Sa kinulumpon na ulat ng mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR), umabot na sa 3,526 ang kumpirmadong kaso sa rehiyon, kung saan 427 ang gumaling habang 379 ang namatay.
Inulat naman ng Department of Health (DOH) ngayong araw ay may 5,878 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 487 ang gumaling habang 387 ang pumanaw.
Tumampok ang ilang usapin sa mga ulat ng mga LGU sa NCR:
- Ang unang kaso ng namatay sa Pateros ay naiulat ngayong araw.
- Nabawasan ng isa ang naitalang namatay sa Marikina nang mapag-alaman ng LGU na ang isang naitalang kaso ay residente ng Rizal.
- Dalawang syudad lang ang nagtatala at nag-uulat ng mga namatay nitong PUI o mga kasong probable o suspect: ang Navotas (29 probable, 6 kumpirmado) at ang Mandaluyong (29 suspect, 24 kumpirmado).
- Ang Malabon at Makati na lang ang patuloy na nagtatala at nag-uulat ng bilang ng contact o iyong dating PUM.
Hindi pa lahat ng LGU ay nakalipat na sa bagong klasipikasyon ng mga indibidwal na inilabas ng DOH kamakailan – mula PUI at PUM, tungong confirmed, probable at suspect. Hindi isinama ng DOH sa klasipikasyon ang contact, na bahagi ng klasipikasyong inilabas ng World Health Organization, kung kaya’t hindi na naitatala at naiuulat ang mga dating ibinibilang sa PUM.
Talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR mula sa mga ulat ng mga LGU (Abril 17)


Maynila
Ayon sa Manila Health Department, 412 ang kumpirmado, 459 ang maituturing na ‘probable’ habang 111 naman ang ‘suspect’ na mayroong COVID-19 sa lungsod. Samantala, 56 na ang nag-rekober habang 47 naman ang binawian ng buhay.
COVID-19 MONITORING: Umabot na sa 412 ang mga residente ng Lungsod ng Maynila positibo sa coronavirus disease o COVID-19…
Geplaatst door Manila Public Information Office op Vrijdag 17 april 2020
Quezon City
Ang naitalang kumpirmado sa COVID-19 sa syudad ay umabot na sa 1,016 habang 154 ang suspect, 83 gumaling sa sakit at 90 ang namatay.
Geplaatst door Quezon City Government op Vrijdag 17 april 2020
Caloocan
Sa huling ulat ng Caloocan LGU noong Abril 15, mayroong 88 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 77 PUI, 143 PUM, 16 gumaling at 21 namatay sa syudad ng Caloocan.
Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Woensdag 15 april 2020
Valenzuela
Ang dalawang bagong nagpositibo sa syudad ay dadalhin sa Balai Banyuhay, ang quarantine facility ng LGU.
Geplaatst door Valenzuela City op Vrijdag 17 april 2020
Navotas
Sa Navotas, mayroon nang 19 kumpirmadong kaso, 64 ang probable pero 29 dito ay namatay na, 60 ang suspect na naka-home quarantine at 6 na namatay.
Ang mga tinuturing na suspect ng syudad ng Navotas ang mga PUI (mild, severe, critical) na wala pang test o hindi pa-natetest na (1) may mga sintomas ng trangkaso, (2) naglakbay o nanirahan sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19 sa loob ng 14 araw bago magka-sintomas, (3) nagkaroon ng close contact sa isang PROBABLE o CONFIRMED kaso ng COVID-19 sa loob ng 14 araw bago magka-sintomas, (4) nagkaroon ng biglaang karamdaman sa baga sa hindi malamang kadahilanan at kinakailangang maospital and (5) may lagnat, ubo o hirap sa paghinga at senior citizen, buntis, health worker o may iba pang sakit.
?????-?? ??????As of 17 April 2020, 4PM??????? = 60 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe, critical) na wala…
Geplaatst door Navoteño AKO! op Vrijdag 17 april 2020
Malabon
Mayroong 29 kumpirmadong kaso, 101 suspect, 3 probable, 4 na gumaling at 6 na namatay sa lungsod ng Malabon.


San Juan
Mayroong 175 kumpirmadong kaso, 320 suspect, walang probable, 36 na gumaling at 31 na namatay sa lungsod ng San Juan.
Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Vrijdag 17 april 2020
Marikina
Noong Abril 17, mayroon nang 79 kumpirmadong kaso, 1 ang probable, 22 ang suspect, 11 ang gumaling at 17 ang namatay.
Mula sa ulat nito noong Abril 16, nabawasan ng isang case ang “death” at isang case sa “confirmed/positive” na galing sa Barangay Concepcion Dos ngayong araw dahil naberipika na kasong iyon na namatay ay residente ng lalawigan ng Rizal, habang ang naitalang isang confirmed case ay sa lalawigan ng Rizal umuwi matapos na siya ay gumaling, paliwanag ng Marikina Public Information Office (PIO).
Ipinaliwanag ng Marikina PIO kung bakit magkaiba ang datos ng DOH NCOV tracker sa updates ng LGU.
“Ang data sa DOH Covid-19 tracker ay raw data na kailangan pang i-validate/verify ng CHO-CESU. Marami sa pasyente ng Covid-19 ang gumamit ng address ng Marikina o ang ospital na pinagdalhan ay nasa Marikina ngunit ang pasyente ay sa ibang bayan o lungsod nakatira. Sa validation/verification process lumalabas ang wastong address/tirahan ng pasyente,” ayon sa Marikina PIO.
Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…
Geplaatst door Marikina PIO op Vrijdag 17 april 2020
Mandaluyong
Nitong Abril 17, ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong ay umabot na sa 262, walang probable, 571 suspect, 31 ang gumaling at 24 ang namatay. Itinatala rin ng LGU ng lungsod ng mga PUI o suspect deaths na umabot na sa 29, mas marami ng 5 kaysa sa mga namatay na kumpirmadong positibo sa COVID-19.
Pinakamaraming kumiprmadong kaso ng COVID-19 sa Highway Hills, Mauway at Addition Hills.
UPDATE: Ang ating pong mga Probable Case at Suspect Case ay patuloy na nakatatanggap ng food assistance mula sa…
Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Vrijdag 17 april 2020
Pasig
Sa huling ulat ng Pasig LGU noong Abril 14, mayroong 205 confirmed, 21 probable, 239 suspected, 45 na naka-rekober at 37 na nasawi sa COVID-19.
Sa mga barangay ng San Jose at San Nicolas na lang walang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19. Pinakamaraming kaso sa barangay Ugong na may 27 habang may tig-17 sa Manggahan, Pinagbuhatan at Rosario na mga kasunod na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Data based on cases reported with official results and verified to be Pasig City residents. (As of April 14,…
Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Dinsdag 14 april 2020
Makati
Nagtala noong Abril 15 ng 319 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang DOH sa syudad ng Makati, kung saan 204 ang nakumpirma at nasa ilalim na nang pangangalaga ng Makati Health Department.
Ginagamit pa rin ng Makati LGU ang lumang klasipikasyon ng mga indibidwal, kung saan ang naitala nila ay 506 persons under investigation (PUI), 395 persons under monitoring (PUM), 31 ang gumaling at 23 ang nasawi mula sa naturang sakit.
Ngayong araw, April 15, 2020, nakapagtala ang Makati Health Department ng 204 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod….
Geplaatst door My Makati op Woensdag 15 april 2020
Taguig
Mayroong 180 confirmed, 113 suspect, 22 gumaling at 13 namatay sa lungsod.
?????? ???? ?????-?? ???? ???????????? ??, ????Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 6 na bagong CONFIRMED cases….
Geplaatst door I Love Taguig op Vrijdag 17 april 2020
Pateros
Sa munisipalidad ng Pateros, mayroon nang 16 kumpirmadong kaso, 3 ang gumaling at isa ang namatay. Ang unang kaso ng namatay ay naitala ngayong araw, dahil ngayong araw lang napaabot ng DOH ang resulta ng test ng namatay. Nasa 18 naman ang naitalang suspect na kaso at walang probable na kaso.
Nagtatala pa rin ng PUI at PUM ang munisipalidad, kung saan mayroong 90 na PUI at 100 na PUM.
Municipality of Pateros Official Covid-19 Updates as of 6:00pm April 17, 2020
Geplaatst door IsangPateros op Vrijdag 17 april 2020
Pasay
Sa ulat ng Pasay LGU noong Abril 17, mayroong 109 confirmed, 21 probable, 35 suspect, 18 na naka-rekober at 11 na nasawi sa COVID-19.
Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Vrijdag 17 april 2020
Parañaque
Sa huling ulat ng Parañaque LGU noong Abril 16, mayroon nang 347 confirmed na kaso ng COVID-19 sa lungsod, 414 probable at. 206 suspect. Umabot na sa 36 ang gumaling at 23 ang namatay.
PARAÑAQUE CITY COVID-19 UPDATE!AS OF APRIL 16, 2020, 5:00PM, THE NUMBER OF CONFIRMED CASES HERE IN PARAÑAQUE CITY IS…
Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Donderdag 16 april 2020
Las Piñas
Sa ulat ng Las Piñas LGU noong Abril 17, mayroong 97 confirmed, 5 probable, 41 suspect, 13 na naka-rekober at 7 ang nasawi sa COVID-19.


Muntinlupa
Sa Muntinlupa, mayroong 115 kumpirmadong kaso, 102 probable, 102 suspect, 14 ang gumaling sa sakit at 17 ang nasawi.
Pinakamaraming nagpositibo sa COVID-19 ang naitala sa Barangay Ayala Alabang na may 30 kumpirmado.
Breakdown of COVID-19 cases per Barangay as of April 17, 2020, 7:00 PM. Active Suspect:102(93 home quarantine, 9…
Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Vrijdag 17 april 2020




























