Busina para sa balik-pasada at no to jeepney phaseout ang panawagan ng mga tsuper ng dyip sa pamumuno ng grupong PISTON sa unang araw ng General Community Quarantine (GCQ) sa Kamaynilaan ngayong Hunyo 1. Hindi pa rin pinayagan ng gobyerno na pumasada ang mga dyip. Nagtipon sila sa kanilang mga paradahan.

“Maawa naman at magkaroon sana ng konsensya gobyerno sa daan daang libong jeepney drivers at maliliit na operators na lagpas dalawang buwan na walang hanapbuhay at wala din natanggap na social amelioation subsidy mula sa gobyerno,” anang PISTON.

Dapat din daw maawa ang gobyerno sa mga mananakay na manggagawa na karamiha’y minimum wage lang ang kita at walang kakayahang mag-taxi o Grab.

“Sila ang mayorya nang mananakay na walang sariling sasakyan na araw araw ay nagtitiyaga na lang maglakad, mag-hitch sa private vehicles o magbiskleta sa gitna ng matinding init ng araw,” sabi ng PISTON.

Nauna nang kinundena ng PISTON ang anunsyo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na hindi pa papayagang bumiyahe ang mga jeepney kapag inilagay na sa general community quarantine o GCQ.

Sinabi nilang hindi ito makamahihirap at parehong maghihirap ang manggagawa na walang masasakyan at ang mga tsuper ng dyip at iba pang maliliit na operator ng mga pampublikong sasakyan na wala pa ring kita at kabuhayan lampas pa sa 77 araw ng lockdown.

Mga jeepyney driver sa rutang Sucat-Baclaran. Larawan mula sa PISTON.
Mga jeepney driver sa UP-Philcoa at UP-Pantranco
Jeepney driver sa Taguig. Larawan mula sa PISTON.
Mga jeepney driver sa Tondo, Maynila
Mga jeepney driver sa Philcoa
Mga jeepney driver sa rutang UP-Katipunan. Larawan mula sa PISTON.

 

Jeepney phaseout

Pinabulaanan din ng PISTON ang sinabi umano ng IATF, Department of Interior and Local Government, Department of Transportation, Land Transport Franchising and Regulatory Board at Metro Manila Development Authority na kaya ayaw nila payagan pumasada ang mga orihinal at tradisyunal na jeepneys ay dahil dahil daw hindi ligtas sa COVID-19 dahil daw magkakaharap ang mga pasahero at kesyo luma na raw ang mga ito.

Anila, tumugon ang mga public utility vehicle drivers at operators sa panawagan ng gobyerno ng physical distancing sa jeepneys sa pamamagitan ng 50 per cent reduction sa pasahero.

Tutol pa ng grupo, ang mga “pekeng modern jeep na mini bus yung class 3 lang naman ang front facing yung class 1 at class 2 ay puro side-facing din.”

“Hanggang ngayon ay di pa rin sinasagot ng gobyerno ang aming inquiry kung safe nga ba ang mga pasahero mula sa Covid19 sa mga sasakyang kulob at airconditioned dahil magpapaikot ikot lang ang virus sa loob ng kulob at aircon na sasakyan kagaya ng PNR, MRT, LRT, BUS, UV Express, taxi, TNVS at pekeng modern jeep na mini bus kapag may isang pasaherong positibo sa COVID-19,” sabi ng PISTON.

Ayon din kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, tila nagagamit ang coronavirus pandemic upang ma-phase out ang mga pampasaherong jeepney. Patunay rito ang pagbabawal na makabiyahe ang mga jeepney sa ilalim ng GCQ.

 

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here