Nagprotesta ang Malanday Jeepney Operators and Drivers Association(Mal JODA-PISTON) sa tapat ng Valenzuela City Hall upang kundenahin ang sobra-sobrang panghuhuli at pangingikil umano ng mga traffic enforcer ng lungsod.
Ayon kay Steve Ranjo, Pangkalahatang Kalihim ng Piston National, pinapalala pa ang mga kasong isinasampa sa kanilang mga kasamahan.