Isa si Dr. Ronaldo Mateo sa mga frontliner na namatay habang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente ng COVID-19. Pumanaw siya noong Abril 5.

Si Dr. Mateo ay isang general surgeon sa Emilio Aguinaldo Medical Center-Cavite.

“A loving husband. A proud father. A responsible family man. A fighter. We salute you, Dr. Mateo!” ganito inilarawan ng EAC Medical Center Cavite si Dr. Mateo.

“Ang kanyang katapangan sa pagtupad ng kanyang tungkulin ay hindi malilimutan kailanman,” dagdag ni Barzaga sa kanyang post.

Sa isang Facebook post, binanggit ni Congressman Elpidio Barzaga na si Dr. Mateo ay isa sa mga pioneering doctors sa Pagamutan ng Dasmariñas at naging Head ng Surgery Department hanggang sa kanyang pagpanaw matapos makipaglaban sa COVID-19.

“Goodbye to a very loving and caring husband to his wife Happy and his 3 lovely daughters. A hardworking person, a God fearing man. Your love overflows to your family and friends. You are always ready and available to extend help,” sabi ng kanyang kaibigan na si Peter Paul Calderon sa isang post sa Facebook.

Kinilala rin ng Pamahalaang Lungsod ang kanyang kabayanihan at napagpasyahang ipangalan sa kanya ang Operating Room Complex ng Pagamutan ng Dasmariñas at tatawagin na itong “Dr. Ronald Mateo Operating Room Complex.”

Pinarangalan rin siya ng Philippine College of Surgeons.

“Dr. Onie dedicated his life to the practice of General Surgery, focusing on the needs of his townmates in Silang and Dasmariñas, Cavite. He shared his love and passion for life to his children, family, colleagues and friends. He will be remembered through the many lives he has touched.”

Ayon sa Department of Health, 22 na ang HCWs na namatay. Umaabot naman sa 766 na health care workers ang may COVID-19. Ito ay 13% ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay mga health care workers.

Sa ulat ng DOH ngayong Abril 17, mayroon nang 5,878 kaso ng COVID-19 na sa bansa samantalang 487 na ang gumaling at 387 na ang namatay.

Patuloy na nananawagan ang mga organisasyon ng mga HCWs para sa mga Personal Protective Equipment (PPE) at para sa mass testing upang makontrol na ang epidemya.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here