“Marcos Singilin, Duterte Panagutin!” Ito ang sigaw ng libo-libong nagmartsa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City at sa kabila ng malakas na ulan patuloy na isinagawa ng mga grupo ang tinaguriang #SONAngBayan.

Nagkaroon din ng sabay-sabay na programa sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Quezon City Hall at Commission on Human Rights (CHR) bago ang martsa, kung saan tinalakay ang iba’t ibang isyu tulad na lang ng militarisasyon sa mga komunidad ng National Capital Region, reklamasyon sa Manila Bay, demolisyon at ang mga atake sa kabuhayan at karapatan.

Tampok din ang effigy ng Ugatlahi na tinawag na “Cymbal-playing Marcos” na sumisimbolo sa pagiging sunud-suran nito sa Estados Unidos sa pagtulak ng kaniyang administrasyon sa gerang agresyon laban sa Tsina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here