Pinirmahan at idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proklamasyon Blg. 368 kung saan nakasaad ang mga regular at non-working holidays sa susunod na taon. Makikita sa listahan na wala ang petsa ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power na pumapatak sa Pebrero 22 hanggang 25.
Oktubre 13, 2023 nang ilabas ng Malacañang ang opisyal na listahan ng regular at non-working holidays para sa taong 2024.


Ang EDSA People Power noong 1986 ang nagpatalsik sa yumaong diktador na ama ng kasalukuyang pangulo at nagwakas sa 14-taong Batas Militar. (Idineklara ni Marcos Sr. ang pagbawi sa Batas Militar noong 1981, ngunit pinanatili niya ang kanyang mga kapangyarihan bilang diktador hanggang nang siya’y mapatalsik.)
Sa mga nakaraang taon, kabilang ang EDSA People Power sa mga special non-working holiday sa bansa.
- 2023 – itinakda noong Pebrero 24, Biyernes; naglabas ng amyenda ang administrasyon ni Marcos Jr. sa listahan ng holidays sa 2023 na inilabas ng nakaraang administrasyon, kung saan kasama pa rito ang EDSA People Power Revolution.
- 2022 – itinakda noong Pebrero 25, Biyernes
- 2021 – itinakda noong Pebrero 25, Huwebes
- 2020 – itinakda noong Pebrero 25, Martes
- 2019 – itinakda noong Pebrero 25, Lunes
- 2018 – itinakda noong Pebrero 25, Linggo
Paliwanag ng Office of the President, hindi na isinama sa listahan ng holiday ang anibersaryo ng EDSA People Power dahil tumapat ito sa araw ng Linggo at araw naman ito ng pahinga ng karamihan ng mga manggagawa’t empleyado. Ngunit sa mga nakaraang taon at maging sa administrasyon ni Marcos Jr. ay nililipat ng petsa ang mga holiday, alinsunod sa pagpapatupad nito ng “holiday economics”, kung saan sinasabing ang pagpapahaba ng wikend ay maaaring magpasigla sa turismo. Gaya na lang ng paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong 2023 na tumapat sa Linggo ang Abril 9 kaya idineklara ring holiday ang kasunod na araw ng Lunes, Abril 10.
Ngayong taon din, Pebrero 24 ang idineklarang non-working holiday para sa EDSA People Power na tumapat sa araw ng Biyernes.
Narito ang iba’t-ibang opinyon at panayam na ibinahagi ng Pilipino sa pag tanggal sa February 25 bilang isang holiday.
Pagtuligsa ng marami, ang pagbura sa EDSA People Power sa mga ginugunitang holiday sa bansa ay para takpan at balukturin ang kasaysayan. Matatandaan din na sa kasalukuyang taon ay lumabas ang balitang tanggalin ang pangalang “Ferdinand Marcos Sr.” sa mga libro at diskusyon tungkol sa Martial Law.
Reaksyon naman ng ilan na dapat sabayan ng malawakang kilos-protesta sa ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power para ‘di umepekto ang sadyang pagpapakalimot nito ng kasalukuyang administrasyon.
Sa samu’t-saring pagtingin ng mga Pilipino sa pagtanggal ng EDSA People Power sa 2024 Holidays ay nagpatibay pa lalo na gumawa ng malawakang kilos-protesta sa ika 38th anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Hindi naman tanggap ng ilan ang paliwanag ng Office of the President sa pagtanggal ng February 25 bilang holiday.
Bwelta ng ilang netizens na dahilan lamang si Marcos Jr. at hindi pa pinag isipan ang ira-rason. Diniin nila na ang Feast of Immaculate Concepcion ay natapat din sa Linggo pero kasali ito sa listahan ng 2024 holidays pero ang EDSA People Power Revolution ay hindi kabilang.
1712722241316909135?t=dpmiT3DnM-BaX4W3PRX0cg&s=19
Isa ang EDSA People Power na kinikilalang makasaysayang pagkilos noong taong 1986. Sa pangyayaring ito ay natamo ng mga Pilipino ang pagkakalaya sa diktaturang Marcos. Taon-taon din itong kung gunitain at patuloy na ipinakilala sa bansa upang hindi makalimot sa rason kung bakit ito inilunsad.




























