“We are not persuaded,” ito ang naging pahayag ng Court of Appeals (CA) sa inihaing Motion for Reconsideration (MR) ng Office of the Solicitor General (OSG) noong Setyembre 29, 2022 bilang apela sa naunang desisyon ng CA na ipawalang-bisa ang search warrant na ginamit upang arestuhin at sampahan ng illegal possession of firearms and explosives sina Alma Moran, Reina Mae Nasino, at Ram Carlo Bautista o mas kilala bilang Tondo 3.

“The CA reiterates the “apparent irregularities in the application and implementation of the Search Warrants” and stated that “the existence of probable cause [to justify the issuance of the Search Warrants] is doubtful.” saad ng Kapatid National Capital Region (NCR), 

Inilabas sa bisa ni dating Quezon City executive judge Cecilyn Burgos-Villavert ang nasabing mga depektibong warrant laban sa mga aktibista sa Metro Manila, Bacolod at Negros.

Ang mga pakanang ito ay buhat ng Executive No 70 o whole-of-nation approach na pamamayagpag ng dating administrasyong Duterte dahilan upang itayo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ang ELCAC ay nanguna sa nagpapatuloy na redtagging at terror-tagging sa mga progresibong organisasyon at aktibista. 

“This is another proof that the basis provided by the OSG are evidently dubious and erroneous. With this, we encourage Solicitor General Menardo Guevarra to put an end to the matter by not appealing further to the Supreme Court,” giit ng Kapatid NCR.

Dagdag pa, nauna nang ibinasura ng CA ang gawa-gawang kaso laban sa Tondo 3 noong Septyembre 2022. Makalipas ang tatlong buwan, pinayagan ng Manila Regional Trial Court Branch 47 ang kanilang petisyon na makalaya sa pamamagitan ng pagbabayad ng piyansa. 

Sa tulong ng mga pamilya, kaibigan at iba pang sumusuporta para sa pagpapalaya ng Tondo 3, nakalikom ng halagang P282,000 bilang pambayad sa Surety Bond. Dalawampung porsyento ito mula sa kabuuang P1.41 milyon na kanilang kinakailangang pampiyansa: P570,000 kay Bautista at P420,000 bawat isa para kina Moran at Nasino. 

Ilang araw bago ang kapaskuhan, pansamantalang nakalaya ang Tondo 3 matapos ang tatlong taon na pagkakakulong. 

“With this solid premise, we highly anticipate the acceleration of the dismissal of their case hence we also call to the Manila RTC Branch 47 to immediately drop the trumped-up charges against Tondo 3,” panghahamon ng Kapatid NCR.

Palayain ang mga unyonista ng HRD 7! 

Patuloy ang panawagan ng iba’t ibang progresibong grupo para sa pagpapalaya sa natitirang unyonista na sina Romina Astudillo, Mark Ryan Cruz, Jaymie Gregorio Jr., at Joel Demate.

Dalawang taon na ang lumipas matapos arestuhin ang Human Rights Day 7 noong Disyembre 2020. Ang nabanggit na mga unyonista ay kasalukuyan pa ring nakapiit sa bilangguan.

Samantala, matatandaang pinalaya na sina Lady Ann Salem, Rodrigo Esparago, at Dennise Velasco matapos ibasura ng korte ang kaso buhat ng maling pagpapatupad ng depektibong search warrant ng Philippine National Police at Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG).

Ang huling pagdinig sa kaso ng apat na unyonista ay ginanap noong Disyembre 6, 2022 sa Quezon City Hall of Justice at Manila City Regional Trial Court. Sinabayan ito ng kilos-protesta sa pangunguna ng kanilang mga pamilya, sektor ng kabataan, manggagawa at tagasuporta. 

Bitbit nila ang panawagan para sa pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal at agarang pagbabasura ng isinampang kaso sa mga unyonista ng HRD 7.. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here