Pagkundena sa patuloy na pagpatay

Hunyo 17, 2019, isang kilos-protesta ang isinagawa sa Camp Aguinaldo sa pangunguna ng grupong Karapatan hinggil sa pagpaslang sa dalawang human rights workers sa Sorsogon at isang lider pesante sa Bukidnon.

“Direkta naming inaakusahan ang AFP at si Pangulong Duterte bilang may pananagutan sa mga pagpaslang na ito. Una, ang 903rd brigade ng Armed forces of the Philippines sa Sorsogon ay ilang buwan nang nagmamanman sa doon po sa aming mga human rights defenders. Pangalawa, yung mga pronouncement at utos ni Pangulong Duterte noong 2017 na pugutan ang ulo ng mga Human Rights advocate, lalo na sa Karapatan. Mapanganib ang mga salitang ito lalo na tingin namin nangyari na ang aming kinakatakutan na magkaroon ito ng aktwal na epekto sa mga Human Rights workers”, pahayag ni Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan

Photo by Akira Liwanag

Ayon sa grupo, Hunyo 15, 8:20 am ng umaga nang baralin sina Ryan Hubilla, 22 at si Nelly Bagasala, 69, kapwang staff sa Karapatan-Sorsogon. Nangyari ang pagpasalang sa Phase 2, Seabreeze Subdivison, Brgy. Cabid-an, Sorsogon, City, Sorsogon habang nakasakay sa tricyle. Kukunin sana ni Ryan ang kanyang cellphone na naiwan sa ginamit nilang van para mag-assist sa tatlong lumaya na bilanggong pulitikal noong Biyernes. Sa inisyal na report ng Karapatan-Sorsogon marami na silang naitala na nagmamanman sa kanilang mga miyembro na mula sa military intelligence sa ilalim ng 903rd Brigade ng AFP na nakabase sa Sorsosgon.

Hunyo 16, 2019 nang paslangin din si Nonoy Palma, isang lider pesante na miyembro ng KASAMA- Bukidnon na isang lokal na organisasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, sa Sitio Malabago, Brgy. Halapitan, Bukidnon. Ayon sa report mula sa KMP– Northern Mindanao, tatlong lalaking nakasakay sa motorsiklo ang bumaril kay Palma.

Dagdag pa ni Palabay, “Mayroong dahilan na ang pumatay kina Hubilla, Bagsala at Palma ay mula sa death squad ni Duterte na nasa AFP. Pinatay sila dahil ipinagtatanggol nila ang karapatang pantao na naglalantad sa kasalukuyang gobyerno.”

Nanawagan din ang grupo sa Commision of Human rights at iba pang kapwa human rights workers na magsagawa ng sariling imbestigasyon at sumama sa paghingi ng hustisya at panagutin ang may sala.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here