Ilang oras bago ang pagbaba ng hatol sa Ampatuan masaker, nagtipon ang mga mamamahayag at kaanak ng biktima ng masaker sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines.

Nagtirik sila sa kandila sa Roces Park sa Quezon City at sumigaw ng hustisya at nananawan ng ‘Convict Ampatuan!’

Dumalo rin ang ilan pang mga organisasyon ng mamamahayag gaya ng Photojournalist Center of the Philippines, International Association of Women in Radio and Television, Altermidya Peoples Alternative Media Network, LODI at iba pa.

Ipinahayag ni Propesor Danilo Arao kung bakit makatarungan na makilahok ang mga alagad ng midya sa paghingi ng hustisya sa Ampatuan.
“Ang ating panawagan to convict the Ampatuan, hindi po ito unethical kabaliktaran nga po eh, in the absence of justice it is the journalists responsibility to fight for it and in the absence of justice, it is our collective endeavor to make sure that our responsible reporting will result in the proper shaping of public opinion. Conviction ang ating pinapanawagan at ang ating inaasahan hindi dahil tayo ay subhetibo kundi dahil nakikita natin na ito ang katotohanan. Ito ang tunay na hustisya na makakamtan natin.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang isa sa mga kaanak ng mga nasawi sa Ampatuan masaker na si Grace Morales sa mga nakiisa sa kanila sa paghahanap nila ng hustisya.

“Hindi po madali sa amin ang laban na ito kasi ang dami dami po naming pinagdaanan, ang daming nangyari sa bawat isa sa amin pero isang bagay po ang nakagaan ng loob namin ay nakasama namin kayo sa loob ng sampung taon para makamit hustisyang hinahangad namin,” pahayag ni Morales.

Disyembre 19, 2019 sa ika-9 ng umaga inaasahang ibababa ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ang hatol sa malagim na masaker noong Nobyembre 23, 2009 kung saan 58 ang nasawi at 32 dito ang mga alagad ng midya.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here