Noong Abril 11, naglabas ang Department of Health (DOH) ng bagong pagkakategorya sa mga indibidwal na maaaring magkaroon ng sakit na COVID-19.

Geplaatst door Department of Health (Philippines) op Vrijdag 10 april 2020

 

Sa bagong klasipikasyon, tatawagin ang mga indibidwal na:

  1. SUSPECT
  • May lagnat na nasa 38C pataas at sakit ng lalamunan/ubo ang isang naglakbay sa isang lugar na ulat na lokal na transmisyon ng COVID-19 o may close contact sa isang PROBABLE o CONFIRMED na pasyente sa loob ng 14 araw bago nagsimula ang sintomas
  • May ubo, lagnat o hirap sa paghinga ang isang edad 60 pataas, maselan ang pagbubuntis, may iba pang karamdaman o health worker
  • Nagkaroon ng biglaang karamdaman sa baga na may malubhang sintomas na hindi matukoy ang kadahilanan at kinakailangang ma-ospital
  1. PROBABLE
  • Isang SUSPECT na pasyente na hindi tiyak/tukoy ang resulta ng test
  • Ginawa ang test sa isang hindi opisyal na laboratoryo na gumagawa ng RT-PCR test
  1. CONFIRMED – ang resulta sa RT-PCR test ay positibo sa COVID-19

Ang dating klasipikasyon ay ang Confirmed o Positibong kaso ng COVID-19, Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM).

Ang PUI ay ang mga may kasaysayan sa pagbyahe sa mga lugar na may pagkalat ng COVID-19 o nagkaroon ng kontak sa isang kumpirmadong may COVID-19 at may sintomas na lagnat, ubo at/o sipon.

Ang PUM ay mga walang sintomas pero nakapagbyahe sa isang lugar na may lokal na transmisyon ng COVID-19 o nagkaroon ng kontak sa isang taong kumpirmadong may COVID-19.

Kung ihahambing sa dating klasipikasyon, maaari ring maunawaan ang SUSPECT bilang mga PUI na may banayad o malalang sintomas na wala pang test o hindi pa natetest. Samantala, ang PROBABLE naman ay PUI na hindi pa tiyak/tukoy ang resulta ng test pero na-test na.

Wala na ang PUM sa bagong klasipikasyong ito. Dati ang PUM ang mga nagkaroon ng contact sa mga PUI o positibong kaso ng COVID-19 na maaaring hindi pa nakararanas ng anumang sintomas ng sakit.

Bababa naman ang bilang ng mga minomonitor kapag tinanggal sa binabantayang bilang ang PUM.

Isang halimbawa ang ulat ng Pasay LGU noong Abril 12 na nagtala ng 71 kumpirmadong kaso, 12 gumaling, 9 namatay, 44 PUI at 323 PUM. Sa ulat ng Pasay LGU para sa Abril 13 kung saan nilapat na ang bagong klasipikasyong nilabas ng DOH, mayroon itong 79 kumpirmadong kaso, 13 gumaling, 10 namatay, 43 suspect at 11 probable. Kung ihahambing sa dating klasipikasyon, nadagdagan ng 10 ang PUI at hindi na inulat o binilang ang 323 PUM nito isang araw lang ang lumipas.

 

 

Marso 20 pa naglabas ng gabay ang World Health Organization (WHO) ng gabay para sa mga bansa para sa pangmundong pagmamatyag sa COVID-19.

Magkapareho sa depinisyon sa nilabas ng gabay ng WHO at DOH sa depinisyon ng SUSPECT. Sa PROBABLE naman, nakasaad sa WHO na

Ang PUM naman na nawala sa klasipikasyon ng DOH ay malapit sa kinategorya ng WHO na CONTACT.

Ang CONTACT ayon sa WHO ay mga indibidwal na nagkaroon ng kontak sa isang PROBABLE or CONFIRMED na kaso.

Walang CONTACT sa nilabas na bagong klasipikasyon ng DOH.

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here