ng syudad.

COVID-19 MONITORING: Kasalukuyan nang 445 ang bilang ng mga residenteng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19…

Geplaatst door Manila Public Information Office op Zondag 19 april 2020

 

Quezon City

Ang naitalang kumpirmado sa COVID-19 sa syudad ay umabot na sa 1,042 habang 180 ang suspect, 87 gumaling sa sakit at 90 ang namatay.

Pinakamaraming aktibong kaso sa Quezon City (QC) ang Batasan Hills na may 30, New Era na may 21 at Matandang Balara na may 20. Ang kabuuang aktibong kasong naitala sa syudad ay 520. Isinailalim ng LGU ang 32 barangay sa extreme enhanced communit quarantine.

Ang mga namatay ay galing sa 59 barangay sa QC, kung saan pinakamarami sa Tandang Sora na 5 na ang pumanaw.

Geplaatst door Quezon City Government op Zaterdag 18 april 2020

 

Caloocan

Mayroong 138 confirmed na kaso ng COVID-19 sa Caloocan, habang 15 ang probable, 83 ang suspect, 16 ang gumaling at 21 na ang namatay.

Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Zondag 19 april 2020

 

Valenzuela

Mayroong 59 confirmed na kaso ng COVID-19 sa Valenzuela, habang 1 ang probable, 222 ang suspect, 6 ang gumaling at 6 na ang namatay.

 Isang pasyente ang pumanaw ngayong araw. Isang buwan na mula sa araw na ito nakumpirma ang unang positibong kaso ng COVID-19 sa syudad, isang 34-anyos na babae.

#COVID19 UPDATE: Valenzuela City Monitoring Report as of April 19, 2020We're sad to report that VC30 passed away today. We extend our deepest condolences to the family and loved ones of VC30.

Geplaatst door Valenzuela City op Zondag 19 april 2020

 

Malabon

Noong Abril 17, mayroong 29 kumpirmadong kaso, 101 suspect, 3 probable, 4 na gumaling at 6 na namatay sa lungsod ng Malabon.

 

Navotas

Sa Navotas, mayroon nang 25 kumpirmadong kaso, 57 ang probable pero 30 dito ay namatay na, 73 ang suspect na naka-home quarantine at 6 na namatay.

Ang mga tinuturing na suspect ng syudad ng Navotas ang mga PUI (mild, severe, critical) na wala pang test o hindi pa-natetest na (1) may mga sintomas ng trangkaso, (2) naglakbay o nanirahan sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19 sa loob ng 14 araw bago magka-sintomas, (3) nagkaroon ng close contact sa isang PROBABLE o CONFIRMED kaso ng COVID-19 sa loob ng 14 araw bago magka-sintomas, (4) nagkaroon ng biglaang karamdaman sa baga sa hindi malamang kadahilanan at kinakailangang maospital and (5) may lagnat, ubo o hirap sa paghinga at senior citizen, buntis, health worker o may iba pang sakit.

?????-?? ??????As of 19 April 2020, 4PM??????? = 73 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe, critical) na wala…

Geplaatst door Navoteño AKO! op Zondag 19 april 2020

 

San Juan

Mayroong 191 kumpirmadong kaso, 277 suspect, walang probable, 37 na gumaling at 33 na namatay sa lungsod ng San Juan.

Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Zondag 19 april 2020

 

Marikina

Noong Abril 17, mayroon nang 79 kumpirmadong kaso, 1 ang probable, 22 ang suspect, 11 ang gumaling at 17 ang namatay.

Mayroon nang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lahat ng barangay sa syudad mula Abril 14. Naitala ang pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad sa Barangay Concepcion Uno, na may 13 kaso.

Ipinaliwanag ng Marikina Public Information Office (PIO) kung bakit magkaiba ang datos ng DOH NCOV tracker sa updates ng LGU.

 “Ang data sa DOH Covid-19 tracker ay raw data na kailangan pang i-validate/verify ng CHO-CESU. Marami sa pasyente ng Covid-19 ang gumamit ng address ng Marikina o ang ospital na pinagdalhan ay nasa Marikina ngunit ang pasyente ay sa ibang bayan o lungsod nakatira. Sa validation/verification process lumalabas ang wastong address/tirahan ng pasyente,” ayon sa Marikina PIO.

Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…

Geplaatst door Marikina PIO op Vrijdag 17 april 2020

 

Mandaluyong

Nitong Abril 19, ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong ay umabot na sa 264, walang probable, 591 suspect, 33 ang gumaling at 24 ang namatay. Itinatala rin ng LGU ng lungsod ng mga PUI o suspect deaths na umabot na sa 29, mas marami ng 5 kaysa sa mga namatay na kumpirmadong positibo sa COVID-19.

Pinakamaraming kumiprmadong kaso ng COVID-19 sa Highway Hills, Mauway at Addition Hills.

UPDATE: Ang ating pong mga Probable Case at Suspect Case ay patuloy na nakatatanggap ng food assistance mula sa…

Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Zondag 19 april 2020

 

Pasig

 Sa huling ulat ng Pasig LGU noong Abril 14, mayroong 205 confirmed, 21 probable, 239 suspected, 45 na naka-rekober at 37 na nasawi sa COVID-19.

Sa mga barangay ng San Jose at San Nicolas na lang walang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19. Pinakamaraming kaso sa barangay Ugong na may 27 habang may tig-17 sa Manggahan, Pinagbuhatan at Rosario na mga kasunod na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Data based on cases reported with official results and verified to be Pasig City residents. (As of April 14,…

Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Dinsdag 14 april 2020

 

Makati

Nakapagtala ang Makati Health Department ng 260 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, habang 348 ang naitala ng DOH. Base sa rekord, nakapagtala rin ang MHD ng 27 taong nasawi, at 41 taong gumaling na mula sa naturang sakit.

Ngayong araw, April 19, 2020, nakapagtala ang Makati Health Department ng 260 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod….

Geplaatst door My Makati op Maandag 20 april 2020

 

Taguig

Sa kabuuan, simula January 27 hanggang April 19, mayroon nang 189 confirmed, 1,103 na suspect, 24 gumaling at 14 namatay sa COVID-19 sa Taguig. Natitirang apat na barangay ang walang kumpirmadong kaso sa buong syudad. Ito ay ang barangay ng Napindan, Katuparan, North Daang Hari at South Daang Hari.

?????? ???? ?????-?? ???? ???????????? ??, ????Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 3 na bagong CONFIRMED cases….

Geplaatst door I Love Taguig op Zondag 19 april 2020

 

Pateros

Sa huling ulat munisipalidad ng Pateros noong Abril 17, mayroon nang 16 kumpirmadong kaso, 3 ang gumaling at isa ang namatay. Ang unang kaso ng namatay ay naitala ngayong araw, dahil ngayong araw lang napaabot ng DOH ang resulta ng test ng namatay. Nasa 18 naman ang naitalang suspect na kaso at walang probable na kaso.

Nagtatala pa rin ng PUI at PUM ang munisipalidad, kung saan mayroong 90 na PUI at 100 na PUM.

Municipality of Pateros Official Covid-19 Updates as of 6:00pm April 17, 2020

Geplaatst door IsangPateros op Vrijdag 17 april 2020

 

Pasay

Mayroong 131 confirmed na kaso ng COVID-19 sa Pasay habang 15 ang probable, 35 ang suspect, 16 ang gumaling at 21 na ang namatay.

Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Zondag 19 april 2020

 

Parañaque

Sa huling ulat ng Parañaque LGU noong Abril 16, mayroon nang 347 confirmed na kaso ng COVID-19 sa lungsod, 414 probable at. 206 suspect. Umabot na sa 36 ang gumaling at 23 ang namatay.

PARAÑAQUE CITY COVID-19 UPDATE!AS OF APRIL 16, 2020, 5:00PM, THE NUMBER OF CONFIRMED CASES HERE IN PARAÑAQUE CITY IS…

Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Donderdag 16 april 2020

 

Las Piñas

Mayroong 109 kumpirmadong kaso, 6 probable, 41 suspect, 14 naka-rekober at 8 namatay sa Las Piñas. Isang barangay lang sa Las Piñas ang walang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

LAS PIÑAS COVID-19 UPDATE

Geplaatst door City of Las Piñas op Zaterdag 18 april 2020

 

Muntinlupa

Mayroong 117 kumpirmadong kaso, 133 probable, 55 suspect, 14 ang gumaling sa sakit at 17 ang nasawi sa Muntinlupa. Sa Barangay Ayala Alabang may pinakamaraming kumpirmado na 27 at pinakamaraming namatay na 7.

Breakdown of COVID-19 cases per Barangay as of April 19, 2020, 7:00 PM. Active Suspect:76(73 home quarantine, 3…

Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Zondag 19 april 2020

 

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here