Patuloy pa rin na isinusulong ng mga mag-aaral ng Rizal Technological University (RTU) kasama ang Rise for Education RTU ang kanilang panawagan na mass promotion at pag-refund sa kanila ng administrasyon ng RTU.

Nang inanunsyo ng RTU sa memo nito noong Mayo 18 ang paglipat ng alternatibong moda ng pagtuturo tungong ‘flexible learning,’ nagprotesta ang mga mag-aaral noong Mayo 22 na nagpapaabot ng alalahanin na makasunod sa ganitong moda ng pag-aaral laluna ang mga mahihirap, mga dumaraan sa krisis pampinansya dulot ng lockdown na nagpatigil sa mga kabuhayan at trabaho at maging ang mga nakararanas ng problem sa kanilang mental na kalusugan bago o nang mag-lockdown sa Metro Manila mula Marso 15.

Kasama ng College of Engineering, Architecture and Technology (CEAT), College of Business and Entrepreneurial Technology (CBET), nanawagan ang mga estudyante ng RTU ng isang online rally noong Mayo 25.

Si Paola, isang mag-aaral ng RTU, ay nais ipaliwanag at igiit ang kalagayan ng mga estudyante sa gitna ng pandemya. Pinoprotesta niya ang paggrado sa mga hindi makasunod sa “flexbile learning” ng paaralan.

“Wala na ngang means para makapag-comply sa Flexible Learning niyo ang karamihan sa kapwa ko estudyante, papatawan niyo pa ng 7.00/siyete. Maging maka-estudyante ho tayo. Walang estudyante ang may gusto magkaroon ng pandemic. Isipin niyo naman na may virus tayong kalaban dito, hindi po katamaran ng estudyante kalaban dito,” giit ni Paola.

Ipinapaliwanag din ni Paolo ang sitwasyon ng mga magulang ng mga mag-aaral na maraming nawalan ng trabaho, kung saan maging Department of Labor and Employment naman mismo ang nagsasabi na nasa 5 milyon ang mawawalan ng trabaho matapos ang lockdown na isinagawa para tugunan ang pandemya.

“Karamihan sa magulang ng kapwa ko estudyante, No Work, No pay. Yung iba nagb-bike o naglalakad ng sobrang layo papunta sa trabaho para lang kumita at may ipangkain sa isang araw. Paano pa ho maiisip yan kung hirap na hirap na sa buhay? Take note, yung iba sa kapwa ko estudyante, isa sa miyembro ng pamilya nyan may malubhang sakit, yung ibang estudyante may anak na, yung iba naman sila nalang inaasahan ng magulang nila. Hindi naman natin masasabi kung ano pa pinagdadaanan nila e,” ani Paola.

Batay sa memo ng RTU, ang mga alternatibong moda ng pagtuturo ay hanggang Hunyo 8 na lamang. Wala nang ibang rekisito na dapat ibigay bukod sa final requirement na dapat maisumite hanggang Hunyo 22 na lamang at ang grado ng mga mag-aaral ay ipapasa ng guro matapos ang isang linggo. Ang mga hindi makakapagpasa ng mga requirement ay bibigyan ng gradong 7.00 o “in progress,” na dapat makumpleto ang mga hindi natapos na rekisito mula Agosto hanggang Disyembre kundi ay mabibigyan ng gradong “INC” o incomplete. Maaari namang kumpletuhin ang “INC” mula Enero hanggang Disyembre 2021 para makakuha ng numerical grading ang mag-aaral.

Subalit nahihirapan na ang mga mag-aaral sa flexible learning ngayon pa lang.

Si Mark, 19 taong gulang at may kursong Computer Engineering, ay nag-aaral sa RTU, isang pampublikong unibersidad na nasa Mandaluyong. Sa gitna ng kasalukuyang pandemyang ito, isa sya sa may kakayahan na gumamit ng internet para sa online classes, ngunit ang teknolohiya at mga gadyet na meron sya ay limitado. Iyon nga lang, dahil biglaan ang desisyon ng quarantine, wala rin sakanya ang kanyang mga gamit. Lubos din siyang nag-aalala dahil may problema ang kanyang pamilya sa pinansya, at sa kasalukuyan ay walang nagtratrabaho sa pamilya nila. Ang kanyang nanay at tatay ay hiwalay at nasa magkaibang lugar.

Araw-araw ang pag-aalala niya sa kanila dahil sa pandemyang ito, ngunit sa gitna ng kanyang pag-aalala ay kailangan niyong balikan ang kanyang mga requirement sa paaralan. Noong mga unang araw ay patuloy pa rin ang RTU sa pagbibigay ng mga gawain. May ilan pa rito na kailangan ng pag-video at may ilan na kailangan ng mga bibilhing materyales upang makagawa.

Isa rin siya sa mga estudyanteng hindi full paid sa tuition fee at hanggang sa ngayon ay pinaparamdam sa kanya ng unibersidad na kailangan pang bayaran ang tuition kahit hindi naman nagamit ang pasilidad. Hindi niya alam kung paano babayaran ang tuition sa ngayon, at hanggang ngayon hindi pa malinaw kung ano ang dapat niyang gawin ukol dito. May ibang nagpapagawa ng napakaraming mga gawain, at bilang lamang ang panahon para makapagpasa, hindi nya din alam kung kailan matatapos itong pandemyang ito at ang kalusugang ng bawat isa ay nasa panganib. Siya ay naiipit sa sitwasyon na ito. Pinansyal na problema sa pamilya at iniisip pa ang pagbabayad ng tuition fee, gayundin ang bilang na panahon ng pagpapasa ng mga requirement kasabay ng stress sa pandemyang lumalaganap.

Para sa maraming mag-aaral gaya nina Paola, makatwiran lang naman sa panahong ito ang panawagang mass promotion.

“Bakit hindi niyo nalang ipasa ang mga estudyante at pag-handaan/pagandahin/ayusin nalang ng mabuti ang sistema sa pag-pasok namin next school year? Wala naman hong mawawala kung gagawin niyo yun. Pasalamat na nga lang ako dahil nagkaroon kami ng negosyo ngayong quarantine (pagbe-benta ng faceshields). Siguro kung wala yun, wala na rin kami makakakain. Nagsasalita ako hindi dahil sa tamad ako at ayoko ng Online Class, Flexible learning at kung ano pang itawag niyo dyan.. Nagsasalita ako dahil kailangan ang boses ko, kailangan ang internet ko para makapag-salita at ipaglaban ang mga kapwa ko estudyante na walang means at access na makapag-internet,” ani Paola.

UPDATES!!OFFICIAL STATEMENT FROM THE OFFICE OF THE PRESIDENT

Geplaatst door RTU Civil Engineering Department op Vrijdag 22 mei 2020

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here