Sino ba ang mga locally-stranded individuals o LSIs?

Karaniwang mga manggagawa, taga-probinsiya na inabutan ng lockdown at mga kababayan natin na nag-aapply ng trabaho sa ibang bansa na hindi na nakaalis.

Sila din ang mga may natitira pang maliit na pera at nakabili ng ticket ng eroplano o barko para lamang makauwi sa kani kanilang lugar.

Sa loob ng halos tatlong buwan ay halos 15 araw pa lang nagbukas ang mga lansangan upang sila ay makarating sa pier o airport. Ngunit dahil sa pabago-bagong patakaran ng oambansang pamahalaan pati na rin sa mga lokal na pamahalaan ay hindi sila nakakasakay at hindi nakakauwi.

Isa sa kanila si Mang Eleuterio na taga-Bacolod. Tatlong araw siyang naglakad mula sa Subic, Zambales makarating lamang sa North Pier sa Maynila noong isang araw pa, ngunit hindi rin siya nakasakay kahit na siya ay binilhan na ng ticket ng kanyang amo.

Sa loob ng dalawang araw ay inaabutan na siya ng ulan at init araw sa gate lamang ng pier, hindi rin nila alam kung bakit hindi sila pinapayagan makapasok sa terminal.

 

 

Malabo pa ang kanilang kalagayan. Sinabi nilang may anunsyo na tatagal pa ng dalawang linggo bago sila payagang makasakay.

Hindi rin nila maintindihan kung bakit sila ay hindi pwedeng makasakay kahit may ticket, health certificate at travel pass na pero nalalaman nilang ang mga Overseas Filipino Workers at mga tinatawag ng pulis na APOR o Authorized Persons Outside Residence ay pinapayagan makaalis.

 

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here