Nilunsad ng College Editors Guild of the Philippines Metro Manila ang isang online na talakayan hinggil sa kalagayan ng mga manggagawang apektado ng pagsasara ng ABS-CBN.

Umere na ang huling programa kahapon ng TV Patrol sa mga panrehiyunal na istasyon nito, na lahat ay isasara na muna ng network matapos hindi ito bigyan ng prangkisa ng Kongreso sa pagboto nito noong Hulyo 10.

Ang mga naunang inabisuhan ng network na mawawalan ng trabaho ay hanggang Agosto 31 na lang.

Mayroon na ring mga inabisuhan na mawawalan ng trabaho sa Setyembre, o ang tinuturing na ‘second wave’ ng tanggalan sa network.

Hindi naman kampante ang mga naiiwang manggagawa kung sila ay mananatili pa sa network, lalupa’t wala nang free tv at radio ang network matapos i-deny ang prangkisa at sa Channel 2 nito nakukuha ang kalakhan ng kanyang kit amula sa advertisers nito.

Mayroon na ring mga boluntaryong nagpaloob sa ‘pay cuts’ para lamang matulungang makalampas ang kumpanya sa mapanghamong panahong ito at makapagpatuloy sa pagbabalita at pagbibigay-aliw.

Sa talakayan, nagbahagi ng kanyang sitwasyon si Percival Penoliar, 23 taong camera man ng ABS-CBN.

Para kay Penoliar, dobleng masakit ang pagsasara ng mga regional networks sapagkat matagal siyang naging bahagi ng ABS-CBN Davao at maaari pa ngang kasama sa natanggal kung hindi siya lumipat sa Maynila.

“Para sa mga uring manggagawa sa ABS-CBN gaya namin na hindi naman ganoon kataas ang pinag-aralan, mayroong thin line na nag-separate sa amin doon sa kahirapan at doon sa pag-asang makaahon sa buhay at ito iyong ABS-CBN. Tulad ko, paano ako makakahanap ng trabaho, kasi sa ABS kahit papaano nabubuhay kami sa sabihin natin mas mataas ng kaunti sa average, napapakain ang mga bata, in fact nakapag-aral sa maayos na eskuwelahan,” ani Penoliar.

Hindi mawari ni Penoliar kung papaano sila makakahanap ng trabaho sa panahon ng pandemya, gayundin ay kung mayroon bang makukuhang trabaho ngayon na na makasasapat ang sahod.

“Tapos babalik kami sa, alam niyo naman magkano ang minimum wage ngayon. Ngayong lalabas kami para maghanap ng trabaho, makakita man kami, siguradong hindi sasapat iyon. Ang hirap, araw-araw naming iniisip baka kami na iyong susunod,” ani Penoliar.

Ani Penoliar, habang may trabaho pa sila sa ABS-CBN ay ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho.

“Kung natatakot ba kami sa pagbabalita, hindi, iyon po yung masasabi ko,” pagtatapos ni Penoliar.

Panoorin ang talakayan dito.

NOW: Webinar of College Editors Guild of the Philippines – Metro Manila on the ABS-CBN shutdown in worker’s…

Geplaatst door Defend Jobs Philippines op Zaterdag 29 augustus 2020

Panoorin ang bidyo ng Tudla Productions na naging bahagi si Percival Penoliar.

Hindi Lang Numero (Not just a number)

Exactly one month after the members of the House of the Representatives Committee on Legislative Franchises denied the franchise application of ABS-CBN Corporation, the largest broadcast network in the country. Around 11, 000 workers will be laid off. Watch this short documentary entitled Hindi Lang Numero (Not just a number) that tackles how the shutdown of the network affect its workers and why this is a press freedom issue.You can also watch it at https://www.youtube.com/watch?v=TXVi0pvyzuM#DefendPressFreedom#IbalikAngABSCBN

Geplaatst door Tudla Productions op Maandag 10 augustus 2020
InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here