Si Elmer Cordero, 72 taong gulang, jeepney driver at kasapi ng PISTON ay isa sa anim na hinuli at dinetine matapos ang isinagawang busina para sa #BalikPasada ng mga tsuper sa may Monumento sa Caloocan noong Hunyo 2 dahil umano sa paglabag sa social distancing.

Elmer Cordero, 72, drayber at myembro ng PISTON na nakadetine mula Hunyo 2.

Hanggang ngayon, detinido pa rin sa holding area ng Lungsod ng Caloocan ang anim na drayber. Dalawang gabi na silang nagpalipas ng gabi sa holding area.

Isinagawa ang e-inquest para sa kanila 1:00 hanggang 3:00 ng hapon noong Hunyo 3. Hinihintay pa rin ang resolusyon ng piskal pero ‘di tiyak kailan ito lalabas. Walang malinaw na paliwanag kung anong kaso ang isinasampa sa kanila. Lampas 24 oras na silang nakadetine pero wala pa ring kasong naisampa laban sa kanila.

“Lehitimo ang karaingan ng mga drayber na makabalik pasada. Ipinatupad din nila ang social distancing at pagsuot ng mask noong isinagawa nila ang protesta. Malinaw na panggipit sa mga drayber ang ginagawa ng gobyernong Duterte,” sabi ni Mody Floranda, tagapangulo ng PISTON.

Nanawagan ang PISTON gamit ang social media sa mga kamag-anak ng mga inaresto at dinetineng drayber na makipag-ugnayan sa kanila sapagka’t hindi sila makontak dahil kinumpiska ng pulis ang cellphone ng mga drayber. Sila ay sina:

  1. Ruben Baylon
  2. Severino Ramos
  3. Arsenio Ymas
  4. Elmer Cordero
  5. Wilson Ramilla
  6. Ramon Paloma

Bukod sa panawagang #BalikPasada ay humihingi rin ng tulong ang grupo sa mga dumadaan, na isang naging pamamaraan na ng mga drayber para magkaroon man lang ng pantustos matapos higit dalawang buwan nang hindi nakakabiyahe at karamiha’y hindi nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa gobyerno.

“Mabilis na tumungo sa panghuhuli ang gobyerno, katulad ng bilis nito sa pagratsada sa pagpasa ng Anti-terror Bill na tiyak naming gagamitin sa mga drayber, manggagawa at mamamayan. Subalit wala namang tugon sa matagan nang karaingan ng bayan sa kabuhayan at kalusugan. “ dagdag ni Floranda.

Binatikos naman ang panghuhuli sa mga drayber samantalang hindi naman naparusahan o natanggal sa pwesto si NCRPO Chief Major General Debold Sinas na nagdaos ng birthday party na labag sa social distancing at mass gathering sa gitna ng ipinatutupad ng gobyerno na lockdown.

 

Patuloy na nananawagan ang grupo na palayain ang kanilang mga kasamahan at payagang mamasada ulit ng mga drayber ng jeepney. Nagpapapirma rin sila ng petisyon kaugnay nito.

Nanawagan naman sila ng suporta para sa pagpapalaya sa anim na drayber.

#FreePiston6 Fund Drive

Geplaatst door Piston: Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide op Woensdag 3 juni 2020

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here