Muling nanawagan ng Balik-Pasada ang grupo ng mga tsuper at operator ng jeepney na PISTON ngayong Agosto 24.

“Sukdulan na ang galit ng mga drayber. Limang buwan na nila kaming tinanggalan ng hanap-buhay at limang buwan na rin nilang ginugutom ang aming mga pamilya. Ang nais yata talaga ng gobyernong ito ay unahin na kaming patayin sa gutom upang wala nang tumutol pa sa pakana nilang jeepney phaseout,” ani Steve Ranjo, pambansang kalihim ng PISTON.

Matapos ang huling dagdag ruta na pinayagan ng LTFRB ngayong araw, umaabot pa lang sa 139 na ruta (24%) at 13,776 na yunit ng jeepney (19%) ang pinayagang pumasada. Sa tala ng PISTON, mula mismo sa datos na inilabas noon ng LTFRB, mayroong 579 na ruta kung saan pumapasada ang humigit-kumulang 74,000 na mga jeepney sa Metro Manila pa lamang. Nasa 150,000 ang bilang ng mga drayber at 50,000 naman na mga opereytor.

“Hanggang ngayon ay di nila kinikilala ang aming mga prangkisa. Hanggang ngayon ay daan-daang ruta pa rin ang ayaw nilang buksan. Hanggang ngayon ay libo-libong pamilya ng mga drayber ang hinahayaan nilang mamatay nang dilat ang mga mata!” giit ni Ranjo.

Pinanawagan ng PISTON ang 100% balik-pasada.

Umaga ng Agosto 24, inanunsyo naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-operate ng karagdagang 1,333 Traditional Public Utility Jeepneys (PUJ) sa 23 ruta sa Metro Manila simula sa Agosto 26, Miyerkules.

Base sa Memorandum Circular 2020-040, maaaring bumiyahe ang mga traditional PUJs sa mga rutang nakasaad sa MC nang walang special permit. Kapalit ng special permit ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada.

Ang dagdag na 23 ruta na pinayagang pumasada ay ang:

T132 Napocor Village/NIA Ville – SM North EDSA
T133 NAPOCOR/NIA Ville – Mindanao Ave. Congressional
T134 Bagbaguin – Malinta
T234 Katipunan – Marcos Ave./University Ave. via UP
T369 Libertad – PRC
T370 Santol – Pina Ave. via Buenos Aires
T371 Blumentritt – Divisoria
T372 Blumentritt – Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto
T373 Libertad – Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto
T374 España – Rizal Ave. via Blumenttrit
T375 Blumentritt – Retiro
T376 Arroceros – Blumentritt via Dimasalang
T377 Ayala – P. Burgos/J.P. Rizal
T378 Baclaran – Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz
T379 Baclaran – Blumentritt via Quiapo/Mabini
T380 Dapitan – Pier South
T381 Divisoria – Libertad via L. Guinto
T382 Divisoria – Libertad via Mabini
T383 Divisoria – TM Kalaw via Jones Bridge
T384 España – Project 2&3 via Timog Ave.
T385 Project 4 – TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez
T386 Pier South – Retiro via Sta. Cruz
T405 Multinational Village – Gate along Imelda Ave.

Kasama sa pagpayag na magbalik-pasada ang mga tinatawag ng ahensya na ‘traditional jeepney’ ang pagsunod ng mga ito sa mga health protocols tulad ng pagsuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang pag-operate ng 50% maximum passenger capacity ng sasakyan. Mahigpit ding ipapatupad ang social distancing at ang ‘no face mask, no face shield, no ride’ sa mga pampublikong sasakyan.

BILANG NG MGA TRADITIONAL PUJs SA METRO MANILA, MADARAGDAGAN NG 1,333 SIMULA 26 AGOSTO 2020Inaprubahan ng Land…

Geplaatst door Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB op Zondag 23 augustus 2020

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here