Batay sa kinulumpon na datos mula sa mga ulat ng mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila ngayong Abril 21, umabot nas a 4,054 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 989 ang probable, 4,184 ang suspect, 518 ang gumaling ay 430 ang namatay.
Sa datos naman ng Department of Health (DOH) ngayong araw, nasa 6,599 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 654 ang gumaling at 437 ang namatay.
Talaan ng kaso ng COVID-19 sa NCR


Sa mga LGU, ang nagtatala at nag-uulat na lang ng persons under monitoring (PUM) ay ang Malabon, Navotas at Makati. Ito ang malapit sa bagong klasipikasyon ng World Health Organization na ‘contact’ noong Marso 20. Hindi na isinama ng DOH ang ‘contact’ o ang PUM sa pagbabago nito ng klasipikasyon sa mga pasyente o indibidwal na mga kaso ng COVID-19 noong Abril 12.
Navotas at Mandaluyong lang ang mga LGU ang nag-uulat ng mga kaso ng namatay na probable at suspect cases ng COVID-19.
Maynila
Kasalukuyang 492 ang bilang ng mga residente ng Maynila nagpositibo sa COVID-19 matapos magtala ng Manila Health Department (MHD) ng 34 na karagdagang kaso. Ayon din sa MHD, 655 ang itinuturing na suspect at isa ang probable sa COVID-19. Samantala, 62 na ang nakarekober at 53 naman ang nasawi.
COVID-19 MONITORING: Kasalukuyan nang 492 ang bilang ng mga residenteng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19…
Geplaatst door Manila Public Information Office op Dinsdag 21 april 2020
Quezon City
Ayon sa DOH, 1067 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City. Ang kumpirmado ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) sa bilang na ito ay 728, habang 898 dito ay tukoy na rin ng DOH ang kumpletong address sa lungsod.
Geplaatst door Quezon City Government op Dinsdag 21 april 2020
Caloocan
Mayroong 148 confirmed na kaso ng COVID-19 sa Caloocan, habang 42 ang probable, 167 ang suspect, 19 ang gumaling at 22 na ang namatay.
Pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay 156 na may 13 at sa Barangay 176 na may 11. Pinakamaraming nasawi sa Barangay 178, kung saan tatlo na ang namatay mula sa COVID-19.
Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Dinsdag 21 april 2020
Valenzuela
Naitala na sa Valenzuela noong Abril 21 ang 80 kumpirmadong kaso ng COVID-19, walang probable, 202 na suspect, 7 na naka-rekober at 6 na namatay.
Isa ang nadagdag na kaso ng COVID-19 ngayong araw sa Valenzuela. Siya ay isang 32 anyon na frontliner.


Malabon
Hindi nagbago ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malabon mula Abril 17 hanggang 20. Sa ulat ng LGU noong Abril 20, nananatili ang bilang ng positibo sa 29. Ang naitalang probable ay 172, 7 ang suspect, 5 ang gumaling at 6 ang namatay. Itinatala pa rin ng Malabon LGU ang mga PUM na umabot na sa 116.
Navotas
Noong Abril 19, mayroon nang 25 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas, habang 74 ang probable, 82 ang suspect at 5 ang nakarekober. Itinala rin ng LGU ng Navotas ang 17 PUM.
Naka-home quarantine ang lahat ng suspect, 12 sa probable at 4 sa kumpirmadong kaso.
Mula Abril 19, indi nadagdagan ang kumpirmadong kaso at kumpirmado sa COVID-19 na namatay.
Lalo pang lumaki ang agwat na naitalang namatay na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa namatay na PUI nito. Anim ang namatay na positibo sa sakit, pero 34 na ang namatay na PUI
#????????? ??????As of 21 April 2020, 4PM??? = 17??????? = 82 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe,…
Geplaatst door Navoteño AKO! op Dinsdag 21 april 2020
San Juan
Umabot na sa 197 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan, walang probable, 279 na suspect, 40 ang gumaling sa sakit habang 34 ang namatay.
Pinakamaraming nagpositibo sa sakit sa Barangay Greenhills, na mayroon nang 40, kasunod ang Barangay West Crame na mayroon nang 19.
Pinakamarami rin sa syudad ang namatay sa Barangay Greenhills na umabot na sa walo.
Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Dinsdag 21 april 2020
Marikina
Mayroon nang 90 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina, 1 probable, 18 suspect, 13 gumaling at 18 ang namatay.
Abiso ng Marikina Public Information Offic ang impormasyong nakikita sa updates ay “VALIDATED at VERIFIED na ng Department of Health-Regional Epidemiology Surveillance Unit (DOH-RESU) at City Health Office – City Epidemiology and Surveillance Unit (CHO-CESU) upang matiyak ang kawastuhan ng datos.”
Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…
Geplaatst door Marikina PIO op Dinsdag 21 april 2020
Mandaluyong
Ang kumpirmadong kaso sa Mandaluyong ay umabot na sa 311, walang probable, 650 ang suspect, 36 ang gumaling at 27 ang namatay na positibo sa sakit. Mas marami pa rin ang suspect na namatay na suspect case na umabot na sa 33.
UPDATE: Ang ating pong mga Probable Case at Suspect Case ay patuloy na nakatatanggap ng food assistance mula sa…
Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Dinsdag 21 april 2020
Pasig
Mayroon nang 266 kumpirmadong kaso sa Pasig, 57 na ang gumaling habang 48 ang nasawi sa COVID-19. Mayroon ding 46 probable at 118 suspect cases.
Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Dinsdag 21 april 2020
Makati
Ngayong araw, nakapagtala ang Makati Health Department NHD) ng 269 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, habang 358 na sa bilang ng DOH. Naitala rin ng MHD ang 49 probable, 224 suspect, 55 gumaling at 28 taong nasawi sa naturang sakit. Itinatala rin ng MHD ang PUM na umabot naman sa 274.
Ngayong araw, April 21, 2020, nakapagtala ang Makati Health Department ng 269 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod….
Geplaatst door My Makati op Dinsdag 21 april 2020
Taguig
Naitala ng Taguig ngayong araw ang 197 kumpirmadong kaso ng COVID-19, walang probable, nasa 1,125 na suspect, 24 gumaling at 15 na namatay.
Ang tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa syudad ay mula sa Western Bicutan, Katuparan at Fort Bonifacio.
?????? ???? ?????-?? ???? ???????????? ??, ????Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 3 bagong CONFIRMED cases. Ito…
Geplaatst door I Love Taguig op Dinsdag 21 april 2020
Pateros
Sa ulat ng munisipalidad noong Abril 20, umabot na sa 20 ang confirmed, 0 ang probable, 30 ang suspect, 4 ang gumaling at 3 ang namatay.
ISANG PATEROS OFFICIAL COVID-19 UPDATESas of 6:30pm, April 20, 2020
Geplaatst door IsangPateros op Maandag 20 april 2020
Pasay
Mayroon nang 146 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay, habang 13 ang probable, 109 ang suspect, 22 ang gumaling at 18 ang namatay.
Apat ang bagogn confirmed cases ng syudad ngayong araw.
Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Dinsdag 21 april 2020
Las Piñas
Sa Las Piñas, mayroon nang 117 confirmed cases, 5 probable, 47 suspect, 14 recovered at 8 namatay.
Hindi nagbago ang bilang ng gumaling at namatay mula Abril 19.
Sa Barangay Ilaya na lang walang naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod, habang pinakamarami sa Barangay Talon Dos na may 18.
LAS PIÑAS COVID-19 UPDATE
Geplaatst door City of Las Piñas op Maandag 20 april 2020
Muntinlupa
Mayroong 126 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, habang 236 ang probable, 23 ang suspect, 14 ang gumaling at 17 ang namatay.
Sa mga na-test na o probable cases, 210 ang naka-home quarantine habang lahat ng suspect cases ay naka-home quarantine.
Breakdown of COVID-19 cases per Barangay as of April 21, 2020, 6:00 PM. Active Suspect:23(23 home quarantine, 0…
Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Dinsdag 21 april 2020




























