Pagbubukas ng mga paaralan at pagtaas ng sahod sa hanay ng kaguruan ang tampok na panawagan ng mga gurong nagprotesta at nakiisa sa People’s State of the Nation Address (SONA) bilang gunitain ang unang SONA ng bagong administrasyon ni Marcos Jr.

“Bagamat nagtaas ang aming sahod sa halagang P16 pesos kada araw, hindi pa rin ito sasapat. Parang pambili lang ng itlog,” ani G. Montano D. Pinlac mula sa St. Gabriel Elementary School na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist.

Dagdag pa ni G. Pinlac, maraming nang kakulangan ang gobyerno sa edukasyon bago pa man ang pandemya. 

Samantala, kasagsagan ng pandemya, ang mga kaguruan ang umaako sa T-shirt (uniform),  wala o kulang na suportang pang-internet allowance, kasabay ang 77 araw na pagtatrabaho noong bakasyon na hindi pa rin naibibigay ang bayad ng gobyerno ang hinaing ng mga guro tulad ni G. Pinlac.

“Ang sahod ng Grade 3 level teacher ay P23,000. Maraming kaltas pa roon at 67% (P15,410) lang naiuuwi ng teacher. Kung magloload pa ang teacher nasa P5,000 na lang. Eh saan pa aabot ang P5,000? Ang epekto ng mababang sahod ay makakapangutang ka,” wika ni Mr. Pinlac.

Sa kabilang banda, naglabas ng sampung puntong hakbang ang ACT Partylist upang matiyak ang pagbabalik-paaralan, pagtaas ng sahod at pagtiyak sa maayos na kalagayan ng mga guro at manggagawa sa edukasyon hinggil sa usapin ng benepisyo at ayuda.

1. Doblehin ang badyet sa edukasyon upang matupad ang pamantayan ng United Nation sa paglalaan ng badyet sa edukasyon na katumbas ng anim na porsyento ng kabuuang produkto ng bansa;

2.Ipatupad ang mga kinakailangan para sa pagbabalik-paaralan sa 100% ng mga paaralan sa buong bansa. Magdagdag ng sapat na bilang ng mga guro upang epektibong bawasan ang laki ng klase. Bumuo ng mga kinakailangang pasilidad at maglagay ng sapat na mga hakbang sa kalusugan;

3. Magsagawa ng mga pagtatasa ng mag-aaral sa buong bansa upang matukoy ang uri at lawak ng krisis sa pagkatuto, gayundin ang disenyo at pagpapatupad ng isang programa sa pagbawi sa edukasyon na nakabatay sa ebidensya;

4.Magbigay ng sapat at dekalidad na kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto tulad ng gadgets, textbooks, modules, internet allowance, atbp.

5. I-overhaul ang K-12 program. Ibalik ang Kasaysayan ng Pilipinas sa kurikulum ng mataas na paaralan, na may diin sa makatotohanang edukasyon sa Batas Militar upang kontrahin ang makasaysayang pagbaluktot. Ibalik ang Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa tertiary curriculum;

6. Iangat ang antas ng suweldo ng mga guro at education support personnel: Salary Grade 15 para sa Teacher I; Salary Grade 16 para sa Instructor I; at P16,000 buwanang suweldo para sa mga empleyado ng Salary Grade I;

7. Magdagdag ng sapat na bilang ng mga tauhan ng suporta sa edukasyon upang idiskarga ang mga guro ng mabibigat na tungkuling administratibo at bigyang-daan silang tumuon sa pagtuturo;

8. Pagbutihin ang mga benepisyo ng mga manggagawa sa edukasyon: bayaran ang 77 labis na araw ng trabaho ng mga guro sa pampublikong paaralan sa SY 2020-2021; bigyan ng 15 araw na sick leave para sa mga guro sa pampublikong paaralan; bigyan ng P3,000 inflation adjustment allowance para sa lahat ng empleyado ng gobyerno; ibaba ang opsyonal na edad ng pagreretiro ng mga manggagawa sa gobyerno hanggang 56 taong gulang; palawakin at pahusayin ang mga benepisyo para sa mga miyembro ng GSIS at SSS;

9.Pagtibayin ang Magna Carta para sa mga Guro ng Pribadong Paaralan;

10. Tiyakin ang pagtatamasa ng akademikong kalayaan ng lahat ng mga guro at institusyon, at ganap na mga karapatan ng unyon ng mga manggagawa sa edukasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here