Ngayong Marso 23, namahagi ang People’s Care, isang non-government organization, kasama ang Anakbayan Metro Manila, ng mga relief packs sa ilang pamilya sa tatlong maliit na komunidad sa Quezon City.

Ngayon ay ika-siyam na araw ng community quarantine sa National Capital Region o ika-pitong araw ng total lockdown sa buong Luzon.

Pinamahagi ang mga relief goods sa mga pamilya sa Sitio Tibagan, Brgy. Greater Fairview, sa Lipton Street sa Brgy. Sauyo at sa Brgy. Sta. Monica sa nasabing lungsod.

Ayon kay People’s Care Executive Director Ted Lazaro, naging posible ang kanilang pamamahagi ng relief goods dahil sa donasyon mula sa mga indibiwal na nais tumulong sa mga mahihirap na nawalan ng kabuhayan dahil sa lockdown.

Ayon kay Lazaro, “Dahil sa ugnayan natin sa mga people’s organization sa mga communities ay naipapaliwanag natin ang sitwasyon at ang prayoridad natin na maabutan sila ng agarang tulong.”

Ayon pa sa grupo, may nauna na rin sila nabigyan pang ibang lugar sa Quezon City, gaya ng nasa tinatayang 50 pamilya mula sa Brgy. UP Campus at Brgy. Old Capitol Site, limang pamilya sa Urbano Street sa Brgy. Bagbag at 20 pamilya sa Brgy Sta. Lucia.

Dagdag ng grupo, sisikapin nilang makakalap pa ng mga donasyon upang patuloy na makapagbigay ng pagkain at iba pang agarang tulong sa mga komunidad na hindi pa naaabot ng lokal at pambansang pamahalaan.

Sa mga nais magbigay ng tulong, maaring magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page.

Kuha ni KJ Dumapit

 

 

 

 

 

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here