Silipin ang ilang eksena sa loob ng isang sikat na pasyalan o mall sa bayan ng San Jose Del Monte sa Bulacan.

Walang ingay ng bata at mga bungangang nakikipagtalastasan. Wala nang masasayang mga batang tumatakbo dahil bawal silang lumabas sa  panahon ngayon. Kailan kaya muling masisilayan ng mga bata ang dati nilang kasiyahan kapag pumupunta sa ganitong pasyalan.

Pati ang mga magkarelasyon na magkahawak kamay ay wala na rin dahil sa social distancing protocol na kailangan sundin ng buong bayan.

Tahimik na tahimik ang buong paligid, pinipili na lamang ng mga tao na ‘wag magsalita nang masyado.

Ang bawat tao ay patuloy lang sa paglalakad at animo’y parang mga walang alam sa mundong ginagalawan.

 

Bihira na rin ang kainan na dinudumog ng mga pamilyang gutom dahil sa pamamasyal.

Ngunit ang makikita mo nalang ay ang mga taong namimili at may dala-dalang mga plastic bag ng mga pinamili sa grocery.

Kailan kaya ulit masisilayan ang mga ganito? Hindi tiyak hangga’t hindi tiyak ang pagresolba sa pandemya.

Muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine o lockdown/100% stay at home ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula Agosto 4 hanggang 18.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here