[ultimate_spacer height=”10″]

Napabalita noong Enero 22, 2020 ang kanselasyon ng kasalukuyang US visa ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at sinabihan itong mag-apply na lang ulit. Kaugnay ito ng papel ni Dela Rosa sa madugong gera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan ang malapit na kaibigan at alyado nitong si Dela Rosa ang pinuno ng Philippine National Police na pangunahing nagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Kinabukasan, Enero 23, kinagalit ni Duterte ang balita at nagbanta na kanselahin ang VFA kung hindi ibabalik ang US visa ni Dela Rosa. Paliwanag ng tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo, ang desisyon ni Duterte ay bunga ng ‘serye ng walang paggalang na aksyon’ ng US sa Pilipinas, at pinakahuli ang pagkansela sa visa ni Dela Rosa.

Pinag-utos din ni Duterte noong Enero 30 ang travel ban ng mga o bawal magpunta sa US ang mga opisyal ng gabinete niya.

Pebrero 6, nagdaos ang Senado ng pagdinig hinggil sa mga kasunduan ng Pilipinas at US, partikular ang planong pagkansela ng VFA, kasunod ng pagsampa ng ilang senador ng resolusyon na pinaparekunsidera ang desisyon ni Duterte. Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. na nakahanda na ang notice of termination pero hindi pa ito ibinibigay sa US dahil sinabi ni Duterte na huwag munang ibigay.

Sa pagdinig, sinabi nina DILG Sec Eduardo Año, Security Adviser Hermogenes Esperon, DND Sec Delfin Lorenzana na mawawala ang bilyong dolyar na ayuda ng US sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at nang nawala raw ang base militar sa Pilipinas ay nahuli na sa kagamitan ang AFP at natuyo rin ang suplay, spare parts, atbp. at hindi pa rin nasasakatuparan ang AFP modernization dahil kulang sa pondo.

Sa isang ulat naman hinggil sa AFP modernization at napipintong kanselasyon ng VFA, sinabi sa isang pag-aaral na malaking bahagi ng pondo ng AFP ay napupunta sa bayad sa personnel at sa korapsyon. Ang modernisasyon ay umaasa sa donasyon ng dayuhan, bukod sa pagbili ng mga lumang (outdated) kagamitang pandepensa ng armed forces ng US at ibang bansa.

Kasunod ng pagdinig, inanunsyo ni Panelo na nag-utos si Duterte na ibigay na ang abiso, na sinalungat ni Lorenzana.

Pebrero 11 nang napabalitang naibigay na sa wakas sa US sa embahada nito sa Maynila ang abiso sa terminasyon ng VFA.

Napapabalita naman ngayon ang iba’t ibang aksyon at reaksyon sa hanay ng militar, gobyerno, mga dating opisyal gaya ng paghamon sa Korte Suprema sa pagkansela ni Duterte sa VFA na walang pag-ayuno ng Senado na nagratipika nito. Mayroon ding mga opisyal ng gobyerno na nag-iisip ng kapalit na kasunduan sa VFA na mas katanggap-tanggap kay Duterte at maaaring ang Status of Forces Agreement ng Pilipinas sa Japan o Status of Visiting Forces Agreement ng Pilipinas sa Australia ang naiisip na gawing padron.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

1. Ano ang VFA?

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

2. Ano ang mangyayari ngayong nagpadala na ng notice of termination ng VFA ang gobyerno ng Pilipinas sa US?

[ultimate_spacer height=”10″]

Mula Pebrero 11 na pagpapadala ng notice of termination, may 180 araw bago tuluyang makansela ang VFA (hanggang Agosto 10). Malalaman pa kung hindi babaliktarin ni Duterte ang desisyon bago matapos ang 180 araw.

Sinabi ng bagong hepe ng AFP na si Felimon Santos, na nakumpirma sa pwesto kasabay ng pagpadala ng notice of termination ng VFA sa US, maaapektuhan ang kalahati ng nasa 318 aktibidad ng VFA sa bansa sa taong 2020; 10 rito ay mga mayor na pagsasanay. Umaasa naman si Santos na matuloy pa rin ang isang mayor na pagsasanay sa Mayo, dahil hindi pa naman tapos ang 180 araw.

Maaari ring mapalitan ng ibang katulad na kasunduan ang VFA sa loob ng 180 araw. Gaya ng ginawa noon ng diktador na si Marcos na nagbantang isuspinde ang mga kasunduan sa US, ang kinalabasan ay mga dagdag o mas malaking konsesyon sa US na kung saan mas malaki rin ang pakinabang ni Marcos.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

3. Matagal nang nananawagan ang mamamayan na kanselahin ang VFA.

[ultimate_spacer height=”30″]

May limang petisyon na humamon sa ‘validity’ ng VFA sa Korte Suprema, kinonsolida ito bilang Bayan v. Zamora noong 2000, nagpapatungkol sa grupong Bagong Alyansang Makabayan at sa executive secretary noon na si Ronaldo Zamora.

Kinuwestyon ng mga nagpetisyon ang pagpasok ng US ng armas mukleyar sa bansa, ang exemption nito sa taripat at buwis, mga probisyong nagpapawalang-pananagutan sa mga sundalong ‘Kano ‘pag lumabag sa mga lokal na batas at ang kawalan ng referendum na mayorya ng bumotong populasyon na hinihingi ng Konstitusyon sa Seksyon 25, Artikulo XVIII.

Nagdesisyon ang korte na walang pag-abusong ginawa ang presidente sa pagpasok sa kasunduang ito at nasa kanya na mismo ang kapangyarihan na ma-ratipika ito, habang ang Kongreso ay limitado sa pagpayag o hindi pagpayag sa niratipikahan ng presidente na kasunduan. Hindi rin daw aplikable ang pinuntong probisyon sa konstitusyon dahil hinsi naman naka-base at bumibisita lang.

Sinabi rin ng Korte Suprema na ‘constitutional’ ang VFA noong 2009 sa kasong Nicolas v. Executive Secretary, at inutos ng korte na makipagnegosasyon ang DFA secretary sa kinatawan ng US para sa kasunduan sa detensyon ng mga sundalong ‘Kanong may kaso sa pasilidad na saklaw ng awtoridad sa Pilipinas.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

4. Mahalaga sa US ang pwestong militar nito sa Pilipinas.

[ultimate_spacer height=”10″]

Istratehiko ang pwesto ng Pilipinas sa paghamon ng US sa China sa dominasyon sa Timog-Silangang Asya, maging sa Asya Pasipiko.

Noong may base militar pa, nagamit na base ng US ang Pilipinas para sa operasyon nito sa rehiyon sa Cold War, sa Korean War, Vietnam war at iba pang labanang ginatungan o nilunsad nito para panghimasukan ang mga bansa sa Timog Silangang Asya.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

5. Ano ang koneksyon ng VFA sa iba pang kasunduang militar ng Pilipinas sa US?

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

6. Bakit sinasabing ‘di pantay ang kasunduang VFA?

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

7. Bakit sinasabing pagtapak ng soberanya ng Pilipinas ang VFA?

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

8. Nagpapatuloy na presensya at operasyong militar ng sundalong ‘Kano sa bansa, labas pa sa VFA

[ultimate_spacer height=”10″]

Nasa 250 sundalong ‘Kano ang nakamantine sa Mindanao matapos ang labanan sa Marawi noong 2017 para sa misyon ng US na pagpuksa sa IS sa rehiyong Asya Pasipiko.

 Taong 2002 pa nakamantine ang mga tropang ‘Kano sa Mindanao mula pa sa Operation Enduring Freedom-Philippines na nagsimula noong 2002 na natapos noong 2015, pero nagbalik muli bilang Operation Pacific Eagle noong 2017.

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″]

9. Mapipigilan ba ng presensya ng US ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea at iba pang teritoryo ng Pilipinas?

[ultimate_spacer height=”10″]

Kung tutuusin, walang kwenta at inutil ang VFA at mga tratado ng Pilipinas sa US sa sinasabi nitong “pagtitiyak ng seguridad at stabilidad” sa Asya-Pasipiko dahil nahayaan nga nito ang agresibong panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.

Ilang panahon ding nanindigan ang US na wala itong pinapanigan sa kung sino ang may karapatan o soberanya sa West Philippine Sea, kahit pa lumabas na ang desisyon ng UNCLOS.

Ilang taon din bago walang pasubaling nasabi ng US na papanig sila at tutulong sa Pilipinas kung magkakaroon ng armadong atake sa Pilipinas bilang obligasyon nila sa MDT. Pero salita pa lang din naman ito at walang namang kasunduan o termino kung paano ito mapapatupad sa realidad.

Masusubukan pa kung anong suporta o depensa ang magagawa ng US kaugnay ng commitment nito sa Pilipinas sa MDT kung magpatuloy ang agresibong panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

[ultimate_spacer height=”10″]
[ultimate_spacer height=”30″][ultimate_spacer height=”10″]

VFA man o iba pang susulpot na kasunduan, dapat na igiit ang pang-ekonomiya at teritoryal na soberanya ng bansa sa anumang kasunduang papasukin nito.

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here