Nagpaalala ang mga lokal na pamahalaan sa loob ng National Capital Region (NCR) o Metro Manila, na may 16 syudad at isang munisipalidad, sa curfew sa panahon nang muling pagpapaloob sa rehiyon sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Abril 4-18.

Lahat ng syudad sa Metro Manila ay may curfew na 8pm hanggang 5am, bukod sa Quezon City at Pasay na 10pm to 5am ang curfew.

Marami sa hinuli sa panahon nang magsimulang magpataw ng lockdown noong Marso 15 ay dahilan sa paglabag sa curfew – kung saan may tinuturing na 24-oras na curfew o 100% stay at home sa mamamayan sa panahon ng lockdown, laluna sa ilalim ng enhanced community quarantine o ECQ. Magkakaiba naman ang naging haba ng curfew o parusa sa paglabas sa bahay na walang quarantine pass (itinuturing ding paglabag sa 24-oras na curfew).

Sa tala ng Philippine National Police mula Marso 17 hanggang Hulyo 17, umabot na sa 231,000 ang nahuli sa paglabag sa curfew. Naging kontrobersyal din ang ilang parusa sa lumabag sa curfew gaya ng pagkulong sa kulungan ng aso sa Laguna, pagdadala sa mga nahuli sa sementeryo sa Cavite, pamamalo sa Quiapo, pambubugbog sa manininda ng isda sa Quezon City, at pagbibilad sa araw sa mga nahuli sa Parañaque–ilan lamang sa mga halimbawang kalabisan sa panghuhuli dahil sa umano sa paglabag sa curfew.

Dati nang minungkahi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) at Department of Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng pare-parehong curfew at parusa sa mga tinuturing na paglabag sa lockdown.

Bukod sa curfew, isang tao lamang kada pamilya ang pinapayagang lumbas para bumili ng pagkain at mag-ayos na iba pang esensyal na pangangailangan sa labas ng oras ng curfew.

 

Maynila – 8pm hanggang 5am

Ang lungsod ng Maynila ay mayroon nang nakatakdang curfew depende sa ipinataw na quarantine ng IATF alinsunod sa City Ordinance no. 8658 na nilagdaan ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

  • Enhanced Community Quarantine (ECQ): 8:00 pm to 5:00 am
  • Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ): 8:00 pm to 5:00 am
  • General Community Quarantine (GCQ): 10 pm to 5:00 am

MAHALAGANG PAALALA: Mahigpit na ipinapatupad ang curfew hours simula 8:00 pm hanggang 5:00 am sa gitna ng Modified…

Geplaatst door Manila Public Information Office op Woensdag 5 augustus 2020

 

Quezon City – 10pm to 5am

Tinawag na public safety hours ang pagbabawal sa paglabas sa bahay sa mga residente ng Quezon City mula 10pm hanggang 5am.

Batay sa Memorandum na inilabas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, pinapayagan ang 24 oras na operasyon ng mga esensyal na aktibidad gaya ng food takeout at delivery, botika, ospital, palengke at convenience store.

Maaari namang humingi ng mas mahigpit na curfew ang mga barangay sa pamahalaang lungsod.

 

Caloocan – 8pm hanggang 5am

Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan ang Ordinance No. 0889, Series of 2020 na binibigyang awtoridad ang alkalde ng lungsod na palitan ang oras ng curfew pana-panahon at batay sa pangangailangan at para makaayon sa inuutos ng IATF.

Hindi naman kasama sa pinapatawan ng curfew ang trucking, logistics, courier at delivery ng food at non-food products.

Ipinasa rin ng Caloocan ang Ordinance No. 0887 na nagsasaad ng mga multa at parusa sa paglabag sa curfew. Kapag nahuling nasa labas ng bahay ang mga ‘di awtorisadong indibidwal, ang multa o parusa ay:

  • P1,000 o tatlong araw na pagkakakulong
  • P3,000 o limang araw na pagkakakulong
  • P5,000 o pitong araw na pagkakakulong, o depende sa utos ng korte

Kapag menor de edad o mas bata sa 18 taong gulang ang nahuli, ipapataw ang parusa sa magulang o tagapag-alaga nito.

 

Malabon – 8pm hanggang 5am

Ngayong MECQ, ipatutupad muli ang Curfew. Ito ay simula ngayong gabi kaya hinihikayat natin ang lahat na sumunod….

Geplaatst door Lenlen Oreta op Dinsdag 4 augustus 2020

 

Navotas – 8pm hanggang 5am

May 24-hour curfew sa mga menor de edad at 8pm hanggang 5am naman sa mga nasa edad na.

Geplaatst door Toby Tiangco op Maandag 3 augustus 2020

 

Valenzuela – 8pm hanggang 5am

Reminder!

Geplaatst door REX Gatchalian op Dinsdag 4 augustus 2020

 

Mandaluyong – 8pm hanggang 5am

Isinailalim ang lahat ng barangay sa lungsod ng Mandaluyong sa isang special concern lockdown sa layon na ipatupad ang curfew mula 8:00pm hanggang 5:00am mula Agosto 4-18 o maaaring palawigin pa.

MAHALAGANG PABATID

Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Maandag 3 augustus 2020

 

San Juan – 8pm hanggang 5am

Ang curfew ay epektibo sa panahon na nakapataw ang MECQ.

Simula po bukas, August 4, 2020 hanggang August 18, 2020 o sa kasagsagan ng MECQ ay mahigpit pong ipapatupad ang city-wide curfew sa San Juan mula 8pm hanggang 5am. Maraming salamat po.

Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Maandag 3 augustus 2020

 

Pasig – 8pm hanggang 5am

Inilabas ng lokal na pamahalaan ang Sangguniang Panlungsod Ordinance No. 34, s. 2020 noong Agosto 5 na nagsasaad ng pagbabalik sa curfew na 8pm hanggang 5am sa panahon ng MECQ sa NCR.

Please be informed that during the MECQ, we will be reverting the curfew hours back to 08:00 p.m. to 05:00 a.m. This is…

Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Woensdag 5 augustus 2020

 

Taguig – 8pm hanggang 5am

Geplaatst door I Love Taguig op Maandag 3 augustus 2020

 

Pateros – 8pm hanggang 5am

Pinirmahan ni Pateros Mayor Ike Ponce ang Executive Order No. 18 na nagbibigay ng window hours para sa mga may hawak ng quarantine pass mula 5am hanggang 8pm.

Geplaatst door IsangPateros op Donderdag 6 augustus 2020

 

Makati – 8pm hanggang 5am

Geplaatst door My Makati op Woensdag 5 augustus 2020

 

Pasay – 10pm hanggang 5am

PANAWAGAN NG PASAY LGU SA MGA MAMAMAYAN KAUGNAY NG PAGBALIK MECQ SA NCR NITONG AUGUST 4-18, 2020Kaugnay ng anunsyo ni…

Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Maandag 3 augustus 2020

 

Parañaque – 8pm hanggang 5am

Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Maandag 3 augustus 2020

 

Las Piñas – 8pm hanggang 5am

Geplaatst door City of Las Piñas op Woensdag 5 augustus 2020

 

Muntinlupa – 8pm hanggang 5am

Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Donderdag 6 augustus 2020

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here