Batay sa kinulumpon na ulat ng mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) pagdating ng Mayo 5, umabot na sa 5,500 ang positibo sa COVID-19 sa rehiyon. Ang naitala ng mga LGU sa NCR na gumaling ay 1,169 at 577 ang positibo sa COVID-19 na namatay.

Nananatiling ang LGU ng Navotas at Mandaluyong ang regular na nag-uulat ng mga suspect at probable na namatay. Sa Navotas, 15 ang positibo sa COVID-19 na namatay, pero 77 na probable cases na ang nasawi. Sa Mandaluyong, 36 ang namatay na positibo sa COVID-19 at 47 na suspect cases ang namatay.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), umabot na sa 9,684 ang positibong kaso ng COVID-19, 1,408 ang gumaling at 637 ang namatay sa buong bansa. Naitala ang 199 bagong kaso ngayong araw.

 

Maynila

Mas marami na ang kaso ng COVID-19 sa Tondo 1 (123) kaysa sa Sampaloc (116) na parehong isinailalim ng lokal na pamahalaan ni Mayor Francisco ‘Isko’ Domagosa sa ‘hard lockdown.’ Walang bagong naitalang namatay sa Maynila ngayong Mayo 5.

Barangay na pinakamaraming positibong kaso:

  1. Tondo 1 – 123
  2. Sampaloc – 116
  3. Cruz – 57
  4. Tondo 1 – 55

Distrito na pinakamaraming nasawi na nagpositibo sa COVID-19:

  1. Tondo 1 – 13
  2. Sampaloc – 13

COVID-19 MONITORING: Sa kasalukyan, 132 na ang naka-rekober sa coronavirus disease o COVID-19 matapos magtala ng Manila…

Geplaatst door Manila Public Information Office op Dinsdag 5 mei 2020

 

Quezon City

Umabot na sa 1,339 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Barangay na pinakamaraming positibong kaso:

  1. Batasan Hills – 57
  2. Culiat – 43
  3. Matandang Balara – 41

Barangay na pinakamaraming nasawi na nagpositibo sa COVID-19:

  1. Batasan Hills – 8
  2. Matandang Balara – 6
  3. Tandang Sora – 6

Geplaatst door Quezon City Government op Maandag 4 mei 2020

 

Caloocan

Umabot na sa 190 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Caloocan sa huling ulat nito noong Mayo 1.

Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Vrijdag 1 mei 2020

 

Valenzuela

Umabot na sa 121 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela ngayong Mayo 5. Ngayong lang ulit nagtala ng namatay sa sakit ang lungsod simula pa bandang Abril 19. May dalawang bagong naiulat na nasawi sa COVID-19 ngayong araw.

#COVID19 UPDATE: Valenzuela City Monitoring Report as of 8:00 pm, May 5, 2020.

Geplaatst door Valenzuela City op Dinsdag 5 mei 2020

 

Malabon

Ayon sa City Health Department ng Malabon, isa (1) ang nadagdag na positibong kaso ngayong araw, May 5. Sa kabuuan ay nasa animnapu’t apat (64) na ang kaso ng COVID-19 sa Malabon.

COVID-19 UPDATES: Ayon sa City Health Department, isa (1) ang nadagdag na positibong kaso ngayong araw, May 5. Sa…

Geplaatst door 100% Pusong Malabon op Dinsdag 5 mei 2020

 

Navotas

Umabot na sa 48 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas; 15 dito ang nasawi sa sakit. Samantala, naitala naman ng LGU ang 77 na probable na kaso ng COVID-19 na pumanaw na.

#????????? ??????As of 5 May 2020, 9PM??? = 201??????? = 288 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe, critical)…

Geplaatst door Navoteño AKO! op Dinsdag 5 mei 2020

 

San Juan

Umakyat ng 1 ang confirmed cases sa San Juan, na may kabuuang 253 kaso ng COVID-19. Pang-apat na araw na walang naitalang namatay sa COVID-19 sa syudad, ayon sa alkalde nitong si Mayor Francis Zamora.

Barangay na pinakamaraming positibong kaso:

  1. Greenhills – 49
  2. West Crame – 24
  3. Corazon de Jesus – 24

Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Dinsdag 5 mei 2020

 

Marikina

Mayroon nang 118 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina ngayong araw. Ang kabuuang pumanaw sa syudad ay umabot na sa 19. Pinakamaraming nasawi sa Brgy. Concepcion Uno na umabot sa sa lima.

 Barangay na pinakamaraming positibong kaso:

  1. Concepcion Uno – 18
  2. Marikina Heights – 14
  3. Concepcion Dos – 12

Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…

Geplaatst door Marikina PIO op Dinsdag 5 mei 2020

 

Mandaluyong  

Naitala ng Mandaluyong City Health Department ang 423 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad.

UPDATE: Ang pagtaas sa bilang ng New Cases ay resulta ng pinaigting nating MASS TESTING sa mga Suspect Case para…

Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Dinsdag 5 mei 2020

 

Pasig

Sa ulat ng Pasig LGU mula sa Department of Health, mayroon nang 357 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad.

Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Dinsdag 5 mei 2020

 

Makati

Ngayong araw, May 7, 2020, umabot na sa 460 confirmed cases ng COVID-19 sa Makati ayon sa DOH.

Ngayong araw, May 5, 2020, umabot na sa 403 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ang kabuuang bilang na naitala ng…

Geplaatst door My Makati op Dinsdag 5 mei 2020

 

Taguig

Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 3 na bagong confirmed cases. Ang mga ito ay mula sa Brgy. Ibayo, Fort Bonifacio at Ususan. Ang kabuuang numero ng confirmed cases sa Taguig ay 255.

TAGUIG CITY COVID-19 CASE UPDATESMay 5, 2020Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 3 na bagong CONFIRMED cases. Ito…

Geplaatst door I Love Taguig op Dinsdag 5 mei 2020

 

Pateros

May 22 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pateros sa huling ulat nito noong Mayo 1.

Isang Pateros Official Covid-19 Updates as of 6:00pm, May 1, 2020

Geplaatst door IsangPateros op Vrijdag 1 mei 2020

 

Pasay

Mayroong nang naitalang 223 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay sa ulat nito noong Mayo 4.

Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Maandag 4 mei 2020

 

Parañaque

Umabot na sa 502 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Parañaque sa ulat nito noong Mayo 4.

Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Dinsdag 5 mei 2020

 

Las Piñas

Mayroon nang 179 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad.

LAS PIÑAS COVID-19 UPDATE

Geplaatst door City of Las Piñas op Maandag 4 mei 2020

 

Muntinlupa

Nakapagtala na ng 164 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Muntinlupa pagsapit ng Mayo 5.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here