Sa talaan ng Department of Health (DOH), pagsapit ng Abril 9, nasa 203 pa lang ang inulat nitong namatay sa bansa habang 4,076 ang kumpirmadong kaso at 124 ang gumaling.

DOH COVID-19 CASE BULLETIN #026As of 4PM today, 09 April 2020, the Department of Health reports 206 new cases…

Geplaatst door Department of Health (Philippines) op Donderdag 9 april 2020

 

Ngunit sa National Capital Region (NCR) pa lang, ang sinasabing epicenter ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa, kung pagsasamahin ang ulat ng mga lokal na pamahalaan o LGU na ang datos ay aabot na sa 271 ang namatay sa COVID-19 noong Abril 9.

Karamihan sa mga datos na ito ng LGU ay sa DOH din galing o binabanggit na source.

 

Talaan ng namatay sa COVID-19 sa NCR (hanggang Abril 9)

Lugar Bilang ng namatay Positibo PUI PUM Gumaling
Manila 36 277 427 24
Quezon City 58 641 94 674 35
Caloocan (Abril 8) 17 61 162 203 5
Valenzuela City 4 39 248 293 1
Malabon 5 21 79 447 1
Navotas 2 11 64 103 0
San Juan 27 147 254 527 16
Marikina (Abril 8) 13 53 18 77 6
Mandaluyong

 

16

12 PUI

150 333 387 20
Pasig (Abril 8) 25 147 193 82 31
Makati 15 160 458 316 18
Taguig 10 133 139 206 6
Pateros 0 7 0 0 0
Pasay 8 64 45 322 4
Parañaque 17 184 376 391 9
Las Piñas 6 52 55 334 10
Muntinlupa 12 73 192 315 8
271 2,220 3,137 4,677 194

 

Samantala, ang datos ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong lang ang malinaw na nagbabanggit ng mga namatay na PUI bukod sa namatay na positibo o kumpirmado sa COVID-19.

Ilang mga katanungan hinggil sa bilang ng namatay ang pangangailang maitala ang mga namatay na PUI, maging lahat ng mga namatay at anong sanhi sa panahon ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa mula nang nakumpirma ang unang kaso noong Enero 30 habang lubhang mababa pa ang kakayanan ng bansa sa testing.

 

Pagpapataas ng kapasidad sa testing

Sa Abril 14 kung kailan target ng gobyerno simulan ang ‘massive testing’ ay target nitong makagawa ng 3,000 test kada araw at 8,000 hanggang 10,000 sa pagtatapos ng Abril anang DOH noong Abril 4.

Abril 6, inulat ng DOH na 10 na ang laboratoryo sa bansa at walo rito ay nakakapagsagawa na ng mga test. Nasa 1,710 pa lamang kada araw ang kapasidad ng walo hanggang 10 laboratoryo sa bansa.

Mas mataas naman ang binanggit ng tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force na si Karlo Norgrales noong Abril 7. Ani Nograles, target ng gobyerno na itaas ang kapasidad sa testing sa 2,600 hanggang 7,000 matapos ang Mahal na Araw. Pagdating Arbil 20, nasa 4,400 hanggang 9,800 ang test kada araw at 13,00 hanggang 20,000 pagsapit ng Abril 27.

Abril 30 matatapos ang dalawang linggong ekstensyon ng total lockdown sa Luzon.

 

Mga ulat ng mga LGU hanggang noong Abril 9

Mahahanap ang ulat ng Maynila dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Quezon City dito.

“Ang datos po mula sa DOH ay dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay para masiguro na lahat ay residente ng QC. Posible pang magbago ang bilang ng mga kaso sa lungsod,” sabi sa ulat.

 

Mahahanap ang ulat ng Caloocan noong Abril 8 na pinaskil noong Abril 9 dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Valenzuela dito.

Mula sa Facebook page ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian

 

Mahahanap ang ulat ng Malabon dito.

 

 

Mahahanap ang ulat ng Navotas dito.

Mula sa Navoteño Ako Facebook page

 

Mahahanap ang ulat ng San Juan dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Marikina noong Abril 8 dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Mandaluyong dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Pasig dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Makati dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Taguig dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Pasay dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Parañaque dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Las Piñas dito.

 

Mahahanap ang ulat ng Muntinlupa dito.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here