Nanguna ang sektor ng kababaihan, kabataan, at LGBTQ+ sa paggunita ng isang dekadang selebrasyon ng One Billion Rising na may temang “Rise for Freedom” noong Pebrero 11 sa Quezon Memorial Circle.

Umindak sa tugtugin ang mga lumahok kasabay ang pagpapanawagan taas ng sahod, pagwawakas ng kontrakwalisasyon, pakikipaglabanan sa abuso sa mga kababaihan sa hanay ng manggagawa, LGBTQ+ community, at iba pang sektor.

“Rise, Resist, Unite” ang sigaw ng mga kalahok sa pangunguna ng Gabriela Women’s Party bilang isa sa mga organisador programa. Tampok din sa programa ang pagtatanghal ng iba’t ibang mga artista, banda, at grupong pangkultura.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here