Batay sa kinulumpon na ulat ng mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) pagdating ng Mayo 3, umabot na sa 5,315 ang positibo sa COVID-19 sa rehiyon. Ang naitala ng mga LGU sa NCR na gumaling ay 1,042 at 554 ang positibo sa COVID-19 na namatay.

Nananatiling ang LGU ng Navotas at Mandaluyong ang regular na nag-uulat ng mga suspect at probable na namatay. Sa Navotas, 15 ang positibo sa COVID-19 na namatay, pero 68 na probable cases na ang nasawi. Sa Mandaluyong, 36 ang namatay na positibo sa COVID-19 at 44 na suspect cases ang namatay.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), umabot na sa 9,223 ang positibong kaso ng COVID-19, 1,214 ang gumaling at 637 ang namatay sa buong bansa. Naitala ang 295 bagong kaso ngayong araw.

 

Maynila

Umabot sa 39 ang bagong positibong kaso ng COVID-19 sa syudad noong huling ulat ng LGU noong Mayo 2. Mas maraming nasawi sa COVID-19 sa distrito ng Tondo 1 (13) kaysa sa Sampaloc (11). Isasailalim ng LGU ang Tondo 1 sa ‘hard lockdown’ mula Mayo 3 hanggang 5. Nauna nang isinailalim sa ‘hard lockdown’ ang Sampaloc.

Distrito na pinakamaraming positibong kaso:

  1. Sampaloc – 119
  2. Tondo 1 – 102
  3. Cruz – 58

COVID-19 MONITORING: Ayon sa datos ng Manila Health Department (MHD), 735 na mga residente ng Lungsod ng Maynila ang…

Geplaatst door Manila Public Information Office op Zaterdag 2 mei 2020

 

Quezon City

May 1,336 na positibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City sa ulat nito noong Mayo 2.

Geplaatst door Quezon City Government op Zondag 3 mei 2020

 

Caloocan

Umabot na sa 190 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Caloocan sa huling ulat nito noong Mayo 1.

Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Vrijdag 1 mei 2020

 

Valenzuela

Umabot na sa 118 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela ngayong Mayo 3. Dumoble naman ang bilang ng gumaling sa sakit sa loob ng 2 araw, mula 11 noong Mayo 1 tungong 22 ngayong araw.

#COVID19 UPDATE: Valenzuela City Monitoring Report as of 5:00 pm, May 3, 2020.

Geplaatst door Valenzuela City op Zondag 3 mei 2020

 

Malabon

Ayon sa City Health Department ng Malabon, tatlo (3) ang nadagdag na positibong kaso ngayong araw, May 3. Sa kabuuan ay nasa animnapu’t tatlo (63) na ang kaso ng COVID-19 sa Malabon.

COVID-19 UPDATES: Ayon sa City Health Department, tatlo (3) ang nadagdag na positibong kaso ngayong araw, May 3. Sa…

Geplaatst door 100% Pusong Malabon op Zondag 3 mei 2020

 

Navotas

Umabot na sa 48 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas; 15 dito ang nasawi sa sakit. Samantala, naitala naman ng LGU ang 68 na probable na kaso ng COVID-19 na pumanaw na.

#????????? ??????As of 3 May 2020, 4PM??? = 135??????? = 104 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe, critical)…

Geplaatst door Navoteño AKO! op Zondag 3 mei 2020

 

San Juan

Umakyat ng 2 ang confirmed cases sa San Juan, na may kabuuang 250 kaso ng COVID-19.

Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Zondag 3 mei 2020

 

Marikina

Mayroon nang 115 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina ngayong araw. Ang kabuuang pumanaw sa syudad ay umabot na sa 18. 

Barangay na pinakamaraming positibong kaso:

  1. Concepcion Uno – 17
  2. Marikina Heights – 14
  3. Concepcion Dos – 12

Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…

Geplaatst door Marikina PIO op Zondag 3 mei 2020

 

Mandaluyong

Naitala ng Mandaluyong City Health Department ang 410 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad sa ulat nito noong Mayo 2.

Lumabas sa resulta ng isinagawang COVID-19 testing sa naunang 510 swab specimens mula sa Suspects Case na 455 sa kanila…

Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Zaterdag 2 mei 2020

 

Pasig

Sa ulat ng Pasig LGU mula sa Department of Health, mayroon nang 330 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad noong Mayo 1.

Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Vrijdag 1 mei 2020

 

Makati

Ngayong araw, May 7, 2020, umabot na sa 425 confirmed cases ng COVID-19 sa Makati ayon sa DOH.

Ngayong araw, May 3, 2020, umabot na sa 393 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ang kabuuang bilang na naitala ng…

Geplaatst door My Makati op Zondag 3 mei 2020

 

Taguig

Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 6 na bagong confirmed cases. Ang mga ito ay mula sa Brgy. North Signal, South Daang Hari, Fort Bonifacio, South Signal at North Daang Hari. Ang kabuuang numero ng confirmed cases sa Taguig ay 245.

TAGUIG CITY COVID-19 CASE UPDATESMay 3, 2020Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 6 na bagong CONFIRMED cases. Ito…

Geplaatst door I Love Taguig op Zondag 3 mei 2020

 

Pateros  

May 22 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pateros sa huling ulat nito noong Mayo 1.

Isang Pateros Official Covid-19 Updates as of 6:00pm, May 1, 2020

Geplaatst door IsangPateros op Vrijdag 1 mei 2020

 

Pasay

Mayroong nang naitalang 218 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay.

Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Zondag 3 mei 2020

 

Parañaque

Umabot na sa 481 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Parañaque sa ulat nito noong Mayo 2.

Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Zaterdag 2 mei 2020

 

Las Piñas

Mayroon nang 175 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad.

LAS PIÑAS COVID-19 UPDATE

Geplaatst door City of Las Piñas op Zaterdag 2 mei 2020

 

Muntinlupa

Nakapagtala na ng 174 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Muntinlupa.

Breakdown of COVID-19 cases per Barangay as of May 3, 2020, 2:00 PM. Active Suspect: 8(8 home quarantine, 0…

Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Zaterdag 2 mei 2020

 

 

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here