Hindi bababa sa 459 suspects at probable sa COVID-19 na ang namatay sa 4 na syudad sa National Capital Region (NCR) habang 497 ang naitalang positibong kaso ang nasawi sa buong rehiyon pagsapit ng Abril 27.

Dalawang local government unit (LGU) sa NCR ang regular na naglalabas sa kanilang arawang ulat sa kanilang mga social media account ng mga kaso ng suspect at probable sa COVID-19 na namatay, bukod sa mga positibong kasong namatay.

Sa Navotas, siyam lang ang naitalang namatay sa COVID-19, pero naitala rin ng LGU ang 50 na probable sa COVID-19 na pumanaw na.

Sa Mandaluyong naman, 33 ang namatay sa COVID-19 pero 42 ang suspect sa COVID-19 na namatay.

Iniulat din sa midya ng Makati LGU na 59 na ang namatay sa COVID-19 related na sakit habang 27 ang namatay sa COVID-19 mula Marso 14 hanggang Abril 18. Sa ulat nito noong Abril 27, umabot na sa 35 ang namatay sa COVID-19.

Inulat naman ng Quezon City Office of the Civil Registrar na may 308 na namatay sa COVID-19 related na sakit habang 90 ang namatay na positibo sa COVID-19 mula Marso 13 habang Abril 17. Sa ulat ng Quezon City LGU noong Abril 27, umabot na sa 125 ang namatay sa COVID-19.

Samantala, sa ulat ng DOH ay 530 ang namatay sa COVID-19 sa buong bansa pagsapit ng Abril 28.

 

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here